Ok lang sakin na makilala ako ni Chen. Actually hindi lang okay eh, sobra sobra sobra sobra sobrang (more than sobra pa) na okay. Medyo pangarap ko nga yon, kaso hindi ko alam kung tama ba syang pangarapin. Ewan. Sa oras na to mas hinahangad kong makilala ako ni Chen, o magkakilala kami. Gusto ko nga syang maging kaibigan eh, gusto ko syang maging best friend. Kasi feeling ko magkakasundo kami. Hindi man kami magkatuluyan balang araw, magpapasalamat pa din ako ng limpak limpak kay Lord kasi tinupad nya yung pangarap kong makilala si Chen.
Ayoko munang maging kami ni Chen. Hindi sa pahard to get okay. Hindi sa feeling pretty. Kahit na sinasabi ko minsan na boypren ko si chen, joke lang talaga yon. Hindi pa ko ready me haehaehahehehhehe ang landi. De. Ewan. Gusto ko munang kilalanin si Chen. Hindi lang naman kasi puro looks, talents, ‘known’ personality yung hinahanap ko eh. Gusto ko din naman ng loyal, yung para sakin talaga, yung mamahalin ako. Malay mo hindi pala nya trip yung mga trip ko, malay mo mahirapan kami sa isa’t isa. Mamahalin ko pa din sya kung ganon pero hindi ko ipagpipilitan sarili ko sa taong hindi ako mahal. Naks naman.
Hindi ko maintindihan talaga yung mga tao ngayon, yung mga babae. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon sila lumandi. Although iba iba naman tayo ng style sa paglandi. Meron pa din talagang mga taong nakakaimbyerna pagdating sa kalandian.
Isa ka na don at yang feeling cute mong mukha. Hindi yun joke. Seryoso ako don.
No comments:
Post a Comment