Naaappreciate ko lang kasi yung pagiging family-oriented nya. Sabi ko nga diba dito, isa sa mga characteristics ng ideal guy ko, family-oriented. Pero ayon, di ko sya crush. At medyo nafeel ko yung difference ng noon pati ngayon. Kasi feeling ko kung itong araw na to, nangyari last year, feeling ko super magiging crush ko sya. Hindi ko alam kung bakit all of a sudden nawalan ako ng feelings. Kahit na mas nakilala ko sya ngayon, kahit na nakakausap ko na sya ngayon, kahit na natitignan ko na sya sa mata ngayon kasi lahat ng yon di ko nagagawa last year, parang wala lang sakin talaga.
Dahil siguro yon kay Chen. Tupangina mo chen seryoso talaga ako sayo.
Ang saya ko ngayong araw. Ok. Kahapon badtrip na badtrip ako as in tupangina nabadtrip talaga ako kahapon. Hanggang kaninang umaga sa jeep dinamdam ko pa din yon pero sabi ko sa sarili ko, wala akong ibang dapat gawin kundi magrelax. Chill lang. Ayoko na din kasi maistress tsaka lalong iistress sarili ko sa mga napapansin kong pagkukulang ng ibang tao. Open-mindedness, kasi lahat naman din ng tao nagkukulang paminsan minsan. Pero yun nga, kapag super sumobra na yung pageenjoy nila to the point na wala na silang pakialam sa noli, magagalit na ko. Katulad nung advice ni Angeline. Hahaha. Pero ayos lang. Basta ayon. Natutuwa ako kasi pagdating namin kela DK, ang dami na nila. Tapos boses lang prinaktis namin pati mga lines. Tapos mukhang may usad naman. Nakakaproud sila Ibarra pati si Damaso pati yung iba pang nagkakabisado ng lines kahit mahaba. Yun kasi yung winoworry ko nung mga previous days, kaya ako tinotopak, kasi baka hindi sila mageffort magkabisado, baka magkalat kami, baka masayang effort namin, baka mapahiya ako kay mam kasi paextend ako ng paextend ang pangit naman ng kinalabasan. Pero ngayon, sana maperfect na. May progress na naman eh. Nabuo na namin. Navisualize ko na sa isip ko yung pagkakasunod sunod. Noon kasi hindi pa kaya doble stress.
Bale ayon nga. Tupa super detailed ko magkwento kaurat. Nagood vibes na ko non. Tapos good vibes din kasi kasama namin sila Janine papuntang ministop tapos tupangina pinadaan nila kami sa hanging bridge at super nawala kaluluwa ko non pero nung nakasurvive ako, boom. Di ko madescibe ang feeling. Parang nagbagong buhay ako, parang nawala lahat ng pain, scars, chuchu. Hahahaha char. Basta ganon.
Saya kumain sa ministop tapos ang init.
Tapos naglibrary kami. First time. Dalawang oras. Todo review sa tle. Tapos ayon ang dali lang ng exam. Tapos chineckan ko papel ni pamgenkurt sa mapeh. Nalimutan ko na scores nila, wala tuloy akong mabalita. Tapos basta ayon tinatamad na ko magkwento.
Alam nyo ba feeling ko ang daming may crush sa kaklase ko kasi wala lang. Ang galing nya kasi. Ang ganda pa ng bahay nila. Tapos ang linis. Tapos huhuhu nadedepress ako kasi ang cute nila tapos ang cute ng bahay nila ang cute ng kapatid nya ang cute ng aso nila ang cute nya bilang kuya ang cute nilang lahat tapos ang lamig pa sa kanila ewan ko lang kung di ka madepress depress non. Nadadown na ko gusto ko din non. Tapos nanood kami ng horror movie, di ako ganong nagandahan pero ayos lang. Gusto ko yung feeling ng ganon. Nanonood kayong magkaklase ng horror tapos ang dilim tapos putol putol tapos ang landi nung babae naghuhubad bigla tapos yuck okay. Pero feeling ko ang dami na nilang may crush dun sa kaklase ko.
May isa pa kong napapansin. Pagdating sa mga babaeng nanonood ng horror movie pati mga babaeng nakakakita ng bata pati mga babaeng may crush tapos yung crush nila may crush na iba kaya maghahanap ng gwapo tapos kunwari yun yung crush nila tapos ipagduduldulan nila yon para magpapansin sa totoo nilang crush tapos-
Nakakatamad magisip.
No comments:
Post a Comment