Thursday, April 18, 2013

What really happened that time

Nagbackread ako sa 2012 posts ko. To be honest, nagpapapansin lang ako non sa mga darwin kahit alam ko namang wala silang pakialam tsaka di nila nagegets kung ano bang pinaparating ko. Hahaha. Naglalandi lang din ako non. Napansin nyo, simula nung nalaman kong binabasa nila yung blog kong to, dito na ko nagbablog imbis na sa tumblr? Oo. Landi ko talaga. Hahahaha maski ako nalalandian sa sarili ko.
Dati, kahit mga 10% lang, gusto ko pa ding malaman ng mga tao kung ano ba yung nasa isip ko. I mean, mahirap man sabihin personally pero ayon, sa blog ko na lang nilalabas para man lang malaman nila. At least through blog man lang, nagkakaroon kami ng connections. Pero hindi eh. Narealize ko lang din eventually na I'm still faking it. And I don't want them to absorb my fake feelings. And I don't want them to judge me with my unconscious side. 

I think naapektuhan din ako sa ginawa nila kahit na ilang beses kong sabihin na wala akong pakialam dati. Pero hindi gaano. Hindi naman kasi talaga ako yung tipong kapag may nangyari eh maguulo ulo ng over, kasi nangyari na naman, wala na din naman akong mababago. Pero I think nainis din ako sa kanila non. I have a lot of words to say, gusto ko sanang kausapin sila pero naisip kong hindi ko naman sila dapat ibother kasi wala naman akong kasalanan, alam ko yon deep inside. But still I was hoping them to talk to me, hindi yung through another friend lang, gusto ko yung one on one. And yung fact na hindi nangyari yon, it kinda makes me unsatisfied. Pero sa ngayon wala na kong pakialam don. Matagal na kong walang pakialam don. Ngayon ko lang ulit naisip habang binabalikan yung blogspot ko. 

Nagregret lang talaga ako ng konti sa mga fake posts ko noon. Nagregret ako sa pagiging immature ko, na tipong maggagawa gawa ako ng ibang crush, na tipong pipilitin kong magkacrush sa ibang tao kahit wala naman talaga akong nafifeel sa kanya, para lang ipakitang hindi na ko naaapektuhan sa taong yon. I admit I was really pathetic that time and that was really a big immaturity of me. 

I think I learned alot. 

No comments:

Post a Comment