Thursday, October 11, 2012

"Magkaklase sila Olivia at George. Nagkatitigan sila nung nagpakilala sa unahan. First day of highschool. Inadd sya ni George. Inaccept nya. 3rd day of highschool. Umamin si George na may gusto sya kay Olivia. Tinawanan lang sya ni Olivia. Hindi sila nakatulog parehas. Inisip nila ang isa't isa. Hanggang sa chinat sya ng chinat ni George. Bentang benta. Chat all day. Chat everyday. Dahil don, naging close sila. Sa sobrang pagkaclose sa facebook, napansin ni Olivia na hindi sila nagpapansinan sa personal. Why not try to be close personally daw. If you say so, sabe ni George. Kinabukasan nagusap sila. Tapos nagkwentuhan. Hinding hindi makakalimutan ni Olivia yon. Tuwang tuwa sya. Hindi sya makarecover. Hindi naglaon, nagtanong na si George kung pwede mangligaw. Shocked si Olivia, kinikilig sya. Sabe ni Olivia, "Hindi pa ba yan yung ginagawa mo?". Tapos ayon na naman. Landian na naman. Tapos tinanong ni George si Olivia through facebook, "Tayo na ba?" (is there US??) tapos umoo si Olivia. Nagparty si George. Nag I love you sya kay Olivia. Nag I love you din si Olivia kay George. Nag i love you-han sila. Dahil daw don, naging secret lovers sila sa room. Ayaw daw nila ipaalam sa iba. Pero nadulas din si George. Nasabe nya sa mga kaibigan nya. Kumalat. Tuwing magkakatabi sila, naghihiyawan ang buong klase. Feel na feel nilang dalawa syempre.

Ang saya."

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Eto yung kanina naming binabasa ni Pam. I mean, english version kasi yon ng kaklase ko. Kaso tinatamad akong alalahanin yung exact words kaya tinagalog ko na lang. Inedit ko pa yan! Hahahahahahahahahaha. Wala lang. Sorry ah. Baka kasi mabasa nila to eh. Wala lang. Tawang tawa ako. Kinikilig na natatawa. Alam mo ba yon?

Hindi ko maimagine na sinasabi ni George yung "Is there us?". Tapos ang pagkakasulat pa ng kaklase ko don sa line na yon, "is there US??" Hahahahaha wala lang. Emphasized yung US putek XD Minsan nakakaurat yung ganyan.

ANG SAYA.
Medyo naeexcite ako sa susunod na mga mangyayari.
True story yan okay.
Alam ko na mangyayari susunod pero gusto ko magmumula dun sa kaklase ko.

Ang benta =))

Ang babaw ko.

No comments:

Post a Comment