Monday, April 15, 2013


Hindi ako mahilig maglinis ng bahay. Hindi naman sa ayaw ko. Naglilinis ako actually. Pero gusto ko kapag naglinis ako as in totally malinis talaga. Naglilinis ako kapag gusto ko lang, ayoko nang sinasabihan akong maglinis, ayokong maglinis dahil lang sa sinabihan ako. Kapag inuutusan ako, usually mas lalo akong tinatamad na ewan. Ayoko kasi ng naglilinis para sa iba. Gusto ko kapag naglinis ako yung tipong tatagal ng malinis tsaka maayos. Ayoko ng maglilinis ako tapos maya maya gugulo na naman. Nauurat ako ng ganon. 
Isa pa sa pinakaayaw ko yung tipong nageenjoy ako sa isang bagay tapos bigla akong uutusan or aabalahin. Hutangina nakakainis talaga yung ganon. Ayoko din ng pinipilit ako. Kung gusto kong kumilis kikilos ako okay. Ayoko lang talaga ng pinipilit ako.
Kapag may ginagawa ako para sa ibang tao, gusto ko naappreciate nila yon. Wala lang. Naooffend ako kapag yung tipong nagsasacrifice na nga ng isang bagay para sa kanya, iisipan ka pa ng masama. Hutanginang shet nakakaurat yung ganon.
Ayoko ng mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob.
Naiinis ako sa mga taong reklamo ng reklamo pero hindi naman kumikilos. Except kay Gyu.
Nakakainis yung mga taong halos patayin ka na sa sobrang pagkicriticize tsaka sa sobrang panghuhusga eh kung tutuusin ganon din naman sila sa sarili nila. 
Pwe nakakaurat ang mga bagay bagay

No comments:

Post a Comment