Saturday, August 18, 2012

Sorry bessy.

Wala si Cj. Isang linggo. Pumunta sila sa Singapore para magpamedical. Dapat kahapon umuwi na sya. Pero  nadelay yung dependent pass ng ate nya kaya kailangan pa nilang magextend. Sa loob ng isang linggong wala sya, maraming nangyari. At ako eto, araw araw na gumagawa ng nobela para maging updated sya sa mga nangyayari sa araw-araw. Paulit ulit kong sinasabi ang  I miss you, ingat kayo dyan kasi totoo namang namimiss ko na yung presensya nya. Sa bawat nobelang sinasabi ko sa kanya, tatlong pangungusap lang ang palagi kong natatanggap mula sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Miss nya na daw ako pati ang oohbratz. Pero hindi sya nagpopost sa mga wall namin. Kami pa ang nagchachat sa kanya. Kung hindi kami magoonline, wala. Walang connection.
Naiinis ako kay Jessica, isa pang member ng oohbratz. Hindi ko alam kung bakit. Eto ata yung nafifeel ni Cj nung naging close kami ni Cheska. Palagi na lang silang magkasama. Nakikibest friend itong pesteng Jessica na to. At dahil sa ayaw ko kay Jessica, sumasama ako sa ibang member ng oohbratz. Unti unti kaming nagkakalayo ni Cj.
May mga times na gusto ko, ako lang namimiss ni Cj. Walang malisya dito, best friend ko lang kasi talaga si Cj. Matagal na, simula pa nung grade 3. Pero hindi kami madalas nagkakasama dahil sa.. ewan ko. Para bang unti-unti na lang kaming nagkakahiwalay dahil sa hindi malamang dahilan.
Namimiss na kita Cj. Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari. Unti unti ka na ding nagbabago.

No comments:

Post a Comment