Monday, April 2, 2012

My favorite place.

Say hello to my cabinet. Hahaha. Eto nga pala ang pinakamahiwagang parte ng bahay namin. Charaught. Pero ito talaga ang favorite place ko kasi eto lang naman ang pinakamalaki kong pagmamay-ari sa buhay ko. Naks ansaveh? Meron pa yang kabila, pero mas favorite ko tong side na to. Ajejeje.
  1. The first part of this side is yung mga pantalon kong hindi ginagamit. Korni kasi to eh, gusto kong ipamigay pero ayaw ni Mommy. Yan tuloy nakukulangan ako sa space. Wala lang, share hahahaha.
  2. Yung nirecycle kong lata. Lalagyanan ng mga accessories ko like bracelets, beads, rings, watch, ek ek. Medyo sabog to kasi feel na feel ko magdagdag ng mga burloloyz na hindi ko naman gagamitin. Wala lang, masabi lang na madaming accessories HAHAHAHA. (One of my favorites)
  3. Colognes. Yung iba kong perfume nasa isa pang cabinet (lalagyanan ng lahat ng pabango namin) pero pinili kong ilagay dito yung pinakadabest na colognes ko. Hulaan nyo kung bakit. HAHAHAHAHAHA kasi, bigay to ni Jerome. OMGGG :"> De, kasi christmas party non eh sakto sya yung nakabunot sakin. Actually hindi talaga sya eh, si Kerby. Eh sabi ni Kerby nastress daw sya kung ano ibibigay nya sakin kaya hiningi na lang ni Jerome WAHAHAHAHAHA. IDK kung hiningi nya o binigay talaga sa kanya. Kakabwisit nga eh, kung alam ko lang na sya yung makakabunot, edi sana di ko na inartihan yung nilagay ko sa wishlist at di ko na sya inabala pumunta sa bench -_- Iiih kakakilig.
  4. Picture ng aking ex-best friend. Hehehehe. Si Vanessa. Sya yung paasang lechugas na best friend ko na nafall sa aking crush at sinagot ito kahit alam nyang masasaktan ako at nakaaway ko ng isang libong taon at nakipagbati sakin at nakaaway at nakipagbati at nakaaway at nagpaawa sa mga kaklase ko para lang masabing mabait sya. Pero ayos lang, edi lamunin nya yung  crush kong yon. Pangit pangit nun eh.
  5. Dino Imperial. Crush ko nung Grade 6. K. Hahahaha
  6. Best friend ko simula Grade 5. Mabait to, si Joy. Dancer, cute, maasahan, comforting, tumatalinaw este tumatalino sa kanyang bagong school, mahal ako. Hahahaha. Best friends kami pero hindi ko alam kung totoo ba talaga kasi hindi na kami masyadong close. Magkaiba kasi kami ng school ngayong highschool. Pero alam namin sa isa't isang best friends kami. Love love love diba? :)
  7. DSPC memories. Isa sa best achievements and best memories ng buhay ko. Feature writer kasi ako non, and for the first time kong sumulat. Sobrang daming memories, sobrang dami kong natutunan sa buhay. Pero di ako nakasama sa RSPC. 13th place lang kasi ako nung Division. Eh shet ba naman kasi yung sulat ko dun eh, nagmamadali -_- Ang vovo ko! Pero ayos lang, I experienced my first super duper mega disappointment and lost. Pero ayos lang hehehe.
  8. VI-Love. Ang da best classmates ko. Nung grade 6 lang kasi ako napunta sa star section, at first akala ko isa yung malaking regret pero sa huli I realized they're the best. True and lifetime friends. Hehehehehe.
  9. Mga kaekekan ko lang. Scrapbook stickers. Wala lang. Hehe.
  10. Daniel Radcliffe/Harry Potter. You know how much I love Harry Potter diba? Crush ko talaga yan. Hihihihi. Tsaka dabest movie ang Harry Potter. (Sa kabilang pinto ng cabinet ko, merong mga poster ni Daniel :"> Sya lang. Kasi puro sya lang yung nakalagay sa mga poster sa magazine eh -_-)
  11. Scratch board. Pang testing lang sa mga ballpen ko na matatagpuan sa #22
  12. Dash ID. Ito yung binigay sa retreat namin sa Iba, Zambales. Maganda don! Yun yung pinakamatinong retreat ko sa buong buhay ko. Hahahaha. Madami akong natutunan. O:)
  13. To-do List. Kaek-ekan ko lang. Nagamit ko lang sya last summer pero hindi na ako ulit nag sulat dyan kasi di ko din naman nasusunod hehehe.
  14. First love letter na natanggap ko mula kay Jerome. HAHAHAHAHAHA de joke lang, mula to kay Vanessa. Mga kadramahan nyang hindi naman totoo. Actually yung laman nyan puro quotes lang. HAHAHA akala nya maiisahan nya ako ha. 
  15. Name tag ko sa pinakamatinong seminar na dinaluhan ko. Para yun sa mga clubs. Feel na feel ko yung sinabi ng guest speaker non. Tsaka yung feeling na tinabihan ako ng heart throb sa school namin. DABEST.
  16. Oops hindi na nakita. Yun yung sabitan ko ng mga favorite ko: long necklaces. Tapos ang wi-weird ng mga pendant. De joke lang, vintage kasi. I love vintage kaya. :)
  17. Music and Lyrics. Gusto ko lang gayahin yung ate ko noon. Pero hindi ko din naman to binabasa. Yung mga piniprint ko kasi na kanta, matagal ko nang kabisado. HEHEHEHEHE.
  18. DVD. Pirated yang lahat. Kinolekta ko yan nung mga panahon na hindi pa ako marunong magdownload. Punyeta naman kasi, sayang lang yung 11-15 pesos ko na pinambabayad sa Quiapo. Hindi ko pa maintindihan kasi walang subtitle. I were not really this fluence in english you known?
  19. Picture ng mahahalagang tao sa buhay ko. Oops wala si Cj, hehehe. Next time na ako magpapaprint ng picture namin ^_^ Nakakatamad pa eh.
  20. Magazine, mostly Candy. Dabest kasi itong magazine na ito. Sabi ng ate ko bakit ko daw ba yon kinokolekta. Ang sagot ko, kasi gusto ko tignan yung horoscope sa likod (which is half-true). Pero ang totoo, kailangan ko lang maghanap ng love advices and (para hindi masabing malandi) styles na din :)
  21. Books. Mostly Bob Ong's . Collection ko kasi yung libro nya. Yung iba naman, nahanap ko lang sa ate ko. Hehehehe. Masabing book-worm. (I love books. Pero yung mga books lang na hindi mahirap intindihin. Isa lang ang novelang binabasa ko na pinipilit kong intindihin: Harry Potter)
  22. Lalagyanan ng mga art materials ko. HEHEHEHE uma-art ha. Like ballpens (mostly walang tinta), pencil, gunting, ruler, eklabu.
  23. Ang mga luma kong damit na gusto kong ipamigay pero ayaw ni mommy kasi ayon sa kanya, ang mga tinatanggap lang for donations ay mga branded clothes, hindi tinatanggap yung mga galing sa ukay-ukay. Okay. Salot lang naman kasi ito sa cabinet ko eh, huhuhu.
    Sa may bandang baba nito, andoon ang banko ko. Ang music box na binili sakin ni daddy pati yung mga box ng ferrero na pinaglalagyan ko ng maneeh. K share ko lang, kunwari mayaman ako.
  24. Yung nirecycle kong container ng Magic Cream ni mommy. Hahahaha, masabi lang na eco-friendly ako. Di ko talaga alam kung anong ilalagay ko dito, pero one day naisipan kong pagtambakan ng mga baryang nakikita ko sa bulsa ko kasi nakakatamad ilagay sa banko kaya ayun. K, dinagdag ko lang itong number na ito para maging 24.

No comments:

Post a Comment