Hindi ko alam kung dapat ko ba tong ikahiya o dapat ko talaga tong ikahiya dahil kahapon eh ang first time kong makatanggap ng tawag at sagutin ito. Wow. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang sumagot ako ng tawag at hanggang 12:30 kami nagusap usap kahit na hindi ko maintindihan kung ano pinagsasabi nila kasi sabay sabay kaming nagsasalita at sadyang hindi lang talaga ako sanay na nakikipagusap sa selpon. At katulad ng inaasahan ko - which is baka naawkward sila - hindi ako nagsasalita nung unang tawag. Hahahahaha wala kasi akong maintindihan tsaka wala din kaming mapagusapan. At sobrang awkward talaga. At nagpapatugtog lang talaga ako ng mga kanta sa computer namin para may libangan sila kung anong sunod na kanta yung maririnig nila - kahit paulit ulit lang talaga. At medyo inurat ko sila kakalipat ng kanta kapag nageenjoy na sila sa pinapatugtog ko. Wala lang. Ganon kasi talaga ako kapag nakikinig ng mga kantang napakinggan ko na kani-kanina lang. He he. Tapos ang awkward. Kaya nung may narinig akong tumunog eh nagassume agad akong ate ko yon para meron akong rason para ibaba muna yung phone at magisip ng sasabihin - kahit na si elmo lang talaga yung narinig ko. Buti na lang andyan si Gen para magisip ng topic namin, at yung topic naming yon eh topic din namin nung isang araw (at baka sa mga susunod na araw eh maiging topic din namin yon kapag wala kaming mapagusapan). At puro exo lang pinaguusapan namin, o kaya yung mga kabwisitan namin sa mga taong nasa paligid namin - which is sobrang naenjoy ko talaga dahil hindi ko alam kung sadyang nageenjoy lang ako kapag nauurat ako sa ibang tao o…… oo tama yun talaga yung dahilan.
Tinatanong ako ni Genevieve kung may cellphone na ba ako. Hindi ko alam kung bakit nya tinanong yon sa mga unang oras ng usapan namin. Sabi ko wala. Tapos maya maya sabi nya kailangan ko na daw magkacellphone. Tapos hindi ko pinansin, dahil nahihiya akong aminin na gustong gusto ko na talaga magkaselpon para makapagset ako ng alarm tapos yung alarm ko eh kanta ng gusto kong maging boyfriend - gusto ko kasing magising sa boses ni Chen o kaya ni Gyu o kaya ni Key o kaya ni Phillip Phillips. Tapos nagusap na kami ng iba pang bagay. Tapos maya maya sinabi nya na naman sakin na bumili na ako ng selpon. Tapos sabi ko, “Wala nga akong pangenroll eh, selpon pa kaya buwahahaha” pero ang totoo non, gusto ko talagang umagree sa kanya’t gisingin yung nanay ko para kulitin syang bilan ako ng selpon (Actually baka bilan nya talaga ako dahil sabi nya bibilan nya ko nung mga oras na kakabili nya lang ng Samsung Grand at amaze na amaze sya sa mga selpong tats krin. Pero sa sinabi nyang ‘bibilan kita wag kang mag alala’, hindi ko alam kung kailan nya tinutukoy yung pagbiling yon. Baka sa 2023 pa kung hindi pa magugunaw yung mundo sa taong yon.) Tapos maya maya eh nagiba na naman ang topic namin. At maya maya eh tinanong nya ako kung gusto ko daw ba ng lanyard. Boom. Alam ko na binabalak ni Gen. Nyahahaha. Labyu Gen.
At medyo naiisip ko din nung mga oras na yon kung tama nga ba yung iniisip ko. Dahil ayokong isipin nila yung birthday ko sa mga oras na dapat eh ang iniisip nila kung anong dapat nilang gawin nila sa buhay nila ngayong summer. Pero ewan ko. God bless them. Sana hindi nila ako bilan ng madami (Yee pahumble si keanna chloe) dahil baka magsisi silang ginastos nila yung pera nila ng very hard kapag hindi ko sila nabigyan ng regalo sa birthday nila. Chos.
Alam nyo ba, isa sa mga nakakatuwa sa mga kaibigan ko eh… basta. Yung kahit na ang awkward mo kausap eh kukulitin ka pa din nilang sagutin yung selpon mo. Tapos kapag nagusap usap na kayo, sasabihin nilang gwapo si gyu. Wow!
Pero hindi talaga yon. Natutuwa lang ako kasi kapag kausap ko sila, pwede akong maglabas ng mga rants tungkol sa mga kinaiinisan kong tao tapos magaagree sila kahit hindi naman talaga sila naiinis don sa taong yon bago ako naglabas ng sama ng loob. Tapos kapag may nangaway sayo, lalaitin nila yung kaaway mo ng very hard tapos bibigwasan nila yon sa isip nila. At masasabi mo talaga sa kanila yung mga dinadamdam mo, kahit yung pinaka non sense. Tapos tatawanan lang nila yon kahit hindi naman nakakatawa. At masaya yon sa feeling.
Okay. Wala na kong masabi.
Ang dami kong sampung piso.
No comments:
Post a Comment