Tuesday, May 7, 2013


Alam mo yung kapag bakasyon, may mga kantang kapag narinig mo, biglang magpapaalala sa’yo ng mga araw nung nakalipas na school year. At sa tingin ko, puro kanta ng exo (at super junior, dahil sa spy nila) yung nagpapaalala sakin ng second year - which is sobrang rare kasi kadalasan english songs yung mga type ng kantang tinutukoy ko sa mga previous vacations katulad ng Rolling In The Deep (Nung 1st Year), Introducing Me (Grade 6), Lucky & The Show (Grade 5), Realize & Always Be My Baby (Grade 4). Hindi ko alam kung bakit. (Joke lang alam ko talaga. Ngayong second year lang naman kasi ako naging fan ng kpop *at hanggang ngayon eh medyo dinedeny ko pa din na fan ako ng kpop dahil hindi pa din ako makapaniwala* tsaka sa kpop lang talaga umikot second year life ko. Yuck. Ang bantot ng ‘second year life’.) 
Hindi ako nagsisi na nahawaan ako ng mga kaibigan ko sa pagiging interesado sa kpop, kahit na alam kong mahihirapan ako kasi ako lang yung fan ng kpop sa buong angkan namin (Kung makaangkan kala mo ang laki ng pamilya namin eh no haha bwiset). At sa pagsabi ko ng ‘ako lang’, ibig sabihin non ‘Ako-lang-pagtitripan-ng-ate-at-mga-pinsan-ko-dahil-ako-lang-ang-naiiba-ng-interest-sa-kanila-at-hindi-nila-maiintindihan-yung-pagiging-fan-girl-ko-dahil-para-sa-kanila-pareparehas-lang-mukha-ng-mga-koreano-at-walang-special-sa-kpop’ case.
At sa pagiging fangirl, thankful pa din naman ako kasi dahil sa kpop……. hutangina tinatamad akong itype lahat ng epektong binigay sakin ng kpop.
Pero mas fan ako ng english music. Nagets nyo ba yon. Mas fan ako ng english music, as in yung music lang talaga’t parang nadamay na lang din yung mga bands dahil utang na loob ko sa kanila yung mga kantang nagmimean ng malaki sa buhay ko. Pero sa kpop, mas fan ako ng mga groups at bands at sa mismong mga idols kesa sa mismong music. Halimbawa, yung only tears, yun yung unang kanta ng infinite sa selpon ni pam na napansin ko kasi mahilig ako sa mga slow music. Pero nung pinakinggan namin ni cj, hindi ko fully naenjoy kasi una 1) Naenjoy ko lahat except sa lyrics dahil nga hindi ko nagegets yung lyrics 2) Nilipat agad namin dahil baka ako lang nageenjoy at hindi naeenjoy ni Cj kasi hindi naman sya mahilig sa slow music 3) Gusto naming pakinggan yung exo. Tapos nung nakilala ko na yung infinite, hutangina naging number 1 ko agad yung Only Tears (ni gyu he he he landeh diba pero nasa top 10 ko pa din yung version ng infinite mas nagustuhan ko lang yung kay gyu sorry infinite) kasi nagkaroon na ng meaning sakin yung kanta. At kung hindi mo pa din gets yung pagpapaliwanag ko wag mo na lang intindihin dahil mahirap talaga iexplain. 
Alam nyo ba na ang pagkakagusto namin (namin - ng dwegsters - dahil hindi naman lahat ng fangirl eh ganon) sa kpop e hindi lang umiikot sa looks at hindi kami nagbabias base sa looks (although malaki contribution ng looks sa feels namin) at hindi kami nagbabias sa lahat ng groups para lang makauna sa mga naggagwapuhan idols dahil kapag nagbias kami, forever na yon. Wala lang. Gusto ko lang magparinig hahahaha.
Hindi mo naman kasi pwedeng icompare ang english songs sa kpop dahil parehas lang na imperfect. Halimbawa, sa english songs, mas nagmamark yung kanta sayo kasi nagegets mo tsaka syempre lumaki ka sa english songs kaya mas madaming memories ang english songs (para sa mga katulad kong baguhan lang sa kpop) pero hindi mo ganong alam yung background ng mga members ng favorite bands mo dahil hindi naman uso ang mga variety shows ng bawat bands sa america. Katulad ng Maroon 5. Si Adam Levine lang kilala ng karamihan sa mga fans nito kasi sya lang naman talaga sikat - except na lang kung sobrang die-hard fan ka ng Maroon 5 na tipong pati buhok sa kili kili ng bawat member eh bilang mo. Secondhand Serenade, si John Vesely lang kilala mo kasi sya lang naman talaga yung nasa secondhand serenade pati yung mga instruments nya. Hahahahahahaha okay joke ko yung pagbibigay ng example na yon kaya please parang awa nyo na matawa kayo!!!!!!!
Pero sa kpop, makikilala mo talaga lahat, bawat member, mga experiences nila, mga kaabnormalan nila, mga imperfections nila. Alam mo kung ano ginagawa nila nung hindi pa sila idols. Madami kang matutunan sa kanila (katulad sa buhay ni kim sungkyu na bata palang president na ng student council - wait ano ba yon student’s council o student council heheh basta - at kahit alam nyang itataboy sya ng magulang nya kapag pinursue nyang maging idol, pinursue nya pa din kasi marunong. Syang. Mangarap.) Hindi mo man magets yung lyrics at yung tono lang talaga alam mo kadalasan sa mga kanta nila, naeenjoy mo pa din yung kanta. At depende na lang yon sa uri ng taong meron ka kung eenjoyin mo ba yung kanta nila o hindi. Pero tbh maeenjoy mo talaga hahahahahaha ano daw 
Pero ang totoo nyan gusto ko lang talaga sabihin sa inyo na kapag napapakinggan ko yung What Is Love ng exo m naaalala ko yung 2nd year okay bye

No comments:

Post a Comment