Namimiss ko yung dwegsters. Shocks namimiss ko talaga sila!!! Alam nyo bang kapag naiisip ko yung mga memories namin tupangina nakakaramdam ako ng atomic bomb sa dibdib ko? Tapos tuwing kinakanta ng mga kaklase kong otaku yung sinayaw namin sa foundation day noon (maka “sinayaw namin" feeling dancer hahahaha char) napapatulala ako at napapatingin sa bintana at namimiss yung 2 silver at namimiss ng over over yung dwegsters. Nakakamiss yung mga malalanding kilig pag may nakakasabay na pogi sa daan, yung pagtatawanan nila ako tuwing science kasi sila lang yung nakakahalata ng mga kalandian ko, yung hindi ako kakabahan kapag may oral exams sa kahit anong subject kasi andyan sila.
Wait ipapalabas yung exo wait
Okay. Ang sarap magsenti. Puro ako miss ngayon. Kung nagrereview na lang siguro ako edi sana may napapala ako sa buhay ko.
Anyway, naiinspire ako sa pinanood ko kanina. Narealize ko na imbis na bumili agad ako ng pagkain basta mapadaan ako sa canteen kahit hindi pa naman ako gutom na gutom, tipirin ko na lang yung pera ko. May mga tao kasing alam mo yon, kailangan pang magpakahirap ng ilang oras makakuha lang ng limang piso, kinse. Yung ganon. Ang dami kong blessings na natatanggap tapos minsan hindi pa ko satisfied. Yung iba halos maghingalo na magulang kakagapang para sa pagaaral ng mga anak nila. Ako naman puro landi sa exo, magkakabisado na nga lang hindi ko pa magawa. Palagi na lang akong tinatamad. Palaging puyat. Natutulog sa klase imbis na gumawa ng mga requirements.
At alam mo yon, imbis na magreview ako sa oras na to type ako ng type.
Ge.
No comments:
Post a Comment