Ewan ko kung bakit ganon. Tuwing pagkatapos ng choir at maglalakad sa ilalim ng buwan at mapapatingin sa langit, nalulungkot ako. Nagkicrave na naman ako, kay chen. I want him. And through this darkness, I want him to be beside me, to be with me. Nacucurious ako kung anong feeling nung ganon, yung makakasama ko sya ng as in real life. Gustong gusto ko sya. Gustong gusto kong ipagsigawan na si Chen lang yung gusto ko. Na sya yung dahilan kung bakit hindi ako nagkakagusto sa ibang lalaki kahit ang daming gwapo sa paligid ko, kung bakit hindi ako landi ng landi kung ikukumpara sa iba. Gusto kong ipagsigawan sa lahat kung gano ko sya kagusto, yung feelings na super gustong gustong gusto mo yung tao pero hindi mo kinoconsider sa sarili mong mahal mo sya kasi kahit sobrang perfect nya, mas gusto mo pa ding magmahal sa taong kaya ka ding mahalin pabalik. Pero kung papipiliin ako kung sino yung gusto kong mahalin? Si Chen. Pinipigilan ko lang kasi ayokong masaktan. Pero tupangina si Chen talaga.
Napapatingin ako sa langit, sa buwan. Naiisip ko na baka nakatingin din si Chen don. At some point, baka parehas kami ng nakikita at yon lang yung chance na lumiit yung mundo namin. Age gap? Hindi ko naman iniintindi yon. Language barrier, siguro oo. Distance lang, both sa lugar at sa state ng buhay. Ang layo mo Chen. Pero gusto pa din kita. Hahanap hanapin kita palagi. Alam mo ba yon. Basta.
Someday.
No comments:
Post a Comment