Friday, June 14, 2013

Ilang araw ko na talaga tong dinaramdam. Simula ata nung mga second day or ewan, basta nung nabuo yung group. Nauurat ako. Ang pasikat kasi. I mean, alam ko gusto nyang tumulong. Pero kakabwisit kasi yung ingay ka ng ingay wala namang sustansya lumalabas sa bunganga mo.
Hindi nya yon kasalanan. Nabubwisit lang talaga ako sa mga ganong actions ng tao.
Hltnmnaynnklpag, siguro hindi lang sya makahindi kasi kasama nya ako non. Halos lahat ng excuse binibigay nya na para lang talaga makaiwas. Minsan trip nya, kadalasan hindi. Tbh mmgkpnwnlsdeklhaha kasi parang mmnmkmpwls I mean hindi mm, prmsykmamowls. Wala lang.
Dinadamdam ko to buong araw. Miss ko na sila pam at gen. Parang sobrang nagbago yung mundo ko nung napahiwalay sila. Drama teh. Nung una akala ko okay lang, pero ngayon kasi nawawalan talaga ako ng confidence tsaka ng gana. Dati kahit anong gawin ko, kahit anong sabihin ko sa klase wala akong pake, kasi para sakin kahit sobrang waley ko minsan naaappreciate nila ako, tipong magsabi lang ako ng normal na salita tatawa na sila. Tipong hindi ko na kailangang magpaimpress, hindi ko na kailangang baguhin yung sarili ko. Tapos nasanay ako na tuwing vacant kasama namin sila tapos manonood kami ng exo sa canteen tapos kahit puro exo lang at mga rants pinaguusapan namin sa buong araw nageenjoy pa din kami. Ngayon kasi hindi talaga ako nageenjoy. Ngayon masyado akong naiistress na magpaimpress or magsimulang magseryoso, pero wala akong suporta. Para bang isang puno na nagenjoy masyado sa pagkakalanta nya tapos nung narealize nya na na kailangan nya nang umahon, hindi nya magawa kasi wala na ngang sumusuporta sa kanya, lalo pa syang hinihila pababa. Buong araw ang nakakausap ko lang, si cj, si jamie, tapos pag vacant sasama samin sila cheralee at timbol, minsan kasama namin si estelle o kaya jessica or aldrin. Alam mo yon. Wala kang masandalan kasi papalit palit yung kasama mo. I mean, ayos lang, hindi ko naman sila tinataboy or what. Naiisip ko lang na bakit kailangan pang magbago ng lahat kung kailangan ayos na ayos na nga ako sa dwegsters.
Tapos ngayon naiistress pa ko kasi si cj nakakabawi na, ako hindi pa. Gusto naming mapasama sa honors para sa 4th year pero napapangunahan ako ng worries. Umpisa palang ang hard na, gulo gulo ng mundo, nakakaurat. First week talaga sobrang fail. Ayoko ng mga teachers maski sabihin mong ang babait nila. Si sir johnny sobrang cool pero mukhang ang high ng standards. Si Mam Lastra ang bait pero mukhang masyadong maluwag, tipong pantay pantay lang kayo ng grade sa math sa sobrang luwag nya. Si Mam Balicao sobrang hina ng boses, magaling sana kaso ewan eh, sabi nya kanina panguri daw yung pagmamahalan pero buong buhay ko talaga alam ko pangngalan yon eh. Si Mam Cahanap nakakajirits. Kahit madaming nagenjoy sa mind bending chuchu, hindi ko ganong naenjoy kasi wala lang, dami dami non nung elementary eh. Hahaha. Hindi ganong benta kasi ang gagaling nila reyes at timbol, basta yung side nila. Nakakatamad tuloy manghula. Nasasagot agad. Mas gusto ko pa talaga si Mam Anj sa kanya kahit nakakainis si mam kasi lalaki ng binawas nya sa mga project namin nung 4th grading. Pero kasi ang approachable ni mam eh. I mean sobrang cool nya, tuloy tuloy sya magenglish, ang dami nyang alam. Ang sarap nyang pakinggan. Tapos maiinspire ka pa magaral kasi may laman sya magtanong, hindi sya basta basta magtatanong ng favorite subject mo tapos yung pinakanahihirapan ka tapos kung pano mo naovercome yung hirap na yon. Kasi kung naovercome mo na pano mo pa masasabing nahihirapan ka sa subject na yon? Anong isasagot mo don diba? Tapos malilito ka na lang kasi ang tinatanong nya math, eh ang subject nya english. Hindi ko lang ganong gets. Ang ganda ng pronunciation nya pero ang bagal nya magsalita tapos nakakatamad pa boses nya.
Okay nilait lait.
Miss ko na si mam crisostomo, sobra sobra. Miss ko na yung pagiging mother-like figure nya samin. Kahit nagkaroon ako ng experience kay mam na mali yung sagot ko tapos nagpapadyak sya sa may platform, muntik na kong mangisay sa gulat. Hindi naman ako takot sa kanya eh, I mean takot ako sa kanya pero mas nagmamatter yung love ko para kay mam. Boom. Hahaha. De. Kasi gusto ko yung mga teacher na konti lang magpaassignment pero more on exercises. Ayoko ng puro pareport, paroleplay, discussion/lecture na hindi mo naman din matatandaan pag college ka na. Tapos masyadong maluwag na tipong wala man lang thrill. Pano ka magiistand out kung lahat naman kayo perfect? Sira diba.
Namimiss ko na din si Mam Tepora. Kahit na isa sya sa pinakaayaw kong teacher noon. Namimiss ko na yung kapag magagalit sya samin bigla bigla tapos halos masupalpal nya na kami isa isa tapos tatawanan pa namin sya kasi nakakatawa lang talaga sya magalit. Tapos pag yung mga expression ni mam na akala nya siguro kinaganda nya yon, pero uhm o.. kay. Tapos magtitinda sya ng "empanada" na tipong kalahating oras na kami kumakain ayos lang sa kanya.
Hutangina nakakamiss
Nakakamiss sumigaw ng lago kasi feeling mo certified nagmumura ka na. Nakakamiss magpalate sa umaga na tipong buong section nyo late, hindi nyo na naabutan quiz pati reports pero wala kayong paki. Yung napagalitan na kayo't lahat lahat ng principal pati adviser nyo nung nagaano sa first sub teacher nyo kasi lahat kayo late, pero late pa din kayo kahit anong sabihin ng iba. Hindi papatinag. Noon hindi kayo loner, tipong kahit magangas yung ibang magkakatropa ayos lang kasi alam mong may suporta ka kahit anong mangyari eh. Ngayon, dalawa na lang kayo. Tapos may mga mamamlastik pa na ewan ko sa matres nila kung anong dinaramdam nila. Tapos tinatry mong magpakabait ng sobra sobra at nagpapakasincere ka don para lang mapatunayan na hindi ka kasing sama nung iniisip nila, pero mamamlastik pa din sila. Parang timang.
Tipong ang kokorni ng mga kaklase mo sa chat tapos di ka makarelate kaya magtatumblr ka na lang.
Tipong buong taon mo tong dadanasin.
Hutangina.

No comments:

Post a Comment