i feel like im obligated to keep certain things bottled up because if i try and talk about them i just learn that no one really wants to hear them and im just a piece of shit tbh
Leaving immortal pieces of myself for the world to experience: my words. Hehe, wala lang.
Wednesday, May 29, 2013
Monday, May 27, 2013
Alam mo yon. Ang sarap sa feeling kapag may nakikita kang bagong mga pictures ng mga bias mo or bias groups mo, or basta kahit mga lumang pictures na ngayon mo lang nakita. Tapos gwapong gwapo ka. Tapos magiispazz ka na parang ikaw lang pati yung bias mo yung natitira sa mundo. Maglalandi ka sa isip mo as if iyong iyo yung bias mo. Wala lang. Ang sarap sa feeling ng ganon.
Pero kapag nakita mo na yung ibang fangirl na jejemon na nagiispazz din tapos wala silang pakialam sayo, feeling mo ang liit mo lang na nilalang. Ewan. Basta parang ganon. Kapag ang dami daming fangirl na mas updated sayo, mas maganda sayo, mas magaling sayo magedit, mas magaling sayo kumanta/sumayaw, mas matangkad sayo, mas maputi sayo, basta way better than you, tapos sabay sabay silang nagspazz… wala lang.
Nakakaurat.
Hahahahaha.
Sunday, May 26, 2013
I don’t really like that kind of lips. Because when I saw one of those glued in my ex-classmate’s face, I really did shivered, literally. I even drew his lips on the last pages of my diary, and marked it as ‘gross’. I don’t know if I hated it because it was from my classmate’s face (not just a classmate, but the-most-annoying classmate I ever had that time) or I was just quite intimidated by those puffy lips.
But now whenever I saw those lips on your face, and whenever I witness those shiny lips being u-curved just perfectly fine, I really swear to myself I could stare at it for the longest, record-breaking time in history.
How can a person make you feel happiest by just standing there and smile perfectly?
Ate: Puro kasi koreano inaatupag.
Nauurat ako sa mga tao dito sa bahay. Akala kasi nila puro koreano lang yung nagustuhan ko sa kpop. Para bang ang lantod ko, yung ganon. Hahaha. Tapos sa way ng pagsasalita nila parang sinasabi nila sakin na nagustuhan ko lang yung mga koreanong yon dahil ang gwapo nila. Tapos lahat na lang ng koreano feeling nila gusto ko. Kapag nanonood ng showtime yung ate ko sisigaw pa sya tapos sasabihin nyang crush ko daw si Ryan Bang chuchu. Tapos nung nagswimming kami puro sila “Uy mga koreano oh blah blah” (Ewan ko ang daming koreano don sa sinwimingan namin hahaha koreano ata may ari ewan). Tapos nung niyayaya ko yung ate ko pumunta don sa may 5’6 na part ng pool tapos ayaw nya, sabi nya “Neh gusto mo lang magpasagip sa mga koreano eh”. Like, how kitid her utak is?
Unang una sa lahat, hindi ko nagustuhan yung kpop dahil lang sa mga koreano. At hindi ako obsessed sa mga koreano. Hindi porket may nagustuhan akong koreano eh lahat na ng koreano gusto ko. Hindi ko gusto yung mga taong yon dahil korean sila, gusto ko ang korean dahil korean yung karamihan sa mga idols/role models ko. Bale wala akong interes sa mga koreano, at wala akong gusto sa kahit kaninong koreano at wala akong balak na pagpantasyahan sila or boyprenin someday unless si chen sya o si gyu o si key, basta bias ko at gusto ko for deep reasons.
Hindi ko nagustuhan ang kpop dahil ang gwapo ng mga idols. Gusto ko yung mga idols kasi naiinspire ako sa story nila. Like Gyu, yung journey nya para matupad yung pangarap nya. Meron syang pangarap na simula palang tinutupad nya na. Meron syang banda sa school nila. At sa sobrang pagkakain love sa music, nagdecide syang magstop muna ng pagaaral para pumunta sa Seoul ng magisa (he took different jobs just to earn money and survive) kahit na alam nyang itatakwil sya ng mga magulang nya kung ipagpapatuloy nya yung dream nyang maging musician/singer. He tried a lot of auditions. Nagaudition sya ng dalawang beses sa SMent pero nareject sya ng ganun ding beses. Hindi sya nagstop don dahil lang sa nareject sya sa lahat ng beses na nagtry sya. Tapos nagkaroon sya ng chance para magaudition sa woolim and he got in. Nagtitraining sila for 10 hours a day, and some days inaabot pa sila ng 15-18 hours. At yung natitirang oras eh pinagkakasya na lang nila sa kain, tulog at pahinga. Hindi sila gumigive up kahit mahirap, kasi yun yung dream nila at alam nilang andon yung kasayahan nila - sa pagiging artists. At kung iniisip nyong walang kwenta ang kpop at kaya lang nagkakandarapa ang mga fans nito dahil sa mga looks ng idols, nagkakamali kayo. There are so much to learn in kpop. Hindi tulad ng mga ina-idolize ng iba katulad ni Daniel Padilla na napunta lang sa showbiz industry dahil related sya sa isang sikat na artista. Hindi katulad ng mga artist na sumikat lang dahil pinanganak na silang maganda’t gwapo o kaya mayaman o kaya sosyal.
Natuto akong mangarap katulad ng mga idols ko. Natuto akong magset ng goal at gawin yung best ko para tuparin yon. Natuto akong magappreciate ng mga bagay bagay, natuto akong maging kuntento. Na tipong kahit alam mong hindi ka mapapansin ng idol mo, patuloy mo pa din syang sinusuportahan. At makita mo lang na ngumiti yung taong nagsilbing inspirasyon sayo para sa araw araw, pawing pawi na lahat ng pagod mo.
Matuwa na kayo na imbis na pagbibilang ng boypren at pangungupit ng pera para makagimik eh nagkakagusto ako sa mga taong alam kong kagusto-gusto at nagiipon para sa pangarap na gusto kong tuparin balang araw.
Ang sarap tignan ni Ate Krizza magmura nung nalaman nyang may issue pala sa pagiging walang kwenta ng mga personal bloggers (kahit hindi ko talaga nakita). Para sakin ang cute nga ng mga personal bloggers eh. Ahem haha chos de pero hindi ko ganong maexplain. Para sakin kung sasabihin mong blogger ka, dapat hindi lang puro sarili mo yung pinagsasabi mo haha i mean, mas deeper pa yung meaning non. Parang mas professional ganon. Pero yung mga bloggers naman na ewan, may masabi lang, nagpopost ng mga pagkahaba habang texts hindi para makainspire, para lang may mapost tsaka sumikat, para sakin nakakaurat yon. I mean, okay, hindi naman sa wala silang kwenta, nakakaurat lang. Pero basta.
Aaminin ko meron talagang walang kwentang ‘blogger’. Katulad nung mga post ng post ng mga tagalog quotes na kung hindi nakuha sa mga gm ng mga kaibigan, nakuha sa twitter o kaya facebook. Tapos lalagyan ng gif para masabing effort. Wala lang. Ang dami kasing ganon, tapos pareparehas lang yung quotes na pinagpopost nila. Bale sa isang araw pwede kang makakita ng iisang quote pero napost ng sampung beses (everyday feelings nung hindi pa ko naglilinis ng follow board). Nakakaurat yung ganon.
May mga blogger din na ewan, puro love pinagsasabi. Pero ayos lang naman yon. May kwenta pa din sila. Nakakainspire sila. Pero lalang inaunfollow ko sila kasi pare parehas lang naman sila ng problema na pinopost o kaya mga pinagsasabe, at hindi ako ganong makarelate kaya inaunfollow ko. Pero ayos lang. Depende naman yon sa blogger.
Pero para sakin talaga hindi lahat ng personal, love, texts, photo blogs eh pare-parehas. May mga personal blogs na masasabi mong may kwenta kasi nakakainspire yung pinagsasabi kahit personal blog sya, meron din namang puro sarili lang yung sinasabi pati mga kaibigan nyang wala namang nakakakilala, basta kinwento lang tungkol sa lahat ng meron sa buhay nya na minsan pati pagbili sa kanto o kahit walang magawa kinikwento pa din, wala lang. Nakakaurat.
I mean kung magkakaron ka ng blog tapos magpapafollow ka kahit alam mo namang wala namng makakarelate sayo, de sana pinraybet mo na lang. Gusto mo lang pala ng diary eh.
Di ko gets kung ano pinagsasabi ko.
Chen, magiging tayo ba? Gusto kita eh. Ayos lang maghintay ako ng matagal basta masigurado kong magkikita din tayo someday. Pero hindi naman kasi ganyan yung mga nangyayari sa reyalidad diba? Natatakot ako. Gusto kita pero alam kong hindi ako enough para sayo. Gusto ko ang makatuluyan mong babae, perfect din. Yun magpapasaya sayo, yung sobrang ganda para kahit pagod na pagod ka sa trabaho, makita mo lang yung mukha nyang maganda mawawala na lahat ng stress mo. Yung tatanggapin ka ng over over kahit mukha kang gago minsan. Yung mamahalin ka ng sobra sobra. Yung kasing class mo, para wala ka nang ibang hahanapin pa. Gusto kong lumugar sa tabi mo. Gusto kitang pasayahin. Gusto kitang alagaan. Pero ang hirap ng buhay ko. Ayokong mahirapan ka din dahil sakin. Ang dami kong arte, ang gulo ng feelings ko. Ang clingy ko, ang bilis ko magduda, ang bilis ko magdamdam. Baka mahirapan ka sakin. Baka hindi mo ko magduda, ang bilis ko magdamdam. Baka mahirapan ka sakin. Baka hindi mo ko magustuhan. Baka sa sobrang pagkagusto ko sayo, maging trying hard na ko para magustuhan mo ko. Ayokong maging ganon. Gusto kong mapansin mo ko. Pero may pagasa ba? Hindi naman ako ganon kaganda. Wala ako nung sinasabi mong charming eyes, ang laki laki ng eyebags ko. Mabilis akong maooffend kasi sobrang sensitive ko, pero open minded naman ako. Iintindihin kita. Magiging loyal ako sayo kahit minsan ang bilis kong magduda at ang bilis kong umalis kapag sinabi mong umalis na ko sa buhay mo’t nasaktan ako ng sobra sobra. Hindi kita iiwan. Pero ikaw, kakayanin mo kaya akong piliin kahit sobrang daming nakapila sayo? Ang daming mas better sakin. Sobrang dami. Chen, may pagasa pa bang makilala mo ko?
Ang dami kong iniisip. Ang dami kong gusto. Natatakot ako na baka hindi ikaw yung makakatuluyan ko. Gusto kita eh. Pero medyo malabo yung tayo. Natatakot akong magustuhan kita ng sobra sobra’t umasa ako kahit imposible, natatakot akong baka pahalagahan kita ng sobra sobra’t walang matira sakin, natatakot akong gustuhin ka tapos masira lahat ng wishes ko para sating dalawa kasi hindi naman pala tayo para sa isa’t isa.
Kim Jongdae. Ang hirap mong gustuhin. Alam kong kakayanin ko ‘to. Pero natatakot ako. Natatakot ako sa future. Natatakot ako sa reyalidad. Natatakot ako na baka hindi magwork lahat ng plano ko. Natatakot ako sa mga mangyayari dahil hindi naman ako sigurado kung matatalo ko tong impossibility sa pagitan nating dalawa.
Tama ba tong ginagawa ko?
9:01. Pinapractice ko tong MAMA. Dapat yung sa arirang yung susundan ko kaso mukhang timang yung pinaggagawa nila hindi ko magets kung saan nila nakuha yon kaya yung version na lang ni Lay at Chen yung pinanood ko. Bwiset. Sobrang laking pagkakamali yung matuto kay Lay at Chen. Tawa lang ako ng tawa. Tapos nao-awkward pa ako kasi bwiset ang galing ni Lay sumayaw tapos ako mukhang timang. Parehas talaga kami ni Chen. Chos. Hahaha dinamay ko pa sya no bwiset.
Cute naman si Chen sumayaw eh. Bagay sa kanya. Tsaka ang galing nya na ngayon. Feeling ko wala lang sya sa katinuan dun sa yahoo interview kaya kung ano ano pinaggagawa nya. Pero para sakin talaga magaling sumayaw si Chen.
Ako….. wala nang pagasa.
To be honest naiinis pa din ako kapag may ibang naghuhurumentado dahil kay Chen. Lalo na pag sa harap ko tapos iduduldol talaga sa mukha kong gustong gusto nila si Chen eh alam na ngang bias ko si Chen. Para bang pinagseselos ako ganon. Kasi hutangina mo bakit mo yon gagawin anong mapapala mo don kung magselos ako. Ano yon gusto mo lang makita na nauurat ako. Hutangina ka ba. Pero unti unti ko na lang din tinatanggap para kay Chen. Deserve naman ni Chen na pagkainlaban ng madaming babae. Sa perfect nya ba namang yon sinong hindi magkakagusto.
Pero wag lang sana yung tipong hindi ko inaano yung bias mo tapos maglalandi ka sa bias ko sa harap ko. Pwede bang itikom mo na lang yung bibig mo kasi hindi talaga maganda pakinggan yang mga pinaglalandi mo sa bias ko eh. Wag na makisawsaw please may sari sarili na tayong bias pati ba naman bias ko eh papakialaman mo munggago lang diba. Maging loyal ka nga dyan sa bias mo dami mong landi eh.
Haha de, hindi naman ako galit. Hard lang talaga tanggapin sa utak ng mga gantong bagay.
Ewan. Wala naman akong pakialam sa feelings ng ibang tao tungkol sa kung sino gusto nila sa kpop chuchu. Ang pinapakialaman ko lang talaga kapag may umiinsulto sa kpop lalo na kapag bias ko yung iinsultuhin. Alam nyo bang araw araw nagkocomment yung ate ko sa kpop kesyo ang pangit daw ng fireworks ni Key parang daw si Ryan Bang. Bale sinigawan ko sya kanina para lang talaga bawiin yung sinabi nya. Pero medyo relieved na ko kahit papano kasi sabi nya sakin noon, maganda naman daw ang kpop. Ang nakakaurat lang daw yung mga fans na halos sambahin na yung mga koreano chuchu na ultimo huminga lang ng onti yung idol eh titili na. Tapos nauurat din sya kasi may mga umiiyak iyak sa mga concerts tapos halos lumuwa na yung tonsil sa sobrang sigaw kala mo manganganak. Tapos naiinis sya saming magkakaibigan kasi tuwing nakikita nya pinaguusapan namin puro na lang daw ang gwapo ni chen ang gwapo ni ganito. Mga obsessed daw kami.
Well totoo naman talaga yung una nyang sinabi. Nakakainis din talaga minsan yung mga ganon fangirl na ultimo lumabas lang yung tyan ng onti buong buo na buhay. Ang OA kasi hahahahaha para namang walang tyan yung bias mo tapos tuwang tuwa ka nung biglang nagkaroon. Although ganon ako minsan sa internet, pero hindi na gano ngayon. Siguro nahahawa lang ako sa mga fangirls, parang gusto ko lang ipakita na hindi ako napaghuhulihan na chen biased, ganon. Pero kapag nakikita ko yung mga anong picture ni chen, halimbawa nakasando lang, kinikilig ako kapag nakikita ko kasi ang gwapo nya tsaka ang sexy tignan, pero hindi naman ako yung tipong halos mawala kaluluwa sa sobrang saya. Konting skin lang yung nakita guys. Hindi naman nila binibigay agad virginity nila sa inyo para matuwa kayo ng ganyan.
Yung pangalawa, normal lang yon no. Idol na idol mo kasi eh, isa sa mga wishes mo yung makita mo sila kasi once in a lifetime yon eh. May mga fans talaga na hagulgol kung hagulgol sa sobrang saya tsaka sobrang proud. Although hindi pa ko umiiyak sa exo at sa kahit anong bands kahit sobrang love ko sila, alam ko yung feeling na sobrang saya mo dahil atlast nahihinga mo na din yung air na nahihinga nila. Wala namang masama sa mga ganon.
Yung sinabi nya saming dwegsters, hmm, medyo agree ako. Hahaha. Ang OA nga din talaga namin minsan. Pero ewan ganon naman kasi talaga yung nafifeel namin kapag nakakakita kami ng mga bagong pictures or basta mga pictures na sobrang gwapo ng bias namin. Minsan ako kahit nakaget over na ko sa picture ni Chen pinapaulit ulit ko pa din na ang gwapo ni chen kasi wala lang. Gusto ko lang malaman nila na proud ako sa bias ko kasi ang perfect nya. Pero hindi naman ako yung sobrang di makaget over, isang picture lang nakita hindi na makatulog sa gabi. Hahahahaha OA na non.
Pero note ko lang sa ating mga fans, wag tayong sobrang maobsessed. Sabi nga ni Ate Krizza, gawin lang nating inspiration. Ayos lang kung bumili ka ng mga album album, bumili ka ng mga stuff na related sa bias group mo kasi sobrang gusto mo naman, pero wag ka na sanang dumating sa point na isasacrifice mo na pati yung mga dapat mong iprioritize para lang makabili ng mga stuff at ipagmayabang sa ibang fangirl at masabing lamang ka. Wala sa materyal ang pagiging fan, teh. May mga fans na hindi bumibili ng album dahil may mga mas iniintinding bagay (tulad ko) pero mahal na mahal yung group whole heartedly. Meron ding mga bili ng bili ng album, baller, poster, chuchu pero nagagwapuhan lang sa group.
Remember, madaming mga bagay na mas kailangan mong iprioritize kesa sa pagiispazz mo sa kpop. Pwedeng yung pambili mo ng album eh ipambili mo na lang ng gamot ng nanay mo sa sakit nya, pwedeng yung pinagsama samang pera na ipambibili mo sana sa mga posters eh ipangdagdag mo na lang sa pambili mo ng mga kailangan sa school imbis na hingan mo pa ng pera yung nanay at tatay mong halos gumagapang na sa sahig mapagaral ka lang. Kasi kung bibili ka ng mga gusto mo, siguraduhin mong may pera ka, hindi yung may maaabala ka pang ibang tao, hindi yung mangungupit ka pa sa nanay mo makabili ka lang ng mga kaartihan mo. Yun ganon.
Tuesday, May 7, 2013
Alam mo yung kapag bakasyon, may mga kantang kapag narinig mo, biglang magpapaalala sa’yo ng mga araw nung nakalipas na school year. At sa tingin ko, puro kanta ng exo (at super junior, dahil sa spy nila) yung nagpapaalala sakin ng second year - which is sobrang rare kasi kadalasan english songs yung mga type ng kantang tinutukoy ko sa mga previous vacations katulad ng Rolling In The Deep (Nung 1st Year), Introducing Me (Grade 6), Lucky & The Show (Grade 5), Realize & Always Be My Baby (Grade 4). Hindi ko alam kung bakit. (Joke lang alam ko talaga. Ngayong second year lang naman kasi ako naging fan ng kpop *at hanggang ngayon eh medyo dinedeny ko pa din na fan ako ng kpop dahil hindi pa din ako makapaniwala* tsaka sa kpop lang talaga umikot second year life ko. Yuck. Ang bantot ng ‘second year life’.)
Hindi ako nagsisi na nahawaan ako ng mga kaibigan ko sa pagiging interesado sa kpop, kahit na alam kong mahihirapan ako kasi ako lang yung fan ng kpop sa buong angkan namin (Kung makaangkan kala mo ang laki ng pamilya namin eh no haha bwiset). At sa pagsabi ko ng ‘ako lang’, ibig sabihin non ‘Ako-lang-pagtitripan-ng-ate-at-mga-pinsan-ko-dahil-ako-lang-ang-naiiba-ng-interest-sa-kanila-at-hindi-nila-maiintindihan-yung-pagiging-fan-girl-ko-dahil-para-sa-kanila-pareparehas-lang-mukha-ng-mga-koreano-at-walang-special-sa-kpop’ case.
At sa pagiging fangirl, thankful pa din naman ako kasi dahil sa kpop……. hutangina tinatamad akong itype lahat ng epektong binigay sakin ng kpop.
Pero mas fan ako ng english music. Nagets nyo ba yon. Mas fan ako ng english music, as in yung music lang talaga’t parang nadamay na lang din yung mga bands dahil utang na loob ko sa kanila yung mga kantang nagmimean ng malaki sa buhay ko. Pero sa kpop, mas fan ako ng mga groups at bands at sa mismong mga idols kesa sa mismong music. Halimbawa, yung only tears, yun yung unang kanta ng infinite sa selpon ni pam na napansin ko kasi mahilig ako sa mga slow music. Pero nung pinakinggan namin ni cj, hindi ko fully naenjoy kasi una 1) Naenjoy ko lahat except sa lyrics dahil nga hindi ko nagegets yung lyrics 2) Nilipat agad namin dahil baka ako lang nageenjoy at hindi naeenjoy ni Cj kasi hindi naman sya mahilig sa slow music 3) Gusto naming pakinggan yung exo. Tapos nung nakilala ko na yung infinite, hutangina naging number 1 ko agad yung Only Tears (ni gyu he he he landeh diba pero nasa top 10 ko pa din yung version ng infinite mas nagustuhan ko lang yung kay gyu sorry infinite) kasi nagkaroon na ng meaning sakin yung kanta. At kung hindi mo pa din gets yung pagpapaliwanag ko wag mo na lang intindihin dahil mahirap talaga iexplain.
Alam nyo ba na ang pagkakagusto namin (namin - ng dwegsters - dahil hindi naman lahat ng fangirl eh ganon) sa kpop e hindi lang umiikot sa looks at hindi kami nagbabias base sa looks (although malaki contribution ng looks sa feels namin) at hindi kami nagbabias sa lahat ng groups para lang makauna sa mga naggagwapuhan idols dahil kapag nagbias kami, forever na yon. Wala lang. Gusto ko lang magparinig hahahaha.
Hindi mo naman kasi pwedeng icompare ang english songs sa kpop dahil parehas lang na imperfect. Halimbawa, sa english songs, mas nagmamark yung kanta sayo kasi nagegets mo tsaka syempre lumaki ka sa english songs kaya mas madaming memories ang english songs (para sa mga katulad kong baguhan lang sa kpop) pero hindi mo ganong alam yung background ng mga members ng favorite bands mo dahil hindi naman uso ang mga variety shows ng bawat bands sa america. Katulad ng Maroon 5. Si Adam Levine lang kilala ng karamihan sa mga fans nito kasi sya lang naman talaga sikat - except na lang kung sobrang die-hard fan ka ng Maroon 5 na tipong pati buhok sa kili kili ng bawat member eh bilang mo. Secondhand Serenade, si John Vesely lang kilala mo kasi sya lang naman talaga yung nasa secondhand serenade pati yung mga instruments nya. Hahahahahahaha okay joke ko yung pagbibigay ng example na yon kaya please parang awa nyo na matawa kayo!!!!!!!
Pero sa kpop, makikilala mo talaga lahat, bawat member, mga experiences nila, mga kaabnormalan nila, mga imperfections nila. Alam mo kung ano ginagawa nila nung hindi pa sila idols. Madami kang matutunan sa kanila (katulad sa buhay ni kim sungkyu na bata palang president na ng student council - wait ano ba yon student’s council o student council heheh basta - at kahit alam nyang itataboy sya ng magulang nya kapag pinursue nyang maging idol, pinursue nya pa din kasi marunong. Syang. Mangarap.) Hindi mo man magets yung lyrics at yung tono lang talaga alam mo kadalasan sa mga kanta nila, naeenjoy mo pa din yung kanta. At depende na lang yon sa uri ng taong meron ka kung eenjoyin mo ba yung kanta nila o hindi. Pero tbh maeenjoy mo talaga hahahahahaha ano daw
Pero ang totoo nyan gusto ko lang talaga sabihin sa inyo na kapag napapakinggan ko yung What Is Love ng exo m naaalala ko yung 2nd year okay bye
First phone call experience
Hindi ko alam kung dapat ko ba tong ikahiya o dapat ko talaga tong ikahiya dahil kahapon eh ang first time kong makatanggap ng tawag at sagutin ito. Wow. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang sumagot ako ng tawag at hanggang 12:30 kami nagusap usap kahit na hindi ko maintindihan kung ano pinagsasabi nila kasi sabay sabay kaming nagsasalita at sadyang hindi lang talaga ako sanay na nakikipagusap sa selpon. At katulad ng inaasahan ko - which is baka naawkward sila - hindi ako nagsasalita nung unang tawag. Hahahahaha wala kasi akong maintindihan tsaka wala din kaming mapagusapan. At sobrang awkward talaga. At nagpapatugtog lang talaga ako ng mga kanta sa computer namin para may libangan sila kung anong sunod na kanta yung maririnig nila - kahit paulit ulit lang talaga. At medyo inurat ko sila kakalipat ng kanta kapag nageenjoy na sila sa pinapatugtog ko. Wala lang. Ganon kasi talaga ako kapag nakikinig ng mga kantang napakinggan ko na kani-kanina lang. He he. Tapos ang awkward. Kaya nung may narinig akong tumunog eh nagassume agad akong ate ko yon para meron akong rason para ibaba muna yung phone at magisip ng sasabihin - kahit na si elmo lang talaga yung narinig ko. Buti na lang andyan si Gen para magisip ng topic namin, at yung topic naming yon eh topic din namin nung isang araw (at baka sa mga susunod na araw eh maiging topic din namin yon kapag wala kaming mapagusapan). At puro exo lang pinaguusapan namin, o kaya yung mga kabwisitan namin sa mga taong nasa paligid namin - which is sobrang naenjoy ko talaga dahil hindi ko alam kung sadyang nageenjoy lang ako kapag nauurat ako sa ibang tao o…… oo tama yun talaga yung dahilan.
Tinatanong ako ni Genevieve kung may cellphone na ba ako. Hindi ko alam kung bakit nya tinanong yon sa mga unang oras ng usapan namin. Sabi ko wala. Tapos maya maya sabi nya kailangan ko na daw magkacellphone. Tapos hindi ko pinansin, dahil nahihiya akong aminin na gustong gusto ko na talaga magkaselpon para makapagset ako ng alarm tapos yung alarm ko eh kanta ng gusto kong maging boyfriend - gusto ko kasing magising sa boses ni Chen o kaya ni Gyu o kaya ni Key o kaya ni Phillip Phillips. Tapos nagusap na kami ng iba pang bagay. Tapos maya maya sinabi nya na naman sakin na bumili na ako ng selpon. Tapos sabi ko, “Wala nga akong pangenroll eh, selpon pa kaya buwahahaha” pero ang totoo non, gusto ko talagang umagree sa kanya’t gisingin yung nanay ko para kulitin syang bilan ako ng selpon (Actually baka bilan nya talaga ako dahil sabi nya bibilan nya ko nung mga oras na kakabili nya lang ng Samsung Grand at amaze na amaze sya sa mga selpong tats krin. Pero sa sinabi nyang ‘bibilan kita wag kang mag alala’, hindi ko alam kung kailan nya tinutukoy yung pagbiling yon. Baka sa 2023 pa kung hindi pa magugunaw yung mundo sa taong yon.) Tapos maya maya eh nagiba na naman ang topic namin. At maya maya eh tinanong nya ako kung gusto ko daw ba ng lanyard. Boom. Alam ko na binabalak ni Gen. Nyahahaha. Labyu Gen.
At medyo naiisip ko din nung mga oras na yon kung tama nga ba yung iniisip ko. Dahil ayokong isipin nila yung birthday ko sa mga oras na dapat eh ang iniisip nila kung anong dapat nilang gawin nila sa buhay nila ngayong summer. Pero ewan ko. God bless them. Sana hindi nila ako bilan ng madami (Yee pahumble si keanna chloe) dahil baka magsisi silang ginastos nila yung pera nila ng very hard kapag hindi ko sila nabigyan ng regalo sa birthday nila. Chos.
Alam nyo ba, isa sa mga nakakatuwa sa mga kaibigan ko eh… basta. Yung kahit na ang awkward mo kausap eh kukulitin ka pa din nilang sagutin yung selpon mo. Tapos kapag nagusap usap na kayo, sasabihin nilang gwapo si gyu. Wow!
Pero hindi talaga yon. Natutuwa lang ako kasi kapag kausap ko sila, pwede akong maglabas ng mga rants tungkol sa mga kinaiinisan kong tao tapos magaagree sila kahit hindi naman talaga sila naiinis don sa taong yon bago ako naglabas ng sama ng loob. Tapos kapag may nangaway sayo, lalaitin nila yung kaaway mo ng very hard tapos bibigwasan nila yon sa isip nila. At masasabi mo talaga sa kanila yung mga dinadamdam mo, kahit yung pinaka non sense. Tapos tatawanan lang nila yon kahit hindi naman nakakatawa. At masaya yon sa feeling.
Okay. Wala na kong masabi.
Ang dami kong sampung piso.