Napansin ko lang na puro Chen lumalabas sa bibig ko. Konting kibot maaalala ko agad si Chen, ikukwento ko si Chen kahit kanino, maski sa mga hindi naman interesado. Parang ang obsessed kasi. Tsaka ang lala, ang tindi. Minsan parang hindi ko na minimean yun eh, parang nagiging habit ko na. Basta sabi na lang ako. Natatakot kasi ao na baka dumating yung time na hindi na ko makafeel ng kahit anong feelings kapag sinabi ko yung pangalan ni Chen kasi super sanay na ko sa kakasabi ng pangalan nya.
Pero ok. Sya naman dahilan kung bakit hindi ako late kahapon. Though nagiguilty ako kasi ang usapan namin ni Jamie, 5 lives, attendance pati notebook (ata). Hindi sineseryoso ni Jamie pero ako siniseryoso ko. Pero kanina 3 beses akong hindi kumopya sa notebook, chos, ewan, basta nung TLE hindi ako kumopya. Bawas life na ba yon? Huhuhuhu pano yon buong school year ko paninindigan yung 5 lives.
Pero wala naman din kasi sa mga ganon yon diba? Kung meant ang dalawang tao para sa isa’t isa, they’ll always find their way back.
Hahahaha halatang tinatamad na sa 5 lives.
De pero tatry ko yung best ko. Pag lumampas ako, di pa din ako gigive up. Syempre. Hahahaha.
Isa yon sa mga gusto ko sa sarili ko. Alam kong ang dami kong hindi matanggap sa mukha ko pati sa ugali ko okay. Pero sa part na hindi ako gumigive up sa mga bagay na nagpapasaya sakin or kahit mga tao na once na nagmean sakin ng sobra, proud ako don. Loyal ako, wala, napansin ko lang. Although ang dark side ko lang don, sa sobrang pagiging loyal ko minsan tinatago ko lang yung mga dinadamdam kong pagkukulang ng iba sakin, para lang hindi maputol yung friendship. Pero, okay.
Gusto ko pumunta Divisoria. Wala lang ako time.
Hay nako. Kinikilig talaga ako sa mga kaklase ko kanina. Proud sila sa Noli namin, natapos na daw. Tinatanong ko sila kung maganda ba, sabi nila maganda daw. Nalilinisan daw yung iba. Basta maganda chuchu. Sabi din ni Mam maganda, though hindi ko alam kung napipilitan ba sya kasi halatang pinaghirapan namin dahil sa props o maganda lang talaga. Ako kasi, hindi ako ganong nagandahan. Pero super naappreciate ko yung efforts nila. Yung mismong flow lang kasi, ang gulo. Ewan. Pinagisipan ko naman yon. Pero, feeling ko kinulang lang ako sa pagiisip, tinatamad kasi ako e. Naunahan din ako ng jirits dahil kay Mam tsaka hindi ako interesado sa kwento. Tsaka wala lang. Totoo yung sabi ni Cj, alam ko naman din to sa sarili ko. Ang perfectionist ko. Gusto ko kasi tuloy tuloy yung salita, tapos pag nagaayos, tulong tulong lahat, walang nagsasalita, basta work lang ng work. Medyo yun yung napansin kong pangit eh. Nagkurtina pa, eh ang gulo din naman habang nagaayos, ang daming nagpapanic. Tapos kitang kita kasi ang nipis ng kurtina tsaka medyo bitin yung length. Pero okay lang. Naiintindihan ko na din naman. Siguro nga baka normal lang yon. Mas magiging perfect siguro yon kung napractice namin ng may props. Tsaka baka di ko na super naaappreciate yung kwento kasi ako yung gumawa tsaka masyado na kong nagsawa sa ilang ulit ba naman ng practice. Pero kahit hindi ako super satisfied kasi hindi naging perfect yung ibang scene, satisfied naman ako kasi satisfied mga kaklase ko. Ayos lang sakin basta naging masaya sila, parang nawawala kasi worries ko kapag ganon. Tapos natatouched pa ko kasi sabi nila nakakaproud daw ako kasi ang galing ko daw chuchu. Omaygad. Ano ba kayo. Ang galing nyo din huhuhuhuhu im so proud of you guys.
Ang dami ko ding natutunan. Diba nga gusto ko maging director. Ang daming downs ng noli eh. Kasi kahit ginagawa ko kung ano yung gusto kong gawin - yung pagdidirect ng isang play or anything, andon pa din yung mga parts na hindi maayos yung mga practice dahil madaming distractions, yung mga kajiritan kapag walang nakikinig sayo, yung malapit ka nang gumive up kasi feeling mo ang powerless mo sa mga kasama mo - pero dahil sa hindi ka gumive up, nagsucceed kayo. May natapos ka, na kahit hindi kasing perfect kagaya ng plinano mo, naging masaya ka pa din kasi nagkaroon ka ng experience. Natutunan ko na hindi ko dapat iniistress masyado sarili ko kapag tinotopak ako sa mga kasama ko, na hindi ko dapat hinahayaang maapektuhan yung mismong project dahil sa mga mood swings ko. Na sa isang bagay, mabuti din yung hindi mo super tinutuon lahat ng stuff dun sa bagay na yon. Learn to cool off. Learn to smile, to laugh - despite of all these hard battles you are facing each day. Learn to be happy.
Thank You God for all these opportunities. Thank You for everything.
No comments:
Post a Comment