Friday, March 30, 2012

Ito nga pala ang tropa namin.

Ipinakikilala ko sa inyo ang pinakamatinong tropa ng taon. From left to right: Cj, Ako (sa taas), Ellen (sa baba), Cheska.

Joke lang. Para sakin hindi talaga ito matino. Ewan ko. De, actually, kami lang talaga ni Cj ang besprends dyaan. Simula ng nakisali sila Cheska, hindi ko alam kung anong nanyari. (Gusto kong ipaalam sa inyo na ikikwento ko ang history ng aming pagkakaibigan. Kung interesado kayo, gora lang. Kung wala kayong pake, bahala na kayo sa buhay nyo.)
Actually kami lang talaga noon. Best friends kasi kami simula grade 3. Dabest talaga ang friendship namin. Sya lang yung kaibigan ko na wala akong kinaiinisan, yung hindi ko pinagsasawaang kasama/kausap, yung kaisa isang good influence sa akin. 
Dabest sya.
Tapos biglang nasali si Cheska sa amin. Kami yung C3. Sabay kami palagi kumain, magkakasama palagi. Pero tropa tropa lang. Kami yung pinakamatinong tropa noon. Matatalino (ehem), pinakamabait tsaka.. basta hindi ko madescribe. Matino lang talaga kami. Wow ha.
Tapos bigla ding napasama si Ellen sa amin. Eh kasi naman, iniwan sya sa ere nung mga kaibigan nya. Tapos sa amin sya nagbuhos ng sama ng loob. Eh naaawa din kami. Tapos nasabihan sya ni Cheska ng "Samin ka na lang sumama. Tamo, hindi makakalaban yang mga kaibigan mo kapag naging kakampi mo kami" kasi nadala din kami doon sa mga kwento nya. Tapos ayun, sumama sya samin. Ayos lang naman.. medyo.
 Hanggang sa nag3rd Grading. Hindi na kami palagi magkatabi ni Cj, si Cheska na palagi kong katabi kasi magkalapit lang yung surnames namin. Mas naging close kami ni Cheska. Tsaka may nalaman akong di kanais nais kay Cj kaya feeling ko nalayo yung loob ko sa kanya. Si Cheska, sya lang yung kasama ko palagi. Pero hindi ko sya best friend kasi may kinaiinisan din naman kasi ako sa kanya. Mayabang kasi sya tsaka nasa loob yung kulo. Pero ayos lang. Sya lang yung nasabihan ko about dun sa friendship namin na nasisira. Tapos sa sobrang close namin ni Cheska, si Cj parang nagselos. Syempre, sino ba namang baliw yung hindi magtatampo kapag bigla ka na lang iniwan ng kaibigan mo dahil sa bago nyang kaibigan diba? Tas ayun, sumama si Cj kay Ellen tapos parang nagseperate na yung tropa.
Tapos nung nawala si Cheska dahil sa bulutong, tas nagalit si Ellen kay Cj kasi akala nya galit sa kanya  si Cj, narealize ni Cj na mali yung ginawa nya kasi hindi nya inintindi yung side ko (nabasa nya kasi yung mga posts ko sa tumblr) Tapos ayun nagbati kami.
In short: Wala na kaming tropa. Back to normal ulit. Kami pa din ni Cj yung bestfriends. Wow ha. :)
Ito kasi talaga yung class picture namin na korni "daw". Hindi ko alam kung korni talaga kasi..... IIIIH NAKAKAKILIG KAYA HIHIHIHI. Hindi ko alam kung bakit ganyan pose ni crush ko. De joke, alam ko talaga.

  • HINDI KASI SYA MARUNONG MAGWACKY.
  • OOPS AKO DIN, HINDI DIN AKO MARUNONG.
  • PASIDE VIEW SIDE VIEW PA KONG NALALAMAN.
  • PANGIT PA DIN NAMAN.
  • SYA NAMAN, MAY PATINGIN TINGIN PA.
  • HAHAHAHA
  • SO FEELING KO SAKIN SYA NAKATINGIN, GANON?
  • BAHALA NA
  • HIHIHIHIHIHIHIHIHIHIHI

"PUTANG INA"

Para sakin, itong kasuklam suklam na post na ito ang isa sa pinaka malaking secret ko sa buong buhay ko. Huwag nyo ipagsasabi kahit kanino ah. Medyo pangit itong post na ito. Pinagsisisihan ko. Sorry na.
Okay here it goes.
Sa buong buhay ko, 3 na beses na akong nakapagsabi/nakapagtype ng putangina. Oops, apat na pala dahil dun sa kabilang sentence. Ayoko sanang ipost ito pero nakakatuwang nakakadepress eh. Geh bye.

  1. Unang beses, nung Grade 2 ako. SHIT hahahaha. Ito yung mga times na sobrang unproductive nung year ko dahil wala talaga akong natutunan. Ang tanging mga bagay lang na naimprove ko sa sarili ko ay yung pagiging mayabang ko, careless, mayabang, careless, malandi, mayabang, mayabang, at mayabang. Then isang araw, trip kong gayahin yung mga kaklase ko (lowest section ata ako non kasi super late kong nagenroll) Tapos habang umiikot kami sa isang puno, nafeel kong magmura. Pinilit ko yung sarili kong matapilok tapos sinabi ko yung word na yun. Tinawanan lang ako nung kaklase ko. HAHAHAHAHAHAHA. Saya no.
  2. Ngayong year. Pinaguusapan namin nung kaklase ko yung mga mura. Sabi nya, ang favorite mura nya daw "tang ama". Sabi ko, mas mabuti na yung tooot kesa sa tang ama. Kasi feeling ko si God yung namumura kapag yun eh. Kaya nasabi ko na naman yun unintentionally. Huhuhuhu
  3. Dun sa title nitong post na ito.
  4. Pang pitong sentence nitong post.
  5. Huhuhuhuhuhuhuhuhuhu
  6. Sorry Lord.

Monday, March 12, 2012

Best in Computer, Keanna Chloe B. Navarro from 3-Loyalty!
 Yan yung isa sa mga memorable experiences ko nung Elementary. Ewan ko, hindi ko pa naman alam na may abilidad pala ako sa pagcocomputer non eh. Well, hindi naman talaga ako magaling actually. And inaamin ko yun kasi mas magaling pa sa akin ang best friend kong si Kathleen. Kaya lang naman ako naging best in computer nun kasi nagandahan yung teacher ko sa bracelet ko eh. Simple as that.
Pero nagulat ako, simula non naging best in computer na ako hanggang grade 5. Hindi naman sa pagmamayabang na niyayabang ko naman talaga, mabilis kasi ako gumalaw sa mouse. Mabilis ako magtype. Madiskarte ako sa mga tools. Proud sakin yung mga teacher ko. 
Nung Grade 6 naman, wala. Dapat talaga ako yung best in computer non. Duh, sobrang laki naman ng lamang ko kay Camille (naging BIC). Dinaig nya lang naman ako sa pagsipsip sa ITC teacher namin kaya sya yung nilalaban. Pero kung ako yung nilaban don sa mga contest, syempre ako na best in computer no -_- 
(K, im so yabang. Zarreh, Im being carefree with my blog. HAHAHA.)
NGAYONG HIGHSCHOOL, wala na lahat. Lahat na sa amin magaling. HAHAHA bwisit. Pero magaling talaga ako. HAHAHA pagpilitan ko pa XD

Friday, March 9, 2012

Gusto ko sa lalaki #001

  1. Gusto ko pogi. As in yung kapag nakita mo palang sya sa malayo, kikiligin ka na. Hindi kasi nakakasawa yung ganon. HAHA. As if naman may poging papatol sakin diba. Pero, eto talaga yung type ko eh. Sino ba namang bobo yung magkakagusto sa isang tao na ang bobo ng hairstyle tapos jologs diba? What I mean is,  yung pogi in a different way. Yung looks na hindi mo makikita sa karamihang lalaki. Yung sosyal, magaling pumorma (<- SOBRANG KAILANGAN PLEASE). Pero actually, mas matimbang pa din  ang attitudes. Kailangan lang talaga ng kapogian para balance ;)
  2. Mabait. Pwedeng sa akin lang, pwedeng sa lahat. Gusto ko yung may takot sa Diyos. Gusto ko yung mabait talaga, marunong magsacrifice ng mga bagay para sa mga bagay na pinahahalagahan nya. Marunong magpasensya. Ice lang naman kung yung tipong bad boy, pero mas dabest pa din kapag good boy.
  3. Matalino. Eto talaga, kapag hindi matalino yung lalaki, total turn off sakin. Hindi talaga ako naiin love sa mga taong hindi matalino. Pero ayoko din naman ng sobrang talino. Gusto ko yung matalino talaga, pero mas matalino ako. HAHAHAA CHOT. Dabes yung mga wise, hindi yung smart. Marunong, hindi matalino. Gusto ko yung ganon. Iiiih haha.
  4. May sense of humor. DABES TO PRAMIS. Ayaw ko nung korni. Total turn off. Ayoko nung parang paulit ulit lang yung jokes, o kaya nagaya lang sa internet o sa mga jokes ng mga dati nyang kaklase. Gusto ko yung may originality.
  5. Lalaking lalaki. Gusto ko mas matangkad sakin. Gusto ko yung poprotektahan ako palagi. Ayoko ng masyadong sweet, magsasawa ako. Gusto ko yung parang best friend ko sya, komportable kami sa lahat ng ginagawa namin at nageenjoy kami. Gusto ko yung kahit magmurahan kami, sweet pa din tsaka enjoy. Gusto ko yung tipong, pag nakasama ko sya feeling ko safe ako.
  6. Mabango. Yung aamuyin mo palang, laglag na panty mo. Dadaan palang pero himatay ka na. Shet.
  7. Makulit at madaldal. Pero hindi bading. May mga lalaki kasing medyo bakla pero hindi nya alam. Ayoko ng malibog masyado. Nakakabuwisit. Kadiri. Gusto ko yung nagiging "man much" lang kapag kasama yung barkada, pero may respeto pa din sa lahat ng babae. Shit men, that's cool.