Monday, October 7, 2013

092013

Napapadalas yung iyak ko ngayon ng patago. Hindi naman ako ganito noon, actually hindi ko naman iniiyakan yung mga ganitong bagay. Pero ang hirap kasi ng ganito. Wala kang makapitan, maski sarili mo hindi mo malift up kasi feeling mo kasalanan mo naman lahat, walang makaintindi sa’yo. 
Kahapon, bad 19. Umaga palang nauurat na ko, damang dama ko na yung bad vibes. Pinapagalitan ako kasi late na ko tapos ayaw ko pa ding bumangon. Nasabihan pa kong ang tamad tamad ko, hindi na ako aasenso sa buhay. Hindi naman ako tinatamad non, pagod lang ako. Kahit sa umaga feeling ko pagod pa din ako. Puro sila pagmamadali. Naiintindihan ko naman kung bakit pinagmamadali nila ako, para din naman sakin yon. Pero dahil sa ginawa nila, nasisi ko na naman sarili ko. Ang tamad ko. tamad kong anak, ang tamad kong kaibigan, studyante, kaklase. Kaya ko pang intindihin yon, hindi ko na lang pinansin kasi baka nakukultuta lang sila. Tapos yung ate ko namomrovoke. Nangaasar sya. Sumasagot din ako kasi ayaw kong magpatalo. Sasabihin nya na ang pangit ko, na bakit ganto itsura ko. Sasabihin ko na ang laitera nya, kala nya kinaganda nya yon. Pero aside sa naurat ako sa ate ko, nadown ako. Ang pangit ko. Hindi na ko magugustuhan ni Chen. Wala nang magkakagusto sakin. Wala namang magpapakahirap na kilalanin ako kasi hindi naman ako kasing ganda ng iba. Nasira umaga ko. Paglabas ng gate gusto kong umiyak. Pero hinayaan ko. Kaya kong pigilin. Nakakahiyang umiyak ng madaming nakakakita.
Pagdating ko sa room, sinabihan ako ni Jamie ng ‘ate chloe ang aga mo’. Alam kong late ako. Maiintindihan ko sana kung sinabi nya yon ng pa-joke, kasi ang sarcastic nya don sa sinabi nya. Pero hindi. Seryoso sya sa pagiging sarcastic. Tinanong nya kung may visuals na daw ba ako sa research. Kami na daw kasi magrereport. Sabi ko wala. Yung reaction nya parang ‘ha bakit ka ganyan’. Naisip ko tuloy na baka natuturn off na sya sakin kasi ayon nga, president, palaging late. President, walang disiplina sa sarili. President, palaging walang notes, natutulog sa klase, hindi handa sa report. Hindi ko na lang sya pinansin ulit.
Maya maya sunod sunod na silang nagtanong sakin ng visuals. Ang dami pala naming report, di ko alam. Yung report sa TLE akala ko next week pa, di ko alam na nung araw na pala na yon, tipong wala pa kong nababasa ni isa tsaka wala pa kong visual aid. Sabi ko din kay Ellen, sya sa 1, ako sa 2 si Jamie sa 3 sa research. Umoo sya. Ok na.
Habang nasa upuan ako nung research (di pa pala namin report, kinabukasan pa), pinuntahan ako ni Cj. Niyugyog nya ko, tipong badtrip ako tapos niyugyog nya ko. Hindi naman ako nagalit, nairita lang ako sa ginawa nya. Pero ok lang. Tinignan ko sya tapos hindi ko napigilang tumingin sa kanya ng seryoso, although di ko alam na ginawa ko yon. Hindi ko lang talaga napilit na tawanan yung ginawa nya, kasi dati palagi akong tumatawa tuwing nangkukultuta sya. Nahalata nya mood ko. Tinanong nya ko kung badtrip daw ba ako. May mga kaklase ako na feeling ko narinig yon. Kaya sabi ko, hindi. Baka kasi sabihin nila, palagi na lang akong badtrip. Katulad nga nung sinabi ni Vincci. Nakakatakot ako kasi mukhang di ako approachable, palaging seryoso. Baka sabihin nila may pinepersonal na naman akong bagay. Pero sa loob loob ko, tupangina. Ang hirap, ang bigat. 
Nagmath na. Wala lang kay Cj yung nangyari kasi sabi ko hindi naman ako galit. Ingay lang sya ng ingay. Nasa tabi nya lang ako. Bigla kong naisip yung mga nangyayari sa buhay ko. Nagiguilty ako. Nale-let down ko yung taal. Araw araw kinukulit nila ako tungkol sa tshirt. Nahihirapan ako. Hindi na ba ako magaling na president kasi wala pa kaming tshirt? Hindi na ba ako magaling na president kasi ang tamad ko sa mga assignment, hindi ako nagdadala ng mga requirements, hindi ako nagrerecite? Nung nagopen up ako kay Hans, sinabi ko sa kanya yung nafifeel ko sa taal pati sa pagiging president ko. Wala syang sinabing “Okay lang yan. Hindi naman kami nagsisisi sayo”. Wala, parang umagree lang sya. Sabi nya pa dapat si Janine na lang naging president kasi sya din naman yung palaging nagaasikaso chuchu, pero hindi sa offensive na tono. Pero ang dating sakin non, nakakahurt. Hindi dahil sa nauurat ako kay Hans kasi hindi nya ko maappreciate. Nahuhurt ako kasi yun yung tingin nila sakin, na hindi pala talaga ako enough, na walang makaappreciate sakin. Wala man lang nagsasabi sakin na “Okay lang yan” kasi hindi naman talaga okay lahat. Wala namang nakakaintindi. Inaamin ko, dinadamdam ko yung sa taal pati yung pagpipilit nila sakin sa tshirt, yung pag-asa nila na makakapagpagawa agad kami ng naka-upo lang sila sa isang tabi’t ako yung nagoorganize ng lahat. Nahihirapan ako kasi ang dami ko ding iniisip, at minsan hindi na ko makapagpahinga. Akala nila pa-easy easy lang ako, pachill chill lang ako kasi wala naman akong ginagawa sa upuan ko araw araw kundi magpainit ng pwet at matulog. Pero hindi. Iniisip ko to araw araw. Gusto kong umaksyon pero hindi ko alam kung paano ko to gagawin ng magisa. Kasi hindi ko alam kung may aasahan ba ko sa kanila. Ang hirap kapag gusto mo silang tulungan, actually ginagawa mo yung best mo para matulungan sila pero sa simpleng pagkukulang mo jinajudge ka na nila.
Jok. Jinajudge ba nila ako. Hahahaha ano ba tong keannang to gawa gawa issue 
Nahihirapan din kasi ako sa magulang ko pati sa kapatid ko. Wala nga silang alam na ganito yung nafifeel ko eh. Hindi nila alam kung gaano ako napapagod sa mga araw araw. Hindi ko masabi sa kanila kasi ayokong maging stress. Baka di rin naman nila pakinggan. 
Lumapit sakin si Jamie pagkatapos non. Naghuhurumentado sya kasi gusto nya sa 2. Di ko alam na sinabi nya pala sakin nung MAPEH na number 2 na sya at 1 si ellen at 3 ako. Umoo daw ako. Gusto ko sanang ipaglaban yung number 2 kasi parang ang cute eh, di ko din kasi magets yung number 3. Kaso ayaw ko nang magsalita. Hindi ko alam. Naiiyak ako nung mga oras na yon. Naiiyak ako kay Jamie. Parang napakawalang kwenta kong tao non. Tuwing sya yung nakakapansin ng flaws ko, feeling ko seryosong masama yon. Hindi kasi sya yung taong madaling pumansin ng pagkakamali, mas tumitingin sya sa ganda. Pero ito, parang feeling ko mali talaga yung ginagawa ko. Feeling ko ang sama ko. Basta ewan ano daw. Nag-nod na lang ako tapos tumingin sa labas, ayoko kasing tumingin sa kanya ng diretso kasi baka mamuo yung tears sa mata ko, ayokong makita nya yon. Nung napansin nya na seryoso ako non, tinanong nya ko kung bad trip daw ba ako, softly na lang. Sabi ko ata oo. Tapos sabi nya bakit. Sabi ko, ang dami lang ginagawa, nakakastress. Pero deep inside, hindi lang talaga yun yon. Tapos sabi nya sakin, kaya ko daw yon. Hanggang sa umalis na sya. Tumungo ako. Natouched ako na nasasaktan na ewan mukhang jabar. Namumuo na yung luha ko. Hindi ko mapigilan. Hindi ko na kailangang piliting magdrama para maiyak. Nagpunas ako ng mata tapos pumunta sa CR. Walang tao sa CR. Nakatayo lang ako sa loob ng cubicle. Pinapakalma ko sarili ko. Pinipilit kong kalimutan, iniisip ko na makakaget over din ako. Pagbalik ko sa room, tumungo ulit ako. Nakabukas yung mata. Narinig ko yung mga taong papalapit sa direksyon ko, naghuhurumentado. Pero hindi, hindi ako yung nilapitan nila. Si Estelle. May ubo ata, masama pakiramdam. Lahat sila naghuhurumentado kasi gusto sana nilang kumain at pumunta sa canteen kaso walang kasama si Estelle. Sabi pa ni kenneth, may gamot sya, ibibigay nya na lang kay Estelle kasi baka kailangan nya. Dun ako naiyak. Tuloy tuloy yung luha ko. Hindi ko mapigilan. Naghalo halo na yung feelings ko. Sumabog. Buti pa si Estelle may mga kaibigan na hindi sya iiwan, na hindi sya ile-let down, hindi sya hahayaang in pain. Buti pa sya, may care yung taal sa kanya. Hindi man sya yung mga nagoorganize ng mga bagay bagay para sa kapakanan ng taal, gusto pa din sya ng taal. Mabait sya, maganda. Bakit ako hindi? Bakit lahat na lang ng ginagawa ko, mali? Bakit never akong naging good enough sa mga tao? Sa choir, hindi ako nagiistand out kahit na ginagawa ko na yugn best ko para magimprove. Hindi ako kinakaibigan ng mga ka-choir ko. Nginingitian ko sila. Tinititigan ko sila sa hallway para pag nagmeet yung eyes namin, magha-hi ako. Kasi gustong gusto ko silang maging ka-close. Pero nung sinabi ko kay Vincci na hindi ako pinapansin ng isang ka-choir namin, sabi nya baka daw natatakot sakin. Buti kung ‘baka nahihiya’. Pero yugn sabihing nakakatakot ako, mukhang hindi ako approachable - nakakadown. Kahit na nginingitian ko sila, hindi nila ako mapansin. Napaka invisible ko. 
Pagkatapos kong umiyak, wala. Back to normal. Nagpunas ako ng luha, nagpulbo para hindi mahalatang umiyak. Nginitian si Cj. Umalis. Pinilit tumawa sa mga sinasabi ng kausap.
Kasi sa huli, sino din ba yung masasandalan ko? Walang iba kundi ako.

No comments:

Post a Comment