Saturday, July 21, 2012

Nakita na nila ang blog ko sa tumblr.
Napapagod na akong makisama. Ang dami kong pinagkakatiwalaan pero lahat sila mangiiwan lang din pala sa huli. Nalulungkot ako kasi feeling ko walang nakakaappreciate sa akin. Akala ko maaayos lahat pero hindi. Gusot na gusot na. Basag na basag na.
Ayokong magbago para sa inyo.
Wala nang taong andyan para sa akin kasi lahat sila may kanya-kanyang businesses na.
Pati best friend ko, unti unti nang nangiiwan. No, I mean, napapadalas na. Mas pinapahalagahan nya pa yang pesteng crush nya na wala namang ibang ginawa kundi manlandi ng ibang babae. Peste din kasi tong best friend ko. Asa ng asa. Binibigay ang lahat sa lalaking yon. Mas pinipili yung lalaking yon kesa samin.
Bakit kaya ako ang nakakafeel ng lahat ng to?
Ako naman ang palaging nakikisama eh. Ako ang sumasalo sa problema ng mga kaibigan ko kapag may nananakit sa kanila. Ako ang nagpapasaya sa kanila. Palagi ko silang binibigyan ng pagasa. Palagi akong nandyan para sa kanila.
Minsan sa sobrang pagpapasaya ko sa iba, nakakalimutan ko nang pasayahin ang sarili ko. Ako lang din ang nawalan bandang huli.
Lord, kayo na po ang bahala. Kayo lang po ang nakakaintindi. Alam ko pong Ikaw lang ang tanging pagasa ko. Patawarin nyo po ako kung sakaling madaming madami na talaga akong kasamaang ginagawa.
Hay.
lalalala
Walang nakakaintindi.

No comments:

Post a Comment