Friday, October 9, 2015

11:44PM - Ano itong feels na'to


Itong kantang 'to yung kinanta mo nung kakagaling lang natin sa Europe at nagkaraoke tayo kayla Kuya Pao. Hanggang ngayon, kapag naririnig ko yung kanta, as in kahit instrumentals pa lang, super kinikilig na ako at hindi ko na alam gagawin ko. Parang si Yaya Dub pag nakikita si Alden nung mga unang araw; nagpipilit ipoker face yung kilig pero hindi talaga kaya. Ayun.

Hanggang ngayon, umaasa ako na kaya mo 'yun kinanta kasi 'yun yung tugtog sa radio nung pumunta kami sa loob ng kwarto nyo sa Rome. Actually, 'yun talaga yung tugtog maski sa radio namin. Bale pare-parehas tayong LSS ng ilang araw. Pero bago 'yan, special talaga yung kanta kasi yung lyrics, akmang akma sa nararamdaman ko (ko, dahil hindi ako sure kung naramdaman mo din ba). Bago pa tayo pumunta sa Italy, nakaramdam na ako. Umalis ka kasi ng ilang araw, bumalik ka ng Pinas. Pagbalik mo, hindi super big deal sakin. Ni hindi kita binati, kasi wala lang. Hehe. Hindi naman tayo close. Ang sungit mo na nun. Naalala ko, mismo nung unang araw mo back to Europe, magkatabi tayo sa straight line ng choir. Busy pa yung karamihan ng members at bukod tanging tayo lang yung dalawa yung magkatabi sa gitna. Pero hindi mo ko kinakausap, at hindi din kita iniimik. Walang kamustahan kahit ilang araw kang nawala. Wala ka pa atang hawak na Ipad non, tapos wala din akong phone. Nakatingin lang tayo sa kawalan kahit super lapit natin sa isa't isa. . Nung mga sumunod na araw, todo na yung mga rehearsals natin. Palagi mo kong binabati sa tono, sa vibratto (haha medyo di ko malimutan 'to kasi binulong mo sakin na "wag masyadong malaki yung vibratto" at kahit naiirita na ko sa pangbabati mo, kinilig pa din ako kasi ang pogi ng bulong mo #missing3rdyeardays).

Nung farewell party natin sa Switzerland, the night before we left for Arezzo, malayo tayo sa isa't isa. Magkatabi kayo ni Sir at may mga pinaguusapan kayo nila Ate Jiselle. Maya maya, pinalapit kami ni Sir, kakausapin kami tungkol sa perang ididistribute. Tuwang tuwa si Jester nung malaman nyang bibigay samin yung sobra sa 40k. Natawa din ako kay Jester at napasabi ng "Hala happy-ng happy?", pero conscious ako nun na nakatingin ka sakin. Ang tagal. Grabe. Sa tagal, nakapagisip pa ko sa utak ko na "Hala ang weird bakit mo ko tinitignan ng ganyan". Nakangiti ka at nakatingin sakin, at weird dahil imbis na sina Jester yung tignan mo dahil sila yung may sinasabi at ako ay nakikinig lang din, ako yung tinitignan mo. Maya maya, nagpout ka pero nakangiti at shit dahil hindi ko alam kung sinasadya mo bang magpacute o saktong ang cute mo lang kapag nakaganun ka.

Kinabukasan, nung nasa train tayo papuntang airport, nawawala si Sir. Ang tagal nyong naguusap usap ng mga old members kung anong gagawin at kung paano hahanapin si Sir. Umupo ka sa likod namin kasi doon nakaupo sila Ate Joy at nagchismisan kayo don. Ako, nagpipilit makatulog. Maya maya, umalis kayo ni Ate Jiselle. Hinanap nyo pala si Sir sa kabilang wagon. Bumalik magisa si Ate Jiselle para sabihing andun si Sir. Sabi nila, babalik ka na lang daw pag malapit na sa airport at pag kukunin mo na yung bag mo. Pero bumalik ka na agad mga ilang minuto pagkatapos. 

Magkaaway na pala kayo. Kaya pala parang bad mood si sir. Nainis ka kasi hindi man lang nagparamdam si Sir at nagalala kayo. 

Nung nasa airport na tayo ng Geneva, nakaupo tayo sa sahig. Medyo malayo tayo sa isa't isa. Parehas busy sa paghahanap ng wifi. Gumive-up na ko non kasi malolowbatt na din ako. Hinanap kita, at nagulat ako kasi pagtingin ko sayo, nakatingin ka din sakin. Yung tingin na alam kong para sakin talaga. Umiwas ako ng tingin pero hindi agad agad. 

Pagdating sa Arezzo, palagi mo na akong tinitignan. Kahit nung nasa train station palang tayo, sumasama ka sa circle of friends namin. Habang naglalakad, palagi pa din tayong nagkakatinginan. Napapansin ko din na kung saan ako dumadaan, dun ka din dumadaan. Tuwing binibilisan ko yung lakad ko (kasi pinipilit ko yung sarili kong maging hyper dahil sobrang bigat ng maleta ko), nafifeel kong pinipilit mo kong masundan (kahit na napapalapit ka din kay Sir at magkaaway pa kayo nung mga oras na yun). Isang beses, nilapitan tayo ni Nricho para magbigay ng tubig. Inalok ka nya, pero tumanggi ka. Tapos binigay sakin ni Nricho yung tubig. After kong uminom, hiningi mo kay Nricho yung tubig tapos sabi mo "Sarap!". Tapos bago din nun, naglakad ako sa gitna ng daan kasi gusto kong magovertake. Tapos medyo malayo ka pa sakin nun pero nakasunod ka, tapos tinawag mo ko kasi may padaan na sasakyan. Akalain mo yun. Ikaw pa yung tumawag sakin, kahit na medyo malayo pa naman yung sasakyan. (joke syempre sinama ko lang to kahit wala namang meaning)

Hehe (kinikilig pa din ako habang nagtatype ngayon)(kainis akala ko pa naman ayaw na kita maging crush)

Ang lapit mo sakin nung nasa Arezzo tayo. Hindi ko na maisa-isa dahil nakailang ulit na kong sulat nito sa diary ko at sa blog ko sa Tumblr. Pero hindi ko malilimutan nung nagpabebe wave ka sakin bago tayo kumanta sa Folk Category. Hahaha! Wala lang. Tapos inutusan mo ko na sabihin kay Nricho na iakyat yung mga phones sa room nyo tapos finlash mo yung wacky mong smile na parang nagpapacute (kahit na ang wala sa hulog nung pagpapasabi mo dahil hinintay mo talaga na makausap ako eh pwede namang sa mga kasama mo na lang ipasabi). May gabi din na nangolekta ka ng phone, tapos hindi ko naibigay sayo nung dinner kasi nasa kwarto yung phone ko. Tapos nagmadali ako para kunin at ibigay sayo, tapos pagdaan mo sa kwarto namin pumasok ka (kasi may itatanong ka kay Ate Jiselle), tapos paalis ka na tinawag kita para ibigay yung phone ko. Sabi mo ilagay ko na lang sa backpack mo sa likod, tapos nung okay na, nag-good night ako sayo. You looked so tired. That 'good night' from me flew out of my mouth so hard as if I love you na yung sinasabi ko. Hahaha. Tapos pagkatapos natin kumanta sa Folk Category, dinidikitan mo ko (kasi nagkumpulan yung mga members at nasa bandang likod tayo). Feel ko na yung chest mo sa shoulders ko hahahaha. Kahit na pinausog na tayo ng pwesto ni Sir, dun ka pa din pumupwesto sa tabi ko at kailangan talaga may interaction. Nung Arezzo ko lang din naexperience na kausapin mo kahit sa maliit na bagay lang. Tulad ng pagpapatago ng bote (dahil sabi mo tayo lang yung may bote at kailangan natin maghanap ng pagpapataguan ng bote)(kahit hindi lang tayo yung may bote).

Simpleng mga bagay. Madaming pagkakataon. Pero sobrang big deal para sakin kasi hindi tayo ganon sa normal na buhay.

Nung tapos na yung contest, pagod na pagod ako na nakaupo sa lobby. Bati na kayo ni Sir non. Tapos na yung Arezzo. Tapos na din yung mahihiwagang araw natin. Nagalisan na yung lahat, pero tayo lang dalawa yung natira sa lobby. Walang ginagawa. Nakaupo lang. Magkaharap sa isa't isa. Super lakas ng pintig ng puso ko non. Gusto kong sabihin na salamat, kasi kahit hindi natin naiuwi yung dream prize natin you still made this part of the tour the most special one. Gusto kong sabihin na we've come up to this point, and I still like you so much, and I hope this will never end. Pero tumayo ako at pumunta na sa kwarto. Sinundan mo ko sa kwarto (which is katabi lang ng lobby), pero may sinabi ka lang kay Ate Joy. Sabi mo pa nga, matutulog ka na kasi may gala kayong dalawa ni Ate Joy kinabukasan. Akala ko date nyong dalawa (weird). Pero kinabukasan niyaya ako ni Ate Joy at Ate Jiselle kasi ako na lang yung maiiwan kung sakali. Gumala tayo sa Arezzo. Nagpapapicture ka sakin. Sabi mo pa nung nakaupo ako sa may edge ng cliff, hindi mo yun kaya kasi takot ka sa heights. Ganun ganun ganun. Hindi ako nagpapakuha sa inyo ng picture ko (kasi wow im never prepared), kaya siguro kuha ka ng kuha ng groupies para naman magkaron ako ng picture sa place. Lol.

Alam mo, ang layo na natin sa mga ganong moments. Although from time to time, pag may chance, kinakausap mo pa din ako. Pero it wasn't like before. Bihira na lang kasi tayo magkaroon ng chance. And the anger inside me still grows, towards sir at somehow towards the choir. Sorry. Everything is complicated now, and the feelings I have for you also get affected. These memories are the only things na kinakapitan ko. Ang dami ko na kasing narealize. Sayang, kung nagrab lang natin lahat ng chance nung nasa tour pa. Lalo na nung Arezzo. Kung nakausap lang kita nung nasa lobby tayo. Kung hindi muna kayo nagbati ni sir, kung naglaan ka pa ng isang araw para sakin para mabago ang lahat. 

Ngayon, hindi ko alam kung nagmatter ba sayo ni isa sa mga nangyari nung Arezzo. Hindi ko alam kung naramdaman mo din ba. Hindi ko alam kung totoo bang there is something in the way we look at each other (haha sad but true). O ako lang ang nakaramdam non lahat. Maybe all of those are just coincidences. 

I miss those days. Nung nasa Sistine Chapel tayo, natatandaan ko pa din yun. Nung lumapit ako sa isang painting na tinitignan mo din. Busy ka magpicture eh. Pipicture-an mo sana yung painting kaso naka-self cam. Nung padating ako at nasa likod mo palang ako, nakita kong pinindot mo yung capture. Tayo lang dalawa yung andun sa picture. Madaming beses mo pa pinindot at mukha kang nagmamadali. Hahaha. Kunwari hindi ko napansin at sabi ko lang "Hala ang ganda over" sa painting at ikaw tong nag excuse para umalis na. Bago magtour, pinangarap ko talaga na magkaroon ng selfie with you. I don't know kung naging pangarap na lang talaga yun or natuloy sya somehow dahil pinindot mo yung capture (and I don't know kung sinadya mo yun for the sake na magkaron tayo ng selfie together)(I hope you did).

Madaming bagay pa din akong pinanghahawakan ngayon. I can't forget. I may hate you at times pero I know deep down ikaw pa din yung gusto ko. Kahit na madaming bagay na nagsasabing kailangan ko na maglet go. Kahit na minsan naiduduldol na sakin ng paligid na may mahal ka ng iba. Pero may tiny part pa din sakin deep inside na umaasa na gusto mo din ako kahit kapiranggot na porsyento lang. 

Ako kasi, oo. All this time. Nagpapakatanga. 

Isang oras na pala ang nakalipas. Itutulog ko na lang 'to.

No comments:

Post a Comment