Tuesday, September 11, 2012

Ngayon lang ulit ako nagbackread sa blog ko. Huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu halos lahat ng mura naisip ko na kasi sobrang baduy ng mga posts ko. Pangjejemon. Takte. Ang landi! Ayoko na. Ayoko na talaga puhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu.
(Wait please parang awa nyo na kung sino mang makakabasa ng mga kalandian ko please secret lang naten naks ang arte pero please huhuhuhuhuhu wtffff okay bye)

Naranasan ko pala kanina ang isa sa pinakanakakasabog damdamin sa buhay ko.
Naglalakad kami papuntang Terminal ng mga kaibigan ko. De dyok lang, nasa school pa pala kame non. Naguusap sila tungkol sa kraz ni ano tapos ako naman kausap si president tungkol sa meeting sa club. Biglang dumaan yung kraz ni ano. Nagtilian sila kasi baka narinig nung kraz ni ano yung pinaguusapan nila. Tapos tinawag ko yung mga kaibigan ko, medyo nangaasar. Tapos ayon. Okay di ko na alam kung ano kasunod na nangyari.
Basta habang naglalakad kami, ang tahimik namin. First time yon. Mula Dimas hanggang Lotus walang umiimik samin. Isa lang ibig sabihin non, nabadtrip sila. Hindi ko alam kung baket. Haha. Feeling ko dahil saken. Okay ako agad? Feelerrr.
Pero promise feeling ko dahil saken hahaha. Hindi ko nga lang alam kung anong ginawa ko.


Hindi ko alam kung bakit ko to kinwento.

Natatakot lang kasi ako.
Natatakot akong magalit sila sakin kasi kapag nagalit sila, ayon, pak, wala na kong kakampi. I mean wala na talaga. As in ako na lang magisa.

Namimiss ko na yung dating kame. Namimiss ko na kapag magdedate kame sa Mcdo. Namimiss ko na kapag nagbabackride kame tapos ang landi landi namen, pinaguusapan namin mga crush namenjafk fhxzfbajksfbcvh zkxfh. Namimiss ko na yung mga times na kapag inannounce ng teacher na by pair yung mga activities, automatic na kaming dalawa yung magkapair. Namimiss ko na yung mga times na chat lang kami ng chat tungkol sa mga random things. Kapag nangbubully kami ng ibang tao, yung kami lang nakakaalam. Kapag nagkikwentuhan kami tungkol sa mga problema namen, as in mangiyak ngiyak kami sa urat. Namimiss ko na sya. As in sobra sobraaa.

Bakit kasi kailangang maulit yung bigla bigla na lang syang lalayo. Gusto ko sana syang kausapin pero hindi ko magawa kasi syempre napapagod din ako. Palagi na lang ako yung naghahabol. May mga times na pinalit nya ko dun sa crush nya pero wala akong ginawa, hindi ako nagalit - magkaibigan pa din kami. Nakakapagod din kasi minsan yung effort ka ng effort tapos nauuwi lang din sa wala. Para kang tumatakbo gamit mga paa mo, habol ng habol sa isang taong nakasasakyang lumalayo sayo.

Ang drama. Wala pa kong nagagawa sa report. Maglalaba pa ko. Wtf.

Wala na akong ibang makwento. Nakoconscious ako sa mga pinagpopost ko.

PS. Kinikilig ako sa nakita ko. Kinikilig ako sa oras na'to. Wtf alis na ko ayoko nang lumandi.

No comments:

Post a Comment