Monday, April 15, 2013


Tupangina ang ganda talaga ng mga babaeng matangkad tapos payat tapos sobrang puti tapos sobrang kinis tapos maganda buhok shet shet shet
Nagagandahan ako kay Galen. Pero hindi kasi sya yung maganda talaga to the max. Lalo lang syang gumaganda kasi ang gwapo ng boyfriend nya. Ang cute kasi ng ganon. Para sakin mas maganda si Gail. Ang yaman nya kasi tsaka mukha syang sosyal. Kaso ang jeproks ng mukha ng boyfriend nya parang wala sa hulog. Alam mo yon.
Pero nagagandahan din ako kay Khristelle. Ang ganda kasi ng pangalan nya. Tsaka tupangina shet ang ganda ganda ng buhok nya. Tsaka may sense sya. Kahit na ang pandak nya tsaka ang pango nya tsaka nakakaintimidate minsan yung bibig nya. Pero ang ganda ganda nya talaga. Tapos sobrang puti nya pa. Bagay na bagay lahat ng damit sa kanya shet sya. Ayos!
At hindi ko din alam kung bakit turn on sakin yung mga taong magaganda pangalan. Katulad ni Chen. Nung una, kinonsider ko syang lamang sa mga pinagpipilian ko (Tao, Luhan, Kris, Kai) kasi ang ganda ng pangalan nya, ang daling sabihin tsaka ang sarap ipronounce. Tsaka noon din kasi ang gusto kong pilian yung medyo madaming fans, kasi yun yung pinagbabasehan ko kung maayos ba yung pipiliin kong bias, kasi gusto sya ng madaming tao. Noon kasi medyo nadala ako nung nagusap kami nila Thalia tapos tinanong nila kung sino bias ko tapos akala nila gen si kai (pero si kai naman talaga yung angat sa mga pinagpipilian ko nung oras na yon) tapos tumawa sila. Kaya ayon parang gusto ko kapag ako nagkabias hindi sya yung basta basta pagtatawanan ng mga tao. Tsaka gusto ko yung bagay sa taste ko, para kapag nagkabias ako magrereflect din yon sa personality ko. Tapos ayon nga. Diba nga gusto ko ng madaming fans. Eh sabi nila gen si Chen daw madaming fans. Edi ayon final na nga talaga, si Chen yung bias ko. Tapos napagalaman ko na lang na si chen pala yung isa sa mga may least na fans. Hahahaha tupa. Pero ayos lang yon. Minahal ko pa din si Chen. Kasi parang narealize ko na kapag nagkabias ka, wala kang ibang pagbabasihan, hindi na nagmamatter kung madami ba syang fans or kung hindi ba sya yung pinakagwapo sa group na yon. Hindi din nagmamatter kung madami syang haters or what. Susuportahan mo sya at mamahalin with all your heart, despite of all the imperfections and flaws. 
Paano napunta sa usapang bias yung sinasabi kong maganda si galen at gail at khristelle…..

No comments:

Post a Comment