Grabe nadedepress na talaga ako sa boses ko. Alam mo yon. Gusto ko talagang magimprove sa choir dahil wala na talaga akong napapakitang karapat dapat. Pero huhuhuhahaha tuwing nagfafalsetto talaga ako -wait tama ba spelling- sabi nila ang husky daw. Hindi ko alam kung husky ba or ganon lang talaga ako kumanta. Wala lang. Ang bilis ko talaga madown pag sa boses ko. Hahahah pag sa mukha ko natetake ko pa pag sinasabihan ako ng ang dami kong tigyawat eh. Pero pag sa boses ko, para tuloy ayoko na kumanta sa buong buhay ko. Hahahaha.
De. Kasi ako, kapag kumakanta ako ng natural voice, hindi ko alam kung maganda ba boses ko or what. I mean, para sakin to be honest ang average lang ng boses ko. Siguro nasasabi nilang magaling ako kasi ewan tuwing kumakanta ako sa madaming tao chumachamba na naaabot ko yung notes ng malaki yung boses ko. Actually hindi naman talaga mataas boses ko. Malakas lang. Malakas ako kumanta ever since. Maski magsalita malakas din. Hindi ko kayang kumanta ng mahina lalo na kapag mataas yung notes. Kaya kapag nagfafalsetto ako, nilalakasan ko pa din yung boses ko, kaya malaki din yung air na nilalabas ko. Sa 7 notes na kinakanta namin sa vocalization, 4 lang don yung nakakanta ko, yung 3 minsan wala na. Pag individual magpavocalize, palagi, as in palagi, akong naghahabol ng hininga. Nakakahiya tuloy, grabe na.
Kaya talaga ang binabasihan ko kung maganda ba or hindi yung boses ko, eh yung reaction ng mga tao. Pag kumakanta ako minsan parang wala lang sa kanila hahahaha feeling ko tuloy nakakahiya na kumanta kasi baka nauurat na sila sa boses ko or what. Basta.
Arte ko daming satsat
Tulog na nga ako bukas ko na lang gawin script
Sorry taal huhu wala pa tayong nagagawa dahil sakin
Kaya to
No comments:
Post a Comment