Saturday, June 22, 2013

Chloe, kaya mo yan. Umpisahan mo sa mga maliliit na bagay. Gusto mong maging successful pagdating ng araw, gusto mong pumunta ng korea, gusto mong pumunta sa mga dream places mo, gusto mo magkaroon ng magandang business o kaya pagkakaabalahan, gusto mong makasama si chen, pero hindi mo naman ginagawa yung best mo para sa studies mo. Palagi ka namang inaantok. Palagi kang tinatamad magbasa ng libro para sa mga susunod na quizzes. Palagi kang tinatamad magisip ng idea kapag nagpaparecitation. Paano mo marireach lahat ng dreams mo kung masyado kang nagwoworry sa mga irerecite mo hanggang sa hindi ka na nakakarecite, kung gusto mong maperfect mga quiz mo eh hindi ka naman nagaaral, kung gusto mong maging maganda mga reports nyo ng group nyo eh tinatamad ka naman magisip ng ideas pati preparations. Kaya mo yan okay. Matutuwa si chen kapag nalaman nya someday na itong babaeng mahal nya eh nakakapunta pala sa top nung high school sya. Itong babaeng mahal nya eh may self-discipline lalo na sa pagaaral, hindi papadistract sa ibang tao.

Tupangina sana marealize mo to sa monday at nang makabawi bawi ka.

No comments:

Post a Comment