Hindi kasi ako yung tipo ng taong nangiiwan lang basta basta. Kahit naiinis ako or nasasaktan, kapag mahalaga sakin yung tao, hindi ako basta basta lumalayo. Iniintindi ko sila in some ways. Pero minsan kahit hindi ko sila magets at hindi ko talaga makita yung point nila, hindi ako tong mageeksena or basta basta magagalit directly. Kaya kapag may mga taong nangiiwan sakin emotionally, ganon ako masaktan. Ok lang sakin kung hindi nila ako samahan or iwanan nila ako magisa kung place yung paguusapan, kaya ko namang magisa. Pero emotionally? Yung feeling na inaasahan mo sila, na binigay mo yung trust mo sa kanila na palagi silang andyan para sayo tapos kapag kailangan mo sila hindi mo sila makita? Ang sakit non.
No comments:
Post a Comment