Sunday, September 20, 2015

JUNE 13, 2015

It’s a nice day!
Di dapat tuloy shopping day namin ngayon dahil kulang sa oras. Bigla na lang kaming tinatanong ng nanay ko ng “are you ready?”. Di namin alam na may short shopping palang magaganap. Ang long shopping, sa tuesday pa.
Natupad pangarap kong… makapagwindow shopping… sa H&M. Kahit window shopping lang hehe. Umaasa ako na bibilan kami hihi pero okay lang kahit hindi. Madami naman kaming experience.
Sana sa tuesday ipagshopping na talaga kami ng tunay hahaha.
Una, nameet namin sa daan si Natalie at ang cute nyang mga babies. Si Natalie ay isang super ganda na babae na mukha pang dalaga pero dalawa na anak. Sobrang ganda nya, parang artista. Lalang.
Pangalawa, nanood kami ng mga jazz performers sa isang event. May gwapo shet parang si maxx. Jazz singer tapos sobrang suave. Nakaramdam ata sila tatay na type ko yung singer kaya sabi stay daw kami ng 5 minutes.
I like jazz talaga hehehe.
Dami naming napicture-an na aso.
Kumain kami sa isang vietnam-japanese restaurant. Lalang.
Pagodang pagoda na ko pagdating ko sa rehearsal. Feeling ko naman di ako pagod. Hilong hilo lang ako sa pagdadrive nila jusko hahaha problema talaga to sa germany.
Maganda yung concert kanina. Lalang. First time kong makuha yung du part sa mambo. Sa lahat ng concert ito pinakamatino kong mambo. Nagsoprano na din ako sa part 2 ng am bodensee. Part by part ay lumulugar na ko sa right track hehe. May kumausap saking tao kanina. “You are very good/you have such a wonderful voice” ata, di ko alam kung ako ba yun o yung buong choir at ako lang yung gusto nyang sabihan. Lalang. I really like it when I receive compliments like this. I feel like our choir is a very important group in the world.
(Nasasanay na ko magbarok dahil dito sa nanay at tatay namin at kay ate nhen)(kanina sabi ko “there, many people”)(LUH kaya siguro di ako natuloy sa commarts)(K)
Inaamin ko kanina na di ako makamove on sa kagwapuhan ni maxx. Medyo shocked si ate geneve kasi nalalalaan sya sa attraction ko kay maxx. Haha. Oo ang oa nga lalang. Di kasi talaga ako makamove on sa presensya nya. Hahanap hanapin mo. Kahit di ko sya kausap, gusto ko lang talaga na nasa paligid sya.
Alam mo type ko talaga si maxx. Pag nakilala mo sya totally goodbye Julian. Although di ko pa sya kilala pati si julian hehe. Pero si maxx, ugh, di ko maexplain. Nung naapakan nya costume ko dun nagsimula yung kawalan ko ng recovery. Hahaha sobrang bait kasi na SHET TYPE NA TYPE KO TALAGA. Sabi nya “oh sorry sorry! Ah! It’s my fault sorry” ang cute cute nya pa. Sabi ko lang “no it’s ok haha” sabay alis agad.
Naiirita na nga ako kay ate jiselle kasi kita mo sa mukha nyang confident syang crush sya ni maxx. Di na lang magpakaloyal sa iniwang boyfriend at tama na kalalandi sa ibang bansa.
Yi selos ka lang chloe e chos inaantok na ko infernes
Super the best. Cant describe him so much.
Basta yun yun

Paguwi pala namin nagparty pa kami hahaha to talagang magulang namin dito kakaiba sa lahat
Cant continue the story anymore im so sleepy

A post from miles away

05:57 sa Pilipinas. Gising na siguro sina daddy. Papasok pa si ate sa trabaho. Sana di sya napapariwara dahil sa lalaki haha lalang. Sana di nahahighblood si mommy. Sana malaki na si zoe.
Wala lang.
Hindi masaya mga rehearsal dahil feeling ko di ako nagiimprove. Parang mas focused pa ko nung nasa Pilipinas kesa pagdating dito. Akala ko dati magiimprove ako ng bongga dahil puro choir na lang iisipin ko. Hindi pala. Mas madami palang distraction dito. Mahirap magpractice dahil wala kang time na ikaw lang magisa. Wala yung mga banyo moments mo na kanta ka lang ng kanta ng walang pakundangan sa mga kasama mo sa bahay.
Sayang yung efforts ko sa Pilipinas. Lahat ng naipractice ko sa banyo, kailangan ko na namang ulitin. This time mas mahirap dahil iba na mga kasama mo sa bahay. Pwede ka siguro magaral pero in a very ipit voice. Nasasanay tuloy ako sa pangit na placement. Promise. Hindi na ako makabuga sa mga kanta. Napansin ko kanina sa second part, ibang placement na gamit ko. Yung hindi nagriring na placement pero pwede na sa tenga haha parang ganon.
Nakikinig ako ng radyo ngayon. May nagsasalitang babar na german. Lalang naalala ko lang si Mama Brigitte. Naaalala ko talaga si Julian pag nakikinig ng radyo dito sa germany. Hehe.
Kanina naapakan ni ju yung gown ko. Napa-uy! Ako ng malakas kasi akala ko si justine nakaapak. Sisigawan ko sana ng pabiro. Yung nagsorry si ju. Pero nakakainis sya kasi ang pagkakasorry nya “ay! Sorry sorry. Hawakan nyo kasi yung mga buntot nyo”.
Wow fault ko pa ha. Magsosorry ka pero sisisihin mo ko.
Nakakainis si ju halos madalas kapag nagtataray sya. Ang sarap salpakan ng whiteboard sa bunganga na may malaking “K”.
Sabi ni justine, “yie kilig ka naman ibablog mo na naman yan” pero sa totoo lang parang mas masarap pa sa isipan si julian kesa sa kanya. O kaya si maxx. Yung mga ganon kagagwapo at katitino. Matino sana si ju ng sobra kaso nakakainis sya.
Inaantok nako
Nasa london na nga pala sila Mama Brigitte
Inaantok na me bye

"Raise your head up. Go forward believing; look up and expect the answers to happen, and leave them to the power of the will of God. If your dreams don’t come true don’t get depressed and most of all don’t lose hope. Always remember that God may be preparing a better dream for you to fulfill. Remember also that in every failure and success there is always a reason. When God closes one door, He opens another."

Friday, September 18, 2015

That night when you said "you hate me after all this time" / The Vienna Tragedy

"Why are you like this 
I want to give up on you now 
You are not worth everything I have sacrificed. You are not worth all the nights on dark streets, all the tears and yells I received from the people I love, all the time and efforts wasted; you are not worthy of anything from me. 
You just used me. I know that. I know from the beginning that I don’t need you, but you need me. You need me for your choir because you're in short of members. And after everything, you’re here to tell me that you dislike me since the very beginning. 
I shouldn’t feel sorry. You made me suffer alot. And now you’re slapping to my face the fact that I suffered everything just for this. 
You were the man I respected the most before. Now you just became an awful monster to me. 
I want to give up on you."

A peek from the diary

Sa totoo lang, bago pa ko pumasok sa choir nila, may feeling na ko na ayaw talaga sakin ni sir at ng boyfriend nya. Hindi ko alam kung kanino ba nagsimula. Kung kaya ba ayaw sakin ni sir kasi di ko sya kinakausap o kaya di ko sya kinakausap kasi alam kong di sya masaya sa company ko. Ayaw ko na sya kausapin ever. Unless magkaayos pa kami ni sir ng totoo. Pagod na kasi talaga akong intindihin si sir. Sya naman tong walang pangiintindi sa members nya. Dun lang sya may paki sa mga lalaki haha chos. Ang sad talaga. Nagbabackread ako sa blog ko at nababasa ko kung gaano ko ka-love si sir (mas pinili ko pa ibigay oras ko sa kanya kesa sa lahat ng mahalagang bagay sakin dahil ganon sya kaimportante) tapos ganon. Hahaha lalang. Ang sad talaga na naging ganito na tingin ko kay sir after vienna. Hindi pa din naghihilom ang sugat. Hehe. Buset. Hay.






















Literal na umiiyak ako sa kama nyan habang may mga ka-choir ako sa paligid ko (sa kanan at sa likod at sa ibaba). Lalang. Ang weak.

After tour.

(c) tumblr

Sana next time mas komportable na tayo sa isa’t isa at imbis na iiinterrupt mo ko sa pagkukwento, mas pipiliin mo ko kesa sa pagpi-picture .
Next time, magte-take pa tayo ng pictures ng isa’t isa. Di mo na kakailanganing magnakaw ng selfie sakin. 
Basta. Next time. Sana next time magkasama pa din tayo.

[I'll be posting some of my posts from my active online diary soon.]