Leaving immortal pieces of myself for the world to experience: my words. Hehe, wala lang.
Saturday, June 15, 2013
Nakakatamad magkwento. Nakakatamad gumising ng maaga. Nakakatamad mapilitang gumawa, kasi yun yung utos ng iba para sayo. Nakakatamad umasa tapos wala ka din palang mapapala bandang huli. Nakakatamad maki-reach out sa mga taong wala namang pakialam sayo. Nakakatamad bumyahe, nakakatamad gumising ng maaga tapos late ka din pala. Nakakatamad makiusap sa mga dati mong kaibigan tapos hindi ka lang papansinin. Nakakatamad yung tipong umaasa ka na magkaibigan kayo tapos galit pala sayo deep inside. Nakakatamad mabackstab. Nakakatamad yung tipong pagod na pagod ka paguwi mo tapos pagdating mo sa bahay ikaw sisisihin sa lahat, sayo ipapagawa lahat. Nakakatamad yung tipong sa sobrang hectic ng schedule mo, hindi mo na magawa yung mga inaasahan mong magpapasaya sana sayo sa mga stressed days mo. Nakakatamad gumawa ng pagkadami daming assignment pero hindi naman maaappreciate ng teacher. Nakakatamad yung paghahandaan mo yung isang bagay na pinapagawa pero parang wala lang nung ginawa mo. Nakakatamad yung pipilitin mong maging masaya para sa ibang tao kasi ayaw mong iwan ka nila. Nakakatamad yung hindi ka maappreciate, nakakatamad yung idadown ka sa mga oras na kailangan mo ng suporta. Nakakatamad marealize na sa lahat ng pinagsisikapan mo, wala ni isa don yung nagbubunga ng maganda. Nakakatamad lahat. Hutangina.
No comments:
Post a Comment