Sabi nung kaklase ko nung thursday, bilib daw sya sakin. Kasi ako daw yung taong proud kahit sa divisoria lang binibili yung mga gamit nya. Meron daw kasi syang kaklase noon, tipong kahit halatang halatang fake yung mga gamit pinagduduldulan pa din na original yon. Tapos ako, ako pa daw nagiinitiate na sabihing sa 168 ko lang yon binili. Tipong lahat sila kakandarapa sa bag ko, sa relo, tapos sasabihin kong sa 168 lang. Okay joke lang yung kakandarapa hahahaha yabang kakaurat.
Nakakagulat kasi nagmamatter pala sa kanila yon.
Para sakin naman wala naman sa tag o kaya sa brand yung mga gamit mo eh. Katulad nga ng sabi ng nanay ko, sa panahon ngayon, kailangan mong maging praktikal. Hindi kailangang lahat ng gamit mo bili sa SM kahit alam mong meron namang lugar kung san makakabili ka ng madaming gamit with less price. Di ko din maintindihan kung bakit may mga taong nahihiya kung dyan dyan lang nabibili mga gamit nila. Minsan nga mas maganda pa mga gamit sa 168 kesa sa SM eh. Ok.
Kinikilig ako kasi sabi nila ako daw yung pinaka-praktikal na taong nakilala nila. Wala lang, at least kahit hindi mo namamalayan, isa ka sa may hawak ng title ng ‘pinaka’ sa buhay ng ibang tao. Mas gusto ko nga yung ganong compliment kesa sa maganda, cute, chuchuchu.
Sabi ni Cj, ako daw yung taong walang pakialam kahit naiiba yung opinyon ko sa ibang tao. May paninindigan, may integrity. Hindi daw ako papatinag kahit halos lahat sila iba ng pinaniniwalaan. Naks. Thanks bessy for noticing.
Gusto ko yung mga ganong klaseng compliment. Gusto ko yung feeling kapag may mga taong nagte-take ng time para pansinin yung mga small things na maski ikaw hindi mo napapansin sa sarili mo.
No comments:
Post a Comment