Thursday, December 15, 2016

Talk about the firsts

Blogging tonight because I'm still breathless I need to vent out.

My nerves are burning right now. I don't know kung dahil ba yun sa pagsakay ko sa motor o sa hampas ng hangin sa katawan ko o sa lamig o sa kasama ko. Ewan.

Wait, bago yan, I deleted my two first posts about him dahil he said to me one night na "Tingin ko naman hindi ako magkaka-relationship inside the choir. Tingin ko lang kasi talaga sa lahat dito, brothers and sisters." and I just looked far away and he said after some seconds "sabagay, hindi mo din naman kasi masasabi." I took it as negative. Maybe he can feel na nagkakacrush na ko sa kanya kaya sinabi nya na hangga't maaga na sister lang ang tingin nya sakin. Ok.

I'm trying to move on. Or I was? I don't know kung ano nang estado ko ngayon.

Lately we were again interacting like as in hayok. Like last night, we were on the same table at kinukwentuhan nya kami ng about sa ust, sa college, sa ibang choir. And while walking, magkatabi kami sa likod na naguusap. The whole walk! Ganun ganun.

Kanina, I fucking did not expect it, pero we went out. I don't know how that happened and kung 'date' ba yun, pero I think it's too early to label that as a date (wait bat ba ang taglish ko). Basta my whole life, yun lang talaga yung first time kong lumabas with a guy. Fuck! Hindi pa din ako makamove on. Plus hurumentado points dahil yung first time na yun ay with my crush, plus!!!! sya yung nag-aya. I'm so shookt.

Lord, what have I done to deserve this. Hahahaha charot (medyo).

Actually, feelingera lang ako! Pero wala lang yun talaga, friendly date lang. 3pm kanina, kakagaling lang namin ni mami sa palengke kasi nagluto sya ng ginatan (for me haha chos medyo). After kong tumulong magbilog ng mga ek ek, nag-fb ako. He chatted me and asked kung free ba ako today. Hindi ko ginamit yung utak ko at sinabi ko lang na, oo, why. Sabi nya samahan ko daw sya. Shet. Naisip ko na na baka magpapasama sya maghanap  ng regalo. Super, shet. Super super shet. Yung crush ko inaaya akong samahan sya maghanap ng regalo, kami lang dalawa, of all people ako talaga. So sabi nya, samahan ko sya kausapin yung ek ek sa pagpa-party-han ng choir this coming Sunday. Basta ganun, ang tagal ko magreply kasi hindi ko alam sasabihin ko kasi una, ayaw ko (pahard to get mood) pangalawa, hindi ko alam kung anong purpose ko kasi duh mas matanda sya sakin mas kaya nya na yun ihandle. Pero umoo ako kasi wala na e, nasabi ko na na free ako today.

The whole time hanggang sa magmeet kami, kabang kaba ako. Nagmumura ako paulit ulit sa isip ko kasi shet I'm not ready for this fucking shit how is this happening. Pagdating ko ng saktong 5:30, nagkita na kami, hindi ko sure kung sinabi ba nya na 30 minutes din syang late (yun yung narinig ko) pero feeling ko mali yung rinig ko kasi mukhang kanina pa sya dun tapos sabi nya pa "sinakto mo talagang 5:30" tapos mukhang matagal nang nakapark yung motor nya ganun.

Ayun pa nga yung nakakastress!!! Motor!!! Mas nakakastress yun kesa kotse kasi like pag kotse may sarili pa kayong space pero pag motor you're too close shet hindi ko matake! Sabi ko nga sa kanya hindi ako sanay magmotor ganun. Gentleman naman sya, ganun. Pero ugh, sobrang surreal hahahaha charing. Pag naalala ko kinikilig lang ako so... ok...

KAKAIBA SYA KASAMA like ughhhhhhhh perfect. Kanina talaga fucking shit perfect ng everything. Wala akong ibang mafeel kundi perfection. Perfection at its finest. Chill conversations, chill mood. Outrageous nga lang yung pagpapatakbo nya pero perfect pa din. Super dreamy. Alam mo yon, sa gitna ng daan, kayo lang yung magisang motor na bumabyahe tapos kitang kita yung kalawakan ng langit tapos ang perfect. Ang perfect ng hangin. Ang perfect ng closeness. Ang perfect ng motion ng motor. Ang perfect ng pagdadala nya ng conversation. Ang perfect!!!

Hindi ko na ganong ikukwento in detail (haha weh) pero we talked about stuff like astrology, horoscope, tarot cards, family, HIGH SCHOOL LIFE (this is something personal and wow, super appreciated ko na kinwento nya to), past ex's, relationships, our selves, choir, our thoughts on our choirmates, sexuality, psychology, biology. Describe sense!!! Hindi ko naramdaman yung four hours. Plus, ito pa nga isa pang nakakaloka ng sobra, dapat sa lumina nya lang ako ihahatid pauwi pero sabi nya, since sinamahan ko sya, ililibre nya na lang ako in return. At ito pa!! Kumain kami sa dream kainan namin ni Macky na japanese restau. Fuck. Hindi ko po matake.

Gusto pa namin magusap kaso inabot na kami ng 9pm. Hanggang sa sinabi nya ihahatid nya na lang ako sa amin. Fuck. Hindi ko po talaga kaya. First time kong mahatid sa amin. Pero syempre sa may kanto lang. Takot din daw kasi sya sa parents, hahaha, since nung hinatid nya si jester sa bahay nila palagi na daw hinahanap sa kanya ng tatay ni Jester si Jester. Mas takot ako kasi sabi ko si Loisa yung kasama ko. Fuck.

Bakit nung naguusap kami habang kumakain, feel ko nagbibigay sya ng signs!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! PRAMIS hindi ko na po talaga matake pramis gustong gusto ko na magopen up kay Macky pero ayaw gumana ng fb pero FUCK nasa 83% feeling ko nagbibigay sya ng signs!!!! Fucking shit!!!! Like the whole time we were just talking about relationships. Sya yung nagdadala ng convo.

Wait kakakwento ko lang kay macky ng mga nangyari so wala na ubos na yung feels ko konti

Tapos naalala ko pa na may kanta kami bukas ng 7 at kailangan ko gumising ng 3 so bye. Bye na. Sorry kung naputol yung kwento.

As if may nagbasa!!! hahahahahaha

No comments:

Post a Comment