First subject namin. Social. Wala si Cj, nasa Singapore. Tawa ng tawa si Pam at Genevieve. Tinignan ko kung ano pinapanood nila. Kpop. Inulit nila para ipapanood sakin. Lalaking ayaw papuntahin sa harap, mga gwapong lalaki na nasa gilid pati ibaba, lalaking mukhang wild na hayok kumanta pati sumayaw. Natawa ako. Tinanong ko kung ano pangalan nila. Natawa ako kay Kai. Natawa ako sa mga kaepalan ng exo. Jinajudge ko sila as if ang tagal ko nang ‘exotic’ at sayang saya na ko don.
Napagalaman ko na sila pala yung kumanta ng MAMA, na akala ko kinanta ng suju or ng ibang group. Pinanood nila sakin isa isa yung mga video ng exo. Nung una naghahanap lang ako ng pinakanagagwapuhan ako, para kung sakaling magustuhan ko sila, may bias ako. Una sa listahan ko si Kai kasi nakakatawa talaga sya sa ktv. Gusto ko yung confidence ni Chen pero naisip ko na parang ayoko sa kanya kasi feeling ko ang galing galing nya tsaka madaming nagkakagusto sa kanya kasi ang galing nya makisama tsaka isa sya sa mga leader chuchu sa exo. Nagwapuhan ako kay Suho at Sehun [na napagkamalan kong isa lang kasi medyo magkamukha sila sa mv], muntik ko nang sabihin na isa sa kanila pinakagusto ko kaso si Sehun, bias na ni Gen. Si Suho, parang may kulang. Natutuwa ako kay D.O kasi may unique side sya, gusto ko sana sya pero pinipigilan ko lang kasi gusto sya ni Pam pati ni Gen, though hindi nila sya bias. Pero kahit na naghahanap ako, hindi ko pa din sila magustuhan ng sobra. Ang tagal ko ding makabisado mukha nila. Para sakin pa nga non, kamukha ni Chen si gumiho sa MGIAG. Nagedit pa ko ng picture nilang dalawa tapos nilagay ko sa twitter. Feeling ko din kamukha ni Sanchez si Lay. Kamukha ni Jeremy si Sehun. Ang gwapo ni Luhan at Baek. Nasusosyalan ako kay Kris. Muntik ko na din syang maging bias. Alam ko may araw na sabi ko gusto ko si Kris. Sabi pa nga ni gen parehas kami ni Kris Cabading ng mga type eh, parehas kami ng gusto. Pero sa loob loob ko, hindi ko pa din gusto si Kris. Nagkakainteres lang ako sa kanila. Hindi pa ko dumadating sa point na kikilalanin ko sila isa isa, aalamin ko mga facts nila, magfafollow chuchu ako ng mga fans nila para sa news tsaka updates. Natutuwa lang ako sa kanila in slightest of ways. Pero syempre, habang tumatagal, palaki ng palaki yung interes ko sa kanila kasi pano nga ba naman ako mawawalan ng pake kung yung mga friends ko sa school, walang ibang ginawa kundi makinig at manood ng mv ng exo.
Hindi ko na matandaan kung nagkabias na ba ako or hindi pa bago dumating si Cj. Alam ko matagal kong pinagdesisyonan bias ko sa Exo eh. Sa K, si Kai o kaya si Suho. Sa M, si Tao, si Kris, si Luhan, si Chen. Hinahanap ko kung sino yung pinakaperfect kasi ayaw kong magsisi balang araw. Hanggang sa umonti ng umonti yung choices ko. Naging si Chen, Kai at Tao na lang. Si Chen, kasi ang cute nya, lalo na nung napanood ko yung cut nya sa sina interview ata, basta yung may parang charades tapos inact nila yung i love you tapos kilig na kilig ako kasi ang cute. Tsaka ang balanced nya lang, hindi masyadong high pero hindi bagsak sa standards. Si Tao, ewan, nagwapuhan ako ng over sa picture nya sa airport sa thailand ata na nakashades tapos basta. Si Kai, gusto ko sya pero natrauma ako noon kasi nung kinausap nila Thalia sila Pam tapos kasama ako, tinanong nila kung sino sino bias namin. Sabi nila Gen si Kai daw bias ko tapos tumawa sila. Hindi ko alam kung bakit, parang nahiya ako kasi baka natutuwa ako kay Kai pero ang pangit pala i-bias ni Kai tapos baka mali ako ng desisyon baka sabihin nila ang pangit ng taste ko. Kaya sabi ko sa sarili ko, gusto ko madaming fans yung pipiliin ko para malaman kong tama yung desisyon ko, para maassure na likeable yung member na pipiliin ko. Isang araw, nung nasa nueno kami para sa isang event, tumambay lang kami sa canteen nila Gen. Tinanong ko sila kung sino ba may pinakaonting fans sa exo. Hindi nila alam kung sino. Tinanong ko kung madami bang fans si Chen. Sabi nila madami. Si Tao, unti unti nang nakukuha ni Pam. Kaya sabi ko si Chen na lang.
Hindi pa ko seryoso kay Chen non. Pero sya yung pinili ko sa exo. Hindi ko pa sya kilala kaya ayokong magustuhan sya ng sobra. Unti unti akong nanood ng videos ng exo sa youtube. Interviews, Happy Camp, Pre-debuts. Bumalik si Cj. Nagaway kami. Nagbati kami. Pinakilala namin sa kanya ang exo. Exo-M din bias nya. Kaya nagkaroon ako ng chance para ilessen yung panonood ng exo K at tumutok sa mga videos ng exo M. Nagustuhan ko yung M more than K. Nakilala ko sila ng much better. De basta yon nakakatamad na ilagay yung details. Basta naging bias ko lalo si Chen.
Pero ang tagal kong magustuhan si Chen, yung as in fall talaga. Gusto ko lang sya, pero hindi yung as fan na fan na fan. Siguro kasi naninibago ako sa kpop, or sanay lang ako na hindi umasa sa mga artists na almost-perfect kaya hindi lumalala yung feelings ko. May crush din kasi ako sa room. Kaya may mga oras na parang ayaw ko na maging exotic, may mga times na sasabihin ko exotic ako. May mga times na matagal ko silang magugustuhan pero biglang magiistop kasi minsan sa sobrang paulit ulit nakakasawa na magspazz.
Nakakatamad ikwento lahat. Uumpisahan ko na lang ulit yung post at kung ano yung gusto kong sabihin dito: masaya ako kasi hindi ako na-fall agad kay Chen. Ayokong ma-in love agad sa’yo, dahil ayaw kong gayahin yung ibang fans na halos ialay buhay nila sa idols nila kahit ang bata bata pa, tapos habang lumalaki’t nakakakilala ng bagong tao, magsasawa sa dating bias at ayun nga, imbis na ‘bias’, dating bias na. Ayokong magsawa sayo. Gusto muna kitang kilalanin.
Dati, feeling ko nagustuhan ko lang yung thought mo. Nagustuhan ko yung kung anong iniisip ko na ikaw. Nagustuhan ko yung thought at yung feeling kapag nakita kita, kapag naging tayo. Pero nung nagcomeback, nagustuhan kita lalo. Dun siguro nagsimula yung pagkakagusto ko sayo ng sobra sobra, palala ng palala kada araw. Tipong maagang maaga ako gumigising para habang nagluluto ng pagkain at naghihintay sa takure, napapanood kita sa computer. Inaabangan ko lahat ng performance nyo. As in nagustuhan talaga kita ng sobra. Ikaw palagi kong iniisip. Ikaw bukambibig ko, at sa bawat sinasabi ko may feeling talaga. Hanggang sa nasasaktan ako. Hindi mo ko gusto, hindi mo ko magugustuhan. Pero sa puso ko ikaw lang. At ang unfair non. Bumalik na naman sa dati. Bias kita’t mahal na mahal, pero minsan biglang masasaktan at titigil, tapos sunod na araw gustong gusto na naman. Nahihirapan ako. Pero isa lang naiisip ko sa bawat problema - kahit na nahihirapan ako, hindi ko pa din kakalimutan yung dahilan kung bakit kumapit ako ng ganito katagal. Mismong si Chen, pati yung feelings na binibigay nya sakin. Yung mga aral. Yung mga realizations ko sa buhay, yung fact na marunong na ko mangarap at magpahalaga sa mga bagay bagay. Natutunan ko din na mahalaga palagi ang pagsisikap sa lahat ng bagay, lalo na kung gusto mo tong makuha. Naging inspirasyon sya sakin. Naging dahilan sya para hindi ako gumive up sa mga bagay bagay ng ganon kadali. Kung bakit kaya kong iface yung mga fears ko, kung pano ako nagkakaroon ng lakas ng loob.
At minsan kahit mahirap, hindi ko pa din magive up give up si Chen. At proud ako don, seriously.
No comments:
Post a Comment