Thursday, July 25, 2013

Nauurat ako kaninang umaga talaga. Kasi pagdating ko sa may sakayan, andon yung grade 8 na kinaiinisan ko na babae. Wala lang. Ang angas kasi tsaka medyo feeling maganda. Ba to ang judgemental ko hahahaha edi ayon nga. Nauurat ako kasi yung jeep parang tupangina nasa gitna ng kalsada, eh syempre yung mga hayok na hayok na pasahero sakay agad. Tapos naghehesitate ako kung san ako sasakay, kung dun ba sa gitna o sa gilid. Eh kaso baka iwanan ako ng jeep kaya sakay ako kung sakay. Tapos nung ako na yung sasakay biglang umandar yung jeep. Bale kapit ako agad. Wala lang. Hindi naman ako nahirapan sumakay, naisip ko lang kung ano itsura ko habang nakasabit sa jeep hahahaha shet feeling ko mukha akong walang manners. Nauurat kasi ako sa driver, mali na nga magpark aandar pa agad, kita na ngang may pasahero pang sumasakay. Bale kunwari wala akong paki pero sa totoo non medyo minumura ko na yung driver pati yung sarili ko kasi feeling ko mukha akong shunga kanina. Tapos edi ayon, medyo dumagdag na lang yung babaeng kinaiinisan ko kasi may magbabayad tapos ako sana yung aabot pero inagaw nya :( Tapos nung bababa na ng jeep pinapauna ko na sya pero ang tagal nya kaya bababa na ko kaso nung nakaalis na yung pwet ko sa upuan tsaka sya tumayo. Ang abnormal lang diba. Tapos nung nasa tricycle pa nakasabay ko yung kaklase ng mga walis (miss ko na yung codename na walis huhu) sa loob tapos hindi ko pa mashoot yung pwet ko kasi yung kurtina ng tricycle masyadong malapad. Tapos nakatulog ako medyo, pagkagising ko andon pa din kami sa pilot. Yun pala natraffic tapos unti unting napaflat ata. Nung nasa tapat kasi kami ng nueno pinababa kami tapos pinaangat pa sa mga grade 8 na nakasakay yung tricycle tapos wala, nauurat na ko, nakapamewang lang ako habang tinitignan yung orasan ko para kunwari hindi sanay sa late kahit araw araw naman akong 20-minute late hahahaha.

Hindi naman ako nalungkot o nanghinayang o naurat masyado sa social. Ang sakin kasi, kahit naman mataas kami or what, mas nagmatter sakin yung experience. Ewan. Nagenjoy ako sa tatlong araw (actually dalawa lang) na pagpapractice namin. Kahapon, nakatingin ako sa kanila habang nagtatawanan sila. Lalo na nung nagjoke sila na magovernight daw kami kela jessica, dun na daw kami matulog. Napaisip ako: gusto ko ba o hindi? Tapos kung icocompare mo last year, ngayon ko lang talaga narealize na gusto ko na kasama yung silver. Kahit na hindi ko kaclose ng sobra sobra yung iba. Yung fact na may ibat ibat klase ng tao sa loob ng isang klase, tapos makakasama mo sila ng isang taon at higit pa, grabe. Cute sa damdamin.

Dati kasi ayoko sila kasama. Hindi ko alam. Siguro kasi feeling ko maoawkward ako o mao-op o magmumukhang tanga pag kasama ko sila tapos hindi ako nagsasalita kasi hindi ako makarelate. Hindi ako nasama sa mga mcdo, kunwari walang pera, kunwari bawal. Hindi ako nasama sa mga swimming kasi una, hindi ako marunong. Pangalawa, mukha akong sira lumangoy kasi nga hindi ako marunong. Pangatlo, hindi ako close sa kanila. Pero ngayon, kahit na hindi ko sila close na close na close lahat, kaibigan ko silang lahat. Wala akong kinaiinisan. Hindi ako ganong nakoconscious sa sarili ko, medyo siguro, kasi hindi ko ganong nalalabas yung keanna chloe na nalalabas ko sa dwegsters (dahil ewan maski naman nung elementary maingay ako sa labas pero tuwing may lesson or what ang tahimik ko). Basta ganon nakakatamad na ipagpatuloy.

Gusto ko na matulog. Bye.

No comments:

Post a Comment