Sunday, August 21, 2016

What's New in college

Nakikinig ako ngayon sa isang jazz playlist sa youtube. Kapag nakikinig ako ng jazz, naaalala ko yung kapatid ko sa Schwabach na si Simon. Favorite nya kasi yung jazz. Sobrang amazed lang ako kasi bihira lang sa lalaki yung mahilig sa jazz music. Turned on lang ako sa kanya nung sinabi nya yun kasi naniniwala ako sa quote na "you can tell a lot about someone by the music genre they listen to". Ako lang din gumawa nung quote na 'yan. Hehe.

Magi-isang buwan na yung first sem. Minsan nalilito pa din ako kung first sem ba 'to o pangalawa na. Bukod sa nag-shift na yung calendar chuchu ng school, octoberian pa kami ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung ako ba yung maga-adjust o yung mga tao sa paligid ko? Feeling ko kasi talaga second sem pa lang.

Walang gaanong ganap sa life ko. So far, gusto ko lahat ng professors ko except sa prof namin sa Filipino kasi ubod ng bagal nya magsalita. May isang beses, sabi nya kausapin mo daw yung isang bata sa paraang maiintindihan ka nya. Kumbaga, gayahin mo yung bilis/bagal ng pagsasalita nung bata; ikaw yung mag-adjust. Pero hello? Karamihan ata sa amin hindi na minor. Hindi ko alam kung bakit kinakausap nya kami as if kakatungtong palang namin ng Grade 1. Pero okay lang.

Ang pinaka-struggle namin ngayong sem ay yung mga kaklase namin. Hindi ko alam kung sapat ba yung dahilan na freshies sila at hindi pa nila gano' n kagamay yung kolehiyo. Pero girl, inaaway nila kami!!! or feeling lang namin? Naalala ko nung algeb last week, 1 and a half hour ahead kaming naghihintay sa kabilang room dahil wala kaming matambayan sa labas. Kakasira lang din ng glue ng salamin ko kaya nahiwalay sa frame yung isang glass ng salamin (???)(yun na yun). Pagdating ng prof at pagka-bukas ng guard sa classroom, rumagasa kaming lahat papasok. Ang masasabi ko lang: sobrang hayok ng mga kaklase ko. Alam mo yung panic at excitement ng mga bata kapag dumating na yung service nilang dalawang oras nilang hinintay? Yung "magkamatayan na pero kailangan mauna ako sa tabi ng pinto ng sasakyan" feels? Gano'ng gano'n. Nakakuha na sila Ate Joyce ng pwesto namin, pero meron pa ding nangunguna hanggang sa naiwan kaming walang upuan. Meron pang isang girlaloo na ginitgit talaga ako para lang makaupo, sabay tingin sakin. Binigyan ko din sya ng matapang na tingin dahil ilang inches akong mas matangkad sa kanya, pero in the end nakaupo sya kasama ng mga kaibigan nya. Siguro nga mahina lang talaga kami makipag-gerahan para sa upuan. Kumuha na lang kami sa kabila.

Takot lang talaga sila mawalan ng upuan. Narinig ko na yon nung sinabi nila. Noong sunod na algeb class, sila naman yung walang maupuan dahil late sila. Punong puno ng reklamo yung mga bunganga nila, lalo na nung nakita nila kaming nakaupo sa unahan. Bukod sa gusto nilang makaupo agad, gusto din nilang nasa unahan sila. Dahil hindi naman sila nagpaparticipate sa klase at puro lang sila tawa kapag may mababaw na joke yung prof, ina-assume ko na gusto lang nilang magpapapansin sa prof.

Minsan nagpaparinig din sila sa amin. Pero iniisip ko na lang na kaya kami yung palagi nilang pinupuntirya sa dinami dami namin sa klase, dahil nai-insecure sila samin.... hehe...

Dumami nga din pala yung gwapo sa school namin ngayong sem. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang sila lumabas. Pero mas thrilling pumasok dahil 'don. Ang highlight lang naman ng last week ko ay yung discovery ko sa bago kong crush (na medyo hindi pa legit kasi hindi ko pa talaga sya kilala). Nagpa-add kasi kami ng kaibigan ko ng subject (biotech); late na kami ng dalawang meetings. Habang naghihintay sa labas ng laboratory, may dumaan na lalaki na medyo mukhang koreano na nakatingin sa akin. Parang gusto nya kong (o kami.. kung babawasan ko yung pagka-feeler ko) kausapin kaso sabi nya sa isip nya, "ay wag na nga lang... pero... wag na nga lang..". Pagpasok sa lab, lumapit sya sakin at tinanong kung *nakalimutan ko na pala kung ano yung tinanong nya*. Tapos tumabi na sya sakin. Maya-maya, pinatayo kami ng prof kasi may experiment pala yung mga kaklase namin, eh since wala kaming dalang kahit ano, pinatabi nya muna kami sa table. Siya yung nagbigay sakin ng upuan. Kinilig ako kasi ang gentleman! Parang nabasa nya sa isip ko kung ano ba yung ideal ko. Charing.

Wine making yung first activity. Habang wala kaming ginagawa, tinatanong nya ko ng mga kung ano ano. Bakit daw wala kami last time. Ano daw course namin. Anong year na daw namin. Hindi kami magkaintindihan kasi maingay sa loob ng lab tapos sabay pa kami magsalita tapos medyo nahihinaan ako sa boses nya. Parang pa-demure charot. Tapos ang pinaka-nakakalokang part ay kapag may sinasabi syang hindi naman dapat ngitian pero bigla syang ngingiti ng nakakasabog-matres na ngiti. Sobrang cute! Hindi ko ma-contain.

Dahil hindi ko gaanong ma-gets yung sinasabi nya, oo na lang ako ng oo. Hindi ko na pinapahaba yung usapan kahit minsan may mga mali sya. Akala nya apat lang sa isang grupo, kahit lima. Inexplain ko din sa kanya na kailangan namin ng prutas na hindi pa nakukuha ng ibang grupo kasi bawal may kaparehas. Pero hindi nya ata nagets kasi pinagpipilitan nyang calamansi na lang samin, eh yung nasa harap na group namin calamansi na yung ginagawa. Sabi ko, "Hindi nga pwede kasi bawal may kaparehas!" tapos sabi nya, "Ibang calamansi yung sa atin.... made in Italy...". Tapos sabi nya pa, sya na lang daw magdadala ng tubig. Pagtingin ko sa board, 1/4 cup of hot water lang pala ang kailangan. Para syang shirahhh! Hehehehe.

Turn on din dahil tinanong ko sya kung saan sya nakatira. Iniisip kasi namin kung kanino kami gagawa ng activity. Sabi nya sa may Molino daw. Medyo nagpanic ako kasi parehas lang kami ng jeep na sinasakyan! Kinilig ako sa thought na palagi nya palang nadadaanan yung subdivision namin kada pumasok at umuwi sya. Sinabi ko kung saan ako nakatira, tapos tinanong nya ko kung may kakilala daw ba akong *di ko narinig yung pangalan, sinabi ko lang na "Hindi e. Hindi kasi ako lumalabas ng bahay. Hehehe". Sinabi ko lang para ipaalam na introvert ako. Ewan ko lang kung na-decode nya yung hidden meaning. Pero kinikilig ako kasi ngayong alam nya na kung saan ako nakatira, maiisip nya kaya ako tuwing mapapadaan sya sa subdivision namin? Sana....

Pucha, yung kalanturan ko.

Isa pa sa turn on-s ko sa kanya ay!!! hindi nya kabisado yung number nya kasi hindi daw sya gaanong gumagamit ng cellphone. Pang-fb lang daw yung phone nya, pero sya yung may pinakamagandang phone sa group namin. Naisip ko lang na kung hindi sya pala-text, ibig sabihin wala syang girlfriend may less chance syang maging jejemon. Ang mainstream na kasi ng mga taong puro text. Buti sinabi nya na hindi sya ganoon.

Habang tinatype ko 'to, naisip ko tuloy kung paano kung hindi naman pala sya nagsasabi ng totoo? Gaya nga ng sabi ko, hindi ko pa naman sya gaanong kilala. Sadyang nagpapalinlang muna ko sa ka-cute-an nya, kasi sobrang cute nya talaga. Lalo na pag ngumingiti. Hnggg.

Hinahanap ko sya sa school tuwing papasok ako o kaya vacant namin. Mas aware na ko sa paligid ko, kasi simula nung nakilala ko sya talagang tumitingin na ko sa bawat mukhang nakakasalubong ko. Isang beses ko palang sya nakikita mula nung biotech namin. Yung sumunod na araw n'on, nakita ko sya lumabas ng lumang building. Pero hindi nya ata ako nakita? Nakataas yung buhok nya. Nabawasan yung cool-ness nya. Mas gusto ko pa din sa lalaki yung mukhang hindi pinageffort-an yung buhok. Natural lang.

Ilang araw na yung nagdaan pero hindi ko pa din sinasabi kay Macky na type ko yung lalaking yun. Pero malakas yung pakiramdam ko na alam ni Macky 'yun. Sabi nya kasi sa amin out of the blue, feeling nya malapit ko na makita yung forever ko. Last week, may inaasar sa akin yung mga kaklase namin na forever ko daw. Kinausap kasi ako nung lalaki after class after nya malaman na member ako ng Imusicapella. Pero si Macky, pinagpipilitan pa din na may isa pa kong forever. Malamang si biotech classmate yun.

Biotech classmate!!! Hahaha ang pangit ng codename.

Sinearch ko sya syempre sa facebook. Ang gwapo nya pa din sa facebook, tsaka ang hot ng isa nyang profile picture. Sa tanan ng buhay ko, parang sya pa lang yung nadescribe ko as 'hot'. Hindi kasi talaga ako mabilis ma-hot-an sa mga malalaki yung katawan o kaya sa mga ubod ng poging mga artista sa TV. Pero itong isang to, iba talaga!

O baka dala lang to ng binabasa kong libro na It Ends With Us.

Wala akong ganang magkwento ngayon. May rehearsal kasi mamaya at medyo nababother ako sa oras. Next time na lang ulit kapag crush na din ako nung crush ko. Bye!