Diba nga sabi ko sa inyo, gusto kong maging director. Ewan. Naisip ko ding mag multimedia arts pagdating ng college. Pero medyo, MEDYO, nagaalangan na kong ipursue yon. Wala lang. Sabi kasi ng nanay ko hindi daw ako kikita ng madaming pera sa course na yon. Wala lang. Ewan ko.
Naguguluhan tuloy ako. Kasi naman nagtanong pa ko ajfsxklzbjsdicf
Pero hindi ko alam kung niloloko nya lang ako or what kasi ang gusto nya talaga mag computer engineering ako eh. Wala lang.
Hindi ko naman kasi alam kung ano talaga gusto kong mangyari sa buhay ko. I mean, gusto ko magkaroon ng trabaho na kikita ako ng madaming pera as well as sobrang love ko yung trabahong yon. Gusto ko din yung trabaho kung saan magaling ako. Eh san ba ko magaling? Ewan. Masaya ako sa directing kasi mahilig ako sa movies tsaka sa mga scripts. Ayon. Masaya din ako sa mga trabahong nasa office, wala lang, nakikita ko lang sa movies. Hahaha. Parang ang saya. Basta gusto ko yung madami akong kikitain. Gusto ko yung trabaho ng magulang nung kaklase ko. Wala lang. Advertising ata yon eh, pero ewan ko kung ano ginagawa don.
Gusto ko magtravel. Pero ayoko magtrabaho sa mga ships. Hindi sa takot ako. Pero ewan, minsan naiimagine ko na baka gumunaw mundo, tapos wala lang hahaha. Iba na kasi panahon ngayon eh, baka magkatsunami katulad nung sa Poseidon. Hahaha bwiset. Wala lang. Hindi naman ako takot sa ships, takot lang ako magstay ng matagal. OKAY ANUDAW.
Sa planes naman, ewan ko din eh, hahaha. Sabe ng nanay ko basta daw may kinalaman sa airlines, mataas daw sweldo. Ewan ko lang. Gusto ko din sana kaso.. hindi eh. Hindi ko alam.
Ayoko naman ng engineering, kasi ewan, diba may kinalaman yon sa inventions? Eh hindi naman ako mahilig sa ganon kasi tamad ako magisip tsaka hindi talaga ako magaling maginvent. Buong buhay ko wala akong nainvent na kapaki pakinabang. Culinary naman, hmm, pwede. Kaso jusko halos lahat ata culinary na. Kung education, hindi ako yayaman. Ayoko din ng may kinalaman sa science, pero ewan ko, medyo gusto kong maging psychologist eh. Hekhek. Ewan ko. Ayoko ng law, or kahit anong big time na course, dyok, law lang talaga. Medyo gusto ko yung may kinalaman sa business kasi medyo sanay na ko sa pera eh. Pero ewan ko. Daming alam! Hahaha buset.
AYOKO NA NGA MAGCOLLEGE
MAGTITINDA NA LANG AKO TURON SA CANTEEN NG II
BUSET
HAHAHA
DAMING ARTE