At sa tingin ko isa sa mga highlight ng araw na ‘to eh yung zipline. Seriously, takot talaga ako sa heights okay. Paakyat pa lang kinakabahan na ko kasi parang walang katapusan yung stairs. Chura ko nga non eh, hindi ko alam na nakikita nga pala ako sa baba. Pero yaan mo sila dyan.
Masarap lang yung feeling ng zipline. Pero mas masarap, yung maiisip mo na sana sa sarap na nafifeel mong yon, kasama mo yung taong hinahanap hanap mo. Naks. Basta. Parang nag slow-mo buong mundo ko, at hindi ko alam kung bakit. Ang sarap lang kasi ng hangin. Ang sarap ni sehun chos ew. De, ang sarap ng feeling na ang laya mo. Walang stress, enjoy lang.
At sa mga oras na yon, napasabi ako ng mataimtim, as softly as I could,
I love you, Chen
At hindi yon pasigaw. Binulong ko lang sa hangin, sa lubid, sa mga diwatang maaring nanonood sakin habang naglalandi sa kawalan, sa sarili ko - at sa buong mundo, kahit na bulong lang yon. At siguro, sa lahat ng I love you na nasabi ko para kay Chen, yon yung pinakasincere. Hindi ako sincere kapag nagi-I love you ako kay Chen ng pasigaw, dahil chura bakit pasigaw. Ginagawa ko yon hindi dahil sa mahal ko si Chen, pero para lang ipaalam sa madaming tao na mahal ko sya - at may malaking pagkakaiba sa dalawang binanggit ko.
Ang sarap magblog. Hay.
No comments:
Post a Comment