Leaving immortal pieces of myself for the world to experience: my words. Hehe, wala lang.
Friday, November 29, 2013
Crappy Monday Morning
Dahil yon sa sinabi mo eh. Tinatanong mo sakin kung ano yung nafifeel ko kay Chen. Binigyan kita ng example. Nabasa mo yung “I’m waiting for him” na line ng favorite page ko sa favorite novel kong TTTW. Nagmamagaling ka, sabi mo mali yung hintayin ko si Chen kasi alam ko namang imposibleng dumating si Chen. Sabi mo nagsasayang lang ako ng oras, na lahat ng feelings ko para sa kanya eh waste of time lang. Don siguro ako nahurt masyado. Kasi hindi mo alam yung totoong nafifeel ko para kay Chen. Yung nakikita mo na ginagawa ko? Wala yan, pinapakita ko lang yan kasi gusto kong iportray yung pagiging fangirl ko. Hindi mo alam kung gano ko sya kagusto, kung gano ko sya ka-dream. Hindi mo alam kung feeling na wala kang ibang gugustuhin pa kundi yung isang lalaking nagbibigay sayo ng pagasa at ng mga bagay na hindi madedescribe ng basta letra’t salita lang. Hindi mo alam yung feeling na sobrang paglolong sa isang tao, na kahit few feet lang na distance nyo eh parang miracle na para sayo. Hindi mo alam yung feeling na nagkakagusto sa isang tao kahit ayon nga, alam mong imposibleng magustuhan ka nya pabalik. Pero naniniwala ka pa din sa tanging hope na walang imposible kung kasama mo si God. Naniniwala ka na sa mundong to, lahat ng bagay ay pwedeng mangyari kung mananalig ka. At yung tanging hope na lang na yon yung kinakapitan mo amidst all dramas, pain, insecurities, distance, age, language barriers, millions of fans and girls way better than you.
Naiinis ako kasi yung tanging hope na kinakapitan ko eh nilalayo mo sakin. Ganyan ka. Maski sa mga pangarap kong iba, palagi mo kong dinadown. Ayaw mong magkaron ako ng madaming pangarap na iba’t iba kasi hindi mo alam kung saan mo ko tutulungan. Well, hindi ko naman kailangan ng tulong mo eh. In fact, never mo naman ako natulungan. Yung pagiging president ko, puro ka lang naman pansin sa mga kakulangan ko. Palagi mong sinusumbat sakin yung pagiging late ko sa lahat ng oras, di ko pagpasa ng project (as if naman hindi ako nagpapasa, duh haha sa mga minor lang ako di nagpapasa and by the word minor, minsan namimili pa ko kung anong minor sub yung di ko papasahan. It doesn’t mean na wala na kong pinasang project sa lahat ng subject.) Nakakainis kapag pinapansin mo yung pagpepetiks ko. Hindi mo naman kasi ako kilala. Akala mo lang na porket close tayo at some point, kilala mo na ko. Hindi mo alam na mas magaling ako sa cramming. Hindi mo alam kung ano strategy ko sa pag-aaral para hindi bumagsak kahit petiks ng petiks. Hindi mo alam kung ano yung punto ko kasi wala ka namang ibang ginawa kundi magjudge lang. Sinusumbat mo sakin na kaya ka naiirita kasi pinapabayaan ko yung studies ko tapos tatamad tamad ako, at nagwoworry sya kasi feeling mo responsibility mo ko kasi kaklase mo ko. Bakit? Sa iba ba ganyan ka din mangialam ng buhay? Tsaka nakakahiya naman teh, mas mataas pa grades ko sayo sa card nung mga oras na sinabi mo yan sakin. Nakakahiya naman sa “pinapabayaan yung studies” thingy mo. Imbyerna.
Sa araw na to grabe yung pagkakaturned off ko sayo.
Leche.
No comments:
Post a Comment