Tuesday, June 25, 2013

Nakakapressure magbirthday. Kontento naman ako at medyo surprised sa mga nangyayari kasi first time in a while ko magbirthday sa school. Kadalasan kasi kahit hindi holiday sa imus, palaging walang pasok birthday ko kasi biglang natatapat sa seminar ng mga teachers, o kaya walang teacher, o kahit anong rason para walang klase. Gustuhin ko man umabsent dahil nakakapressure talaga magbirthday sa school, hindi ko magawa kasi ang dami naming quiz ngayon. Although hindi naman ako nagreregret na pumasok ako kasi matataas naman yung mga quiz ko ngayon.

Medyo nadedepress ako nung umaga dahil wala lang. Nakakapanibago kasi. Simula kahapon masyado ko nang iniistress sarili ko kasi nga wala akong plano ngayon pero gusto ko maging special tong araw na to kasi once in a year lang yung June 24. Pero nadedepress ako kanina. Disappointed, siguro. Last year kasi naiisip ko sa jeep minsan kung anong surprise gagawin ng dwegsters sakin. May mga times na nahahalata ko sila pero kanina talaga nagdoubt ako na may surprise sila sakin kasi wala talaga sa mood yung celebration. Umaga palang parang sobrang ordinary, nagpatugtog ako ng wolf at pinanood ko ulit yung perf kahapon at wala naman akong ganong nafeel kasi kinakabahan nga ako sa araw na to, baka magfail o what. Tapos ganon pa din, ako lang magisa sa baba. Nagluluto ng nuggets para sa lunch. Kumakain ng sariling luto. Nagpapatuyo ng buhok. Nanonood ng exo, pero mas stressful lang yung panonood kanina kasi naiisip ko na yung mga mangyayari maya maya. Sabi ni mommy dadalan nya ko ng pagkain sa school, hindi naman natuloy kasi late na nakaluto. Walang ganong special.

Lalo pa kong napressure, although sobrang natouch ako, nung pagkakita palang sakin nila madz binati na nila ako ng happy birthday. 1st week palang ata inaabangan na ni Madz birthday ko eh, ewan hahaha ang bait nya. Tapos hanggang sa lahat na sila. Tapos si Sir Johnny din, sya pa naginitiate na magkanta kanta chuchu ng happy birthday. Medyo awkward hahahaha. Pero natatawa ako kay jamie non kasi bigla syang sisigaw ng “That awkward moment when…” hahaha. Tapos babatiin nya ko sa hagdan paulit ulit. Medyo mahirap din yon ha. Ang galing mo Jamie!

Pero nung mga oras na yon, naiistress talaga ako. Kasi naman, nasabay pa ko sa mga mayayamang kakabirthday pa lang. Hindi kasi ako mahilig yung tipong celebrate kung celebrate ng birthday, tipong katulad ni Edzel, manglilibre ng 31 persons sa mcdo tupangina pangisang taong pagkain ko na yon. Tapos nakakahiya kasi sabi ko kayla gen kahapon baka dalan kami ni mommy ng pagkain tapos hindi naman natuloy. Tapos sabi ng nanay ko papuntahin ko na lang sila sa bahay kaso wala naman kaming gagawin don, mao-Op lang sila ng sobra sobra sa bahay. Hindi pa kami makakapagspazz or what kasi baka sumabat sila ate. Wala lang. Tapos hindi ko pa sila malibre kasi wala lang, hindi ako sanay eh. Hahaha. Kuripot talaga forever! Wth.

Nakakatouched yung 3Taal pati yung ibang 2silver pati yung iba pang kakilala sa school. Nakakatouched din si baste kasi naalala nya yung birthday ko, tipong tuwing nagkikita kami nagha-hi sya, tapos nageexpect ako kanina na magha hi sya sakin pero binati nya ko ng happy birthday. Okay saya ha. Tapos ayon. Feeling ko ang close ko sa madaming tao na parang ang famous ko na parang ang bait nila sakin na wala lang. May part na gusto kong magbirthday araw araw para hindi matatapos kabaitan nila pero may part din na ayaw kong magbirthday hahahaha shet naman.

Pero inaamin ko, nung umaga talaga, kung may diary lang talaga ako sa bag, magsisimula na kong magsulat kung gano ako nadidisappoint sa birthday ko. Nung umaga lang naman yon. Medyo awkward kasi kami ni Cj kasi sabi nya sakin galit daw sya samin kahapon tapos ang tagal nya magreply. Medyo naisip ko na kahapon na baka plano lang nila yon, tipong palulungkutin nila ako buong araw tapos maya maya may surprise sila or what. Pero hindi eh. Kanina kahit na alam kong posibleng plano lang nila yon, nalungkot pa din ako. Tapos sobrang ordinary lang. Medyo hinihintay ko na magsimula na yung surprise nila pero ang tagal. Medyo naloloko na nila ako. Tapos nung mga bandang values ata or what, nilabas ni cj yung album. Tapos natutuwa ako kayla danica kasi gusto nila infinite. Tapos tinignan ko din yung album, hinanap ko yung photocard. Si dongwoo lang nakita ko pero hindi naman ako nagtaka. Si Cj yung nagtaka at medyo nahalata ko sya don kasi ang tahimik ng lahat tapos napasabi lang ako ng “Uy nasan yung kay gyu…” tapos sabi nya “Eh wag mo kong tanungin nyan mamaya mo na ko tanungin chuchu basta mamaya may mangyayari” eh pwede naman nyang sabihin na “Ewan kinuha ata ng ate ko”. Hahahahaha medyo natatawa na ko kay cj non, pinipigilan ko lang. Tapos nagusap kami tungkol sa korea pati ibang bansa tapos pupunta kami don. Tapos nung lunch, nagmamadali bumaba si cj, sabi nya bilisan ko daw may mangyayari daw masama chuchu. Hahahahaha alam na. Tapos medyo nao-awkward ako kasi hindi ako sanay ng may nagaabang sakin or ewan. Tapos pagdating namin sa table nakatungo si gen habang kumakain…. uhm bakit ganon… hahahaha tapos natatawa na ko non as in kahit isipin ko si mam cahanap hindi ko pa din mapigilan yung tawa ko kasi halatang nagpipigil sila ng tawa. Tapos si cj pa, hindi talaga mapigilan yung tawa, tawa talaga sya ng tawa. De nagpipretend si gen na nauurat sya kay vigil kasi galit daw sa kanya si vigil chuchu tapos tawa kami ng tawa, hindi namin mapigilan. Diba medyo bastos. Tapos maya maya sinasabi na nila na birthday daw ni nickhun tapos medyo naisip ko na “wait binati na ba nila ako” pero hindi ko naman sinabing birthday ko din chuchu. Hindi ko din napansin na way nila yon para sabihin na nalimutan nila birthday ko. Tapos maya maya sabi ni gen “Omg birthday mo din pala no!” pero nung tinignan ko selpon nya nakaalarm yung “birthday ni kabit ni kim jongdae”. Hahahahaha benta. Alam ko talagang nagpipretend sila non kasi josme, bakasyon pa lang halata nang nagiisip sila ng gagawin sa birthday ko, tapos last week paulit ulit nila kong sinasabi na birthday na daw ng maknae ng dwegsters chuchu. Imposible namang malimutan nila. Pero yung kanina nilang acting, medyo nakakadala din eh. Hahahaha. Ewan ko. Sabi nila bat daw ako nakangiti or masaya or what, pero ang totoo talaga non pinipilit ko lang yung ngiti ko pero medyo nakakalungkot talaga yung mga lines na pinangacting nila hahahaha. Medyo nadala talaga ako sa acting nila. Naisip ko tuloy na tupa, baka wala silang surprise sakin, baka alam nila na birthday ko pero wala silang surprise sakin. Yung parang ganon. Tapos wala silang plano. Bale nagulat ako kasi bakit ako yung nagpaplano, magkaraoke, chuchu. Tapos ayon. Hanggang papuntang science dinadamdam ko yon ng onte. Nawala lng nung binati na naman ako ng mga kaklase ko.

Pero ayon nakakatamad na kasi maglagay ng madaming details. Basta nung hapon kunwari may hinahanap sila sa bag tapos medyo naiisip ko na na “Omg it’s time” tapos sinasadya kong di sila tulungan. Tapos pinipigil ko pa tawa ko non kasi naisip ko kung bigla ko kaya silang iwanan don or c-cr ako bigla tapos sisirain ko plano nila hahaha wala lang trip lang. Pero pinahanap na nila sakin tapos hinanap ko sa envelope na binigay sakin, akala ko buong yon puno ng regalo, pero hindi talaga buwahahaha medyo feeler. Nung una hindi ko hinahanap, as in binubuklat lang pero hindi ko hinahanap para maisip na “Ba tong taong to ayon na nga yung regalo o di pa makita ano bang gagawin ko dito sa batang to”. Tapos akala ko yung regalo sakin yung may nakalagay na sehun hahahahaha wth bakit ganon pero hindi pala talaga yon. Parang novel analysis yung regalo nila sakin tapos the best, sobrang the best yung fanfic. Tipong hindi ko mapigilan kilig ko sa mga pinaglalagay nila don. Buti na lang si cj lang kasama ko nung binasa ko yon sa kfc kasi nakakahiya talaga makita pagmumukha kong kinikilig. Tapos yung letters sa jeep ko na binasa. Dwegsters :( Sabi nila kung hindi daw ako naging exo fan baka daw walang dwegsters ngayon, parang alam mo yon, feeling founder hahaha ganon. Pero hindi, sabe nya kahit walang exo may dwegsters pa din. Tapos basta ang nakakatouched talaga mga letters nila :”) Tapos sila pati si chen lang iniisip ko pati yung taal nung nasa jeep. Basta.

Nalimutan ko ikwento yung karaoke kanina chuchu pero basta ganon hirap magkaraoke pero masaya huhu siguro ganon din exo noon

Although hindi man to yung the best na birthday sa lahat, super thankful naman ako pati super contented. Kahit na umasa akong may sign ngayon mula sa exo at mula kay chen or maski drama ver. man lang ipost ngayon, at as in umasa lang talaga ako dahil walang nangyari, thankful pa din ako. Sobrang daming bagay at tao na pinapasalamatan ko. Lalo na sa family ko. I love you mommy and daddy and ate and tita and ate shalom and tokneneng at tita christine though wala sya kanina at sa lahat :)

Most of all, thank You Lord! Thank You for everything! You’re the best! :)

No comments:

Post a Comment