Tuesday, October 13, 2015

APRIL 29, 2015

The feels at the moment

1) Gusto ko talaga si Ju. Kahit na anong gawin nya. Hindi ko alam kung paano ko aalisin yung feelings ko sa kanya dahil wala akong maitanggal sa habits ko; hindi ko naman sya talaga tinetext kaya di ko na kailangang burahin number nya, hindi ko naman sya chinachat gabi gabi kaya sanay na ko, hindi ko naman sya kinakausap. Pero kapag may isang particular na tao na gusto kong bigyan ng love, sya yung naiisip ko. Kasi gusto ko talaga sya.
2) Pero crush lang, syempre.
3) Natawag ko si Sir kanina ng kuya. May kakaiba akong nafifeel kay sir ngayong araw. Ayaw ko lang na pinipressure nya ko magenroll, ganyan ganyan. Hindi nya kasi alam kung gaano ako nahihirapan sa side ko. Hindi naman kasi madali magenroll lalo na kung wala kang pera at hindi gaanong supportive yung magulang mo sayo pagdating sa high dreams mo.
4) Naiinis ako kay Justine.
5) Pero iniisip ko na lang talaga yung sinabi ni Cj kanina. Mag let go na ko sa negativity at pabayaan ko na lang si Justine at yung iba pang nakakainis na attitude ng mga tao sa paligid ko. Kung masyado mang makulit at mayabang si Nricho minsan, hayaan ko na lang. Kung feeling ko minamaliit ako ng iba kong kachoir, hayaan ko. Magfocus ako sa sarili ko at sa mga magpapasaya sakin.
6) Pero nakakalungkot na nararamdaman kong minamaliit ako ng iba kong kachoir, dahil kung tutuusin may naibubuga ako than most kids. 
7) Nakakalungkot na feeling ko ang lonely lonely ko dahil wala akong real friends ngayong malayo na yung mga tinuturing kong real friends. 
8) Pero syempre kailangang magmove on ng buhay ko.
9) Sa totoo lang, hindi ako sobrang nagpupunyagi sa visa. Pero thankful naman ako na meron. Pero yung bigat kasi sa puso ko hindi nabawasan. Wala pa kong quota. Lalong lalo na, hindi pa ko nakakapagenroll at wala pa kong naaachieve para sa college ko.
10) Wala lang talaga akong makitang interesting sa bawat araw ko at sa bawat taong nakakasalamuha ko. 
11) Pagod na pagod na ko sa same routines kada araw. Ang bigat bigat sa pakiramdam na palagi ko na lang to nafifeel sa sarili ko, palagi nalang ako nadadown dahil nga hanggang ngayon wala akong makitang kaibigan na kaibigan ko talaga dahil parehas naming feel yung isa’t isa. Puro mga ‘kaibigan dahil ayaw lang nila akong makitang magisa’.
12) I am not like this. I’m so scared na one day magturn ang totoong ako into this dahil sobrang nasanay akong nagtatago sa makapal na shell. Natatakot ako na hindi ako makalabas sa shell ko at maliitin ako ng mga tao, manliit ako. Mga ganon.
13) Alam mo ba, gusto kong may mapagkwentuhan ng lahat ng nararamdaman ko sa taas ng bubong habang nakatingin sa langit at sa buwan. Yung maiintindihan ako at hindi ako sasabihan ng ‘Grabe ka naman’, yung hindi ako ijajudge dahil sa mga nararamdaman ko.
14) Ang bigat sa lalamunan. Ayaw ko na magpretend na masaya ako at komportable ako sa paligid ko dahil sa totoo lang, hindi. Nakakaiyak.

No comments:

Post a Comment