Monday, April 15, 2013


Bago matulog, palagi ko munang pinapatugtog yung album ni sunggyu na Another Me. Kahit na maiwanan na ko sa baba (Actually ayoko talaga naiiwan sa baba kasi lalang hahahaha) basta marinig ko lang boses ni gyu, keri lang. 
Tuwing nasa kama na ko, hindi ako makatulog kasi palagi kong naiisip si gyu. Yung boses ni gyu. Paulit ulit nagpiplay sa isip ko yung boses nya. Yung feeling kapag naririnig ko yung boses nya. Tapos yung future. Kung ano ginagawa nya sa oras na yon. Kung anong gagawin ko kapag nakita ko sya. Basta puro ganon.
Napansin ko lang na yung mga tracks sa album ni gyu, parang malungkot yung feeling. Lalo na dun sa part ng Only Tears. Tuwing naririnig ko yon parang nalulungkot ako na naiiyak. Hindi ko alam kung bakit. Iba yung power ng mga songs ni Gyu. I mean, masyadong powerful, na tipong kapag napakinggan mo mamumove ka talaga ng kanta. As in damang dama mo talaga. 
Dun sa video ng only tears na pinost ko dito sa blog, may part don na parang may tumulong something na liquid sa mata ni gyu. Na as in dalang dala pati kulay ng eyeliner. Hindi ko alam kung umiyak ba sya o pinapawisan lang masyado. Pero alam mo yung feeling na kumakanta yung bias mo tapos nakatitig ka lang sa mga mata nya, tapos mapapansin mong parang umiiyak sya. Shit. Mismong sa sarili mo hindi mo mapigilang masaktan. 
Narealize ko lang na dumating na ko sa point kung saan nasasaktan din ako kapag nakikita kong nasasaktan yung bias ko. 
Ayokong makitang malungkot yung bias ko. 
Makita ko lang syang masaya, sasaya na din ako. 

No comments:

Post a Comment