wAIT ANG DAMING NANGYARI WAIT I NEED TO BREATHE FIRST HAHAHAHAHAHAODHSAODHSAODBUSAHUHUHUH
Ok
Wait bago ang lahat gusto ko lang sabihin sa inyo na nakita ko sa may gate ng prima yung crush ko nung first year (fourth year sya nung first year ako) na si Julius!!!!!!!!!!! espiritu. Hahaha. Sobrang shit talaga dahil ang gwapo gwapo nya talaga ng over over. Nakatingin pa sya sakin non pero ok ano naman hahahaha patawid kasi ako nung nakasalubong ko sya. Tapos parehas kami ng dinaanan. Tapos syempre boom boom boom sa feels kasi kami lang dalawa yung naglalakad sa daan tapos ang bilis nya maglakad tapos ako chill lang kasi baka isipin nya hinahabol ko sya tapos maya maya nagstop sya saglit sa isang street tapos nagisip chuchu sya tapos nung nakahabol na ko sa kinaroroonan nya naglakad sya ulit tapos wala lang maya maya nagpaload sya ng 25 sa tindahan buwaha ok bakit ko nga ba to kinukwento
Ang dami ko pang gagawin at paplantsahing uniform (ok lesson learned dapat bago magrehearsal ako namamalantsa huhuhuhuhuhu) pero bago ang lahat magkukwento muna ako
Ang aga ko kanina you know. Iniiwasan ko talaga magpalate, as in kanina 4pm palang kabang kaba na ko kasi baka malate ako hahahaha. Umalis ako ng 4 kasi bibili pa ko sa national ng mga ek ek tapos natatandaan ko pa yung kabog ng dibdib ko habang naghahanap ng clearbook sa national na sobrang liit at sobrang hirap hanapin ng mga gamit tapos basta ganon katamad magexplain. Nakadating ako sa toclong ng 4:50 tapos si kuya ion, nricho at andrea lang tao. As in sila lang!!! 10 minutes na lang natitira. Tapos ako medyo nauurat kasi ayokong nakikita si andrea buwaha sorry pero kung makipagusap kasi sya samin parang sobrang dami nyang alam dahil mas matanda sya samin ng isang year tapos huhu sarap nyang batuhin ng clearbook chos hahaha
Wait lam mo ba dumating na si Ju kanina tapos sumilip sya ng very hard tapos maya maya umalis sya tapos pagbalik nya nakagreen na din syang shirt buwahaoshdoahdosanfdkjsadkasbdsadvboasdboas nakagreen pa naman ako
SUPAH LURV IT
Awkward talaga kanina kasi andon si Kuya Ion eh hindi namin sya kaclose hahahaha ok tapos andon pa si sir tristan tapos gusto kong magpractice pero baka marinig ni sir yung kakantahin kong tono tapos mali mali pala tapos murahin nya ko out of nowhere
Nagvocalize kami at alam kong hindi ko nabigay yung best ko dahil ewan ko!!!!!!!!!!!!!!!!!! parang timang lang. Hindi ko kasi mahanap yung placement ko talaga. Medyo mababa yung binigay na tono sakin kasi alto, tapos hindi ko alam kung paanong tukod yung gagawin ko kasi kung ihihikab ko ng over, mahina (tsaka nalimutan ko din kung pano yung maghikab sa mababa kasi nagfofocus ako sa matataas these past weeks). Pag naman yung parang half-falsetto half-natural, ang pangit pakinggan. Yung ginawa ko kanina, hindi ko pinagisipan kasi lalo akong natetense kapag iniisip kong malapit na ko tapos di ko pa kuha yung placement. Tapos wala lang disappointed lang ako
Hirap talaga ako nung nawala si Ate Geneve sa Alto kasi una, ok na yung blending eh. Sya kasi yung pinakamalapit sa boses ko. Sabi nga ni sir dati magkakaboses kami nila ate judelle eh. Tapos ngayon nakakagulat lang kasi ako na lang natira saming tatlo sa alto. Tsaka ang tagal na naming partners ni ate geneve sa a1, tsaka sa kanya ako kumukuha ng confidence kasi ang lakas nya tapos kapag nagkamali ako, nasasalo nya. Kanina, tupa hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil si ate Izza na lang natira sa mga kakapitan ko tapos hindi pa kami nagbeblend huhuhuhu tapos pressured ako kasi sakin kukuha ng tono si Ate Angie tapos kailangan kong lakasan para marinig nya ko tapos kanina may part na kanta lang ako ng kanta dahil yung lyrics lang yung iniisip ko tapos yung tono hindi super analyzed habang kinakanta, tapos pinastop kaming lahat ni sir tapos sabi ni ate izza sharp na daw ako tapos shit talaga nasampal ako sa mukha ng katotohanan hahaha lalang tapos paulit ulit na sabi ni sir ‘disaster!’ chuchu tapos hindi ko na alam gagawin ko gusto ko ulit ulitin para makabawi ako pero duh bakit naman uulitin para sakin
Tapos nung nagquartet, lalang, ok lang. Super pangit ng over over over yung boses ko nung nakaupo kami kasi pabago bago yung placement ko plus ang dry pa ng lalamunan ko. As in nagbibreak talaga yung boses ko kakahanap sa placement. Buti na lang nung pinatayo kami nakaya kong magtino lalang kaso syempre irita pa din si sir kasi nalelate si andrea tapos basta ang hirap lang din
Napagalitan ako ni sir kanina ng as in sungit na sungit talaga kasi hinga ako ng hinga dun sa por que ku bae res tu chuchu. Ok mali ko talaga yon ok hindi lang din kasi ako ready kasi hindi ako relaxed habang kinakanta ko yon
May part sakin na feeling ko nagsimula don yung inis ni sir kasi pabara bara ako kumanta the whole time. Pero nagwala talaga sya ng over over nung nagtext si Cindy. Basta ganon maski ako nauurat din sa text nya. Hindi rason yung ‘bata kasi’, kasi to be honest di na bata si Cindy, alam nya na dapat kung anong tama at mali. Feeling ko sinabi nya yon kasi gusto nya lang magpakagalang, pero hindi nya naisip na iba yung dating non sa makakabasa. Hindi nya inisip yung ibig sabihin ng sinabi nya. At wait, feeling ko hindi nya lang talaga alam na may practice ngayon. I mean, siguro naman may hint sya kasi syempre every sunday naman talaga may practice, pero umabsent sya kasi may dahilan sya na wala namang naginform sa kanya. Parang ginawa nya last week. Hindi din sya nakaattend ng Sunday kasi absent sya nung previous rehearsal. Tapos nung sinabi ko na meron nung sunday, medyo surprised pa sya, tapos sabi nya hindi ko daw kasi sinabi sa kanya. Medyo nakakaurat din kasi obligasyon ko bang ipaalala sa kanya bawat bagay na sinabi sa choir dahil lang sa umabsent absent sya nung nakaraang rehearsal?!!?!~!@!#(@!^#(@! ok
Hindi ko alam kung bakit ganito ako magsalita ngayon hahahaha feeling ko nadala ako sa mga mood ng mga kachoir ko kanina. Ang daming pinagusapan syempre. Nangunguna si ju, kuya abs, ate joy tapos huhuhu lalang ang galing galing na nakakatakot din. Feeling ko ang dami kong natutunan kay ju at kuya abs hahahahaha. Tapos ang daming pinagsasabi ni Ju nakakaproud deep inside idk why as in tuloy tuloy pero ang smooth na parang scripted yung dating kasi sobrang galing nung pagkakasabi nya. Ganon din si Kuya Abs. Pero mas madami akong natutunan kay Kuya Abs, kasi tumpak lahat ng pinagsasabi nya.
Ang daming shinare ni ju tungkol sa sarili nya tapos kinukwento nya pa yung minsan medyo ayaw daw ng nanay nya na paattend-in sya pero umaattend pa din sya kasi gusto nya. Tapos natouched ako kasi ganon din ako hahahaha tipong inaaway ako ng buong pamilya namin at ikukwento pa nila yon sa mga tita ko in their point of view tapos syempre magmumukha akong walang kwenta pero tinitiis ko na lang kasi wala lang basta gusto ko lang nakakapagchoir ako tapos bala sila dyan lalang. Tapos sabi nya, ewan alam ko may sinabi pa sya tungkol sa sarili nya, tapos maya maya hinalintulad nya sa pangliligaw. Ano ba yan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! kakilig bolshet chos hahahahaha ok
Sabi nya, kapag may gusto daw syang isang bagay, kahit na sabihin ng nanay nya na bawal, hindi sya magaagree chuchu basta ewan mga ganon ganon. Parang katulad sa pangliligaw. (medyo echoes na lang yung narinig ko sa huli dahil kinikilig ako hehehehe) kapag daw may gusto kang babae basta parang ipupursue mong makuha sya chuchu.
Lalaki si Ju!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! tupa
Anyway, mali talaga yung ginagawa nung iba na absent lang ng absent kasi pinagbibigyan naman. Feeling ko effective pag mismong members yung pupuna, pero hindi naman yung sobrang papagalitan ka. Yung sinabi pa nga lang ni Kuya Abs na ‘pakapalan na lang ng mukha kung may aabsent pa o late ngayong week’, ang laking impact na sakin eh. Syempre tupa ang laking issue na nito ngayong start palang ng week tapos magagawa mo pa maginarte sa attendance mo. Wala lang.
Si Cindy, hindi talaga sya commited. I’m telling you. Kung sasabihin ko pa yung sinabi nya sakin dati (na may korea chuchu sila ng 2 months next year tapos hindi sya sure kung makakapagtour sya kasi if ever matuloy yon, korea yung pipiliin nya), feeling ko lalo syang mamomoro x10 kay sir. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob nyang magpakaganon. Parang kanina online sya eh. Kahapon nga feeling ko wala talaga sya sa makati eh. Nakita ko yung picture nila nila RJ tapos nasa bahay lang sila para daw gumawa ng project. Waht project!!!!!!!!!!!! first week palang wala pa ngang lessons
Or baka di ko lang nagets yung nakalagay sa comments idk
Si jester naman, hindi pa din sya ganon ka-mature eh. Kanina ba naman naga-ipad pa din sya kahit hot na hot na yung usapan. Tapos ngayon ngayon lang nag-GM sya na nagiguilty sya kasi hindi nya daw natext si joanna ng maayos kanina. I don’t get it.
Si Vigil, nadidiscourage lang sya. Pero ok lang kasi nagimprove naman sya since nung lumipat sya sa tenor, kahit papaano. Ang problema lang, tono talaga. Nagimprove yung volume nya pero yung tono, ewan di ko alam parang wala ding ibang nakakapansin ng improvement nya sa tono. Pero ok lang kaya nya yan basta pagtrabahuhan nya lang
Ako din to be honest medyo di ko nabibigay yung best ko these days pero ok kailangan ko talagang magfocus
Alam mo bang feel ko talaga yung sitwasyon ni Ate Judelle dahil naranasan ko na yan ilang beses sa tatay ko. Sabi nya pa nga pag daw hindi ko tinigil tong choir, titigil na ko sa pag-aaral eh as in hindi nya na ko gagastusan forever. Pero syempre ginapang ko pa din ang aking choir life hahahahahaha hindi naman ganon katigas puso ng magulang mo para pagtigilin ka sa kung anong nagpapasaya sayo
Kanina tinanong kami kung minumura din ba kami sa II tapos nagnod ako tapos nagulat ako tinignan ako ni Ju nung nagnod ako tapos pagtingin ko sa kanya nagkatinginan kami buwaha oko asjdpajsdasdhoas ok ok ok lang talaga
Pero wala lang medyo nakakatakot lang kasi baka akala nya hayok akong magnod kasi deep inside sinasabi ko sa kanila na normal thing lang para samin yung dinadamdam nila. Pero hindi talaga ano ba kayo hahaha para samin kahit ang dami na naming natikman na putangina kay sir, hindi pa din non matutumbasan yung feels pag sa IA nya kami minura. Matagal ko na to sinasabi kay vigil eh hahaha kahit kasi hindi ka murahin sa IA, makita mo lang yung disappointed look ni sir bugbog na yung feeling sa heart eh. Sapul na sapul.
Wait bye magbabalot lang me notebooks
"Ako kasi, matigas yung ulo ko eh. Kapag may gusto akong bagay, tapos sasabihin ng nanay ko na bawal, hindi ako basta basta aagree sa ganon. Maski ako may times na medyo ayaw ng nanay ko na umattend, pero di ko basta sasabihin na ‘kuya tan hindi po ako makakapunta kasi di pumayag yung nanay ko’. Hahanap talaga ako ng paraan para makaattend. Parang ano lang yan eh.. pangliligaw. Kung gusto mo yung tao tapos *echoes*"
No comments:
Post a Comment