Monday, April 15, 2013


Naguunfriend ako ng mga tao sa facebook, basta di ko kilala, basta pangit dp, basta mabantot pangalan. Wala lang. Hindi ko kasi maadd yung mga gwapong nakikilala ko, or basta mga dapat iadd sa future kasi dati accept lang ako ng accept hanggang umabot sa limit yung friends ko. Kaya ayon. 
Minsan kahit yung mga kakilala ko gusto ko ding iunfriend. Pero hindi pwede. Mehehehehehehehehehhhhh awtz diba
Sa tumblr din naguunfollow ako. Dati follow ako ng follow para pag viniew nila yung blog ko magandahan sila tapos ifafollow nila ako. Ganon ako kahayok sa followers noon. Hanggang sa napagod na ko sa ginagawa ko. Parang narealize ko na yung ginagawa kong yon eh parang pagpiplease na din sa mga tao na gustuhin kung ano yung ginagawa ko or pinapakita ko. Wala na akong pakialam sa mga post ko. Actually puro na nga lang ako reblog ng mga pictures kasi yun din naman yung ginagawa ko nung baguhan palang ako, nung as in enjoy na enjoy ko pa ang tumblr. Ngayon kasi puro personal na ang mga blogs, bale kapag puro ka reblog eww ka, kasi personal na ang in. Kapag naman naging personal ka, kailangan nakakatawa mga posts mo, o kung hindi, kailangan yung parang masyadong formal na tipong pagiisipan mo ng ilang oras yung mga posts mo para lang makakuha ng madaming notes hanggang sa maospital ka sa pagod. Wala na kong pakialam sa followers kasi kahit naman anong gawin mo unfair ang lahat. Ifafollow nila kung sino ang gwapo or maganda or famous or sexy or pwede nilang kapitan para maging famous din sila. Eh hindi naman ako ganon. Hindi naman ako magpapakahirap maki-fit in. Di naman nila ako pinapalamon. Wala naman akong mapupulot na maganda sa mga ganyan ganyan.
So ayon nga kung saan saan na tayo napunta. Basta ang bilis ko magunfollow ngayon. Napansin ko na ang dami ko palang finallow noon na sobrang jejemon. Hoy. May mga jejemon talaga sa tumblr. Madami. At wag kang magpaimpakta kakasabi na lahat ng tumblerista, cool. Hindi yon ganon. Hindi porket may tumblr ka eh blogger ka na. Hindi ganon kadali yon okay. At dun sa mga inaunfollow ko, wag kayong magdrama dyan okay. Wag kayong maginarte kesyo finallow ko kayo tapos bigla ko din kayong iaunfollow in the end. Kesyo nagustuhan ko kayo noon tapos ngayon iiwan ko kayo. Ang pagkain nga pumapakla kapag napanis eh, ugali nyo pa kaya. Lahat ng tao nagbabago okay. At kung may isang taong nagsawa sayo, hindi pwedeng magiinarte ka hanggang sa isuko mo na lahat ng meron ka. Katangahan yan. Wala kang ibang pwedeng gawin kundi matuto na lang at tanggapin ang reyalidad na sa mundong ito, walang permanente. Ayos hahaha dami kong alam shet
Sa twitter natatamad ako magunfollow kasi wala naman din silang pakialam hahahaha bye

No comments:

Post a Comment