Lapit na birthday ni Chen. 3 months na lang. Balak ko talaga bumawi kasi last year, binati ko lang sya sa blogspot ko eh, tapos medyo hindi ko pa yon feel kasi yuck ayoko ilagay dito yung dahilan. Tapos kumain lang kami isaw non. Ngayon, meron na kong mga ideas eh. Bale,
Tank. Ewan. Feeling ko magugustuhan yon ni Chen. Actually dati ko pa yon nabili, at medyo matagal na din syang design ng artwork. Aksidente ko lang yon nabili kasi nagandahan ako, tapos ewan, dala na din siguro ng pagiging over-impulsive ko minsan, binili ko agad. Lalo na kasi may ‘kidlat’ na word. Paguwi ko tsaka ko lang narealize na panglalaki pala yon. Tupangina. Ang laki sakin. Hahaha. Kaya pala pinapasukat sakin nila pam yon kasi malaki. Medyo nahypnotize ako sa design teh. So naisip ko na lang na ibigay kay Chen. Kaso, may worries din ako. Kasi 1) Hindi naman sya ganon kamahal, pero kapag kasi nalaman ng nanay ko na gumastos ako ng 200 para lang sa bias ko, iisipin nya sobrang addict at obsessed ko na tapos ginagastusan ko na pati tao na hindi naman ako kilala tapos papatigilin nya na ko sa kagustuhan ko sa kpop 2) Baka hindi makarating kay Chen pag pinaabot ko sa Chensation, de sayang lang pera ko 3) Baka madami nang nagbigay ng ganong design kasi nga matagal na syang design ng artwork 4) Baka hindi magustuhan ni Chen, baka damang dama ko yung style pero hindi naman pala type ni Chen 5) Gusto ko lang magdagdag ng 5 para hindi bitin. Pero depende to sa mood ko pagdating ng September. Sana mabigay ko.
Medyo alam ko na purpose kung bakit napanood ko nung isang araw yung liberal arts - para idownload ko at mapanood at magkaroon ng idea para sa birthday ni Chen. Bale feel ko syang gawan ng parang album, chos, actually burned cd lang. Mas gusto ko sana mixtape kaso baka kasi walang ano si chen, yung parang player. Basta ganon. Kaya gagawin ko na lang yung mas madali. As a type b man, mahilig sya sa music. At mahilig din ako sa music. At napagalaman ko pa na nakikinig sya sa kanta ng maroon 5 these days. At fan ako ng maroon 5. At lalagyan ko ng kanta ng maroon 5, radiohead, the perishers, secondhand serenade, paramore at iba pang kanta like rocketeer, smother me, etc. Tapos sa huli, boses ko. Hahahahahaha shet syempre hindi ako kakanta. Gagawan ko lang sya message. Tupangina ang pangit ng boses ko baka itapon nya yung cd pagkatapos nya marinig yung boses ko or baka maconfuse sya kung babae ba o lalaki yung nagsend sa kanya ng cd hahahaha shet naman. Pero totoo to, balak ko na talaga to. Sana maging successful tupangina.
Letter. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa fanboard nga inaabot ako ng oras para magsend sa kanya ng letter eh hahaha. Namemental block kasi ako pag nagiisip ng sasabihin kay Chen. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin yung feelings ko kasi wala lang, siguro kapag true yung nafifeel mo, hindi mo basta basta nadedescribe yon. As in nafifeel mo lang. Wooo kumoquote shet. Basta ganon. Pero ang cute kasi ng love letters. Actually naiisip ko kung itatype writer ko ba para unique, tsaka matagal ko na din kasing gustong gumamit ng type writer kaso ang mahal ng type writer. Pero bahala na.
Magiisip pa……….. ……… ..
No comments:
Post a Comment