Don't let your happiness depend on something you may lose.
Umiiyak na naman ako patago kanina. As in dumating na naman sa point na pumunta ako sa c.r para makaalis lang sa room na yon, para pakalmahin yung sarili ko, para umiyak kung kailangan kong umiyak nang walang ibang makakakita. Pero hindi naman ako umiyak sa C.R. As in kapag nasa room lang talaga na yon ako nadedepress. Iba kasi atmosphere don sa room. Ayon.
Naisip ko din na wala namang nakakaappreciate sakin kasi ang pangit ko. Tinitignan ko sila Aldrin at Madz. Iniisip ko na buti pa yung ibang magagandang babae, palagi silang may isang taong hinding hindi magsasawa sa kanila, kahit na ganon lang ugali nila. Naisip ko na wala talaga, kahit itry ko yung best ko para makisama, walang nakakaappreciate sakin. Walang nakakapansin na nageeffort ako, na nagaadjust ako, na sa kanila ko lang to ginagawa.
Paiyak na din ako kanina kasi iniisip ko si Chen. Ang layo ni Chen. Sa sitwasyon na to, hindi ko sya mahanap, kasi hindi naman pwede. Iniisip ko na kung andito si Chen, siguro iba yung mga bagay. Kung mahal ako ni Chen, kahit na wala na yung taal, ok lang. Buo pa din ako. Kasi may tao namang hindi ako iiwan e, may taong mamahalin ako at mamahalin ko din at never kong maiisip na alone ako. Hindi ko na kailangang magwaste ng time kakaimpress ng tao na hindi naman ako naaappreciate. Pero the thing is, wala sya. Hindi nageexist yung taong hinahanap hanap ko sa paligid ko.
Shinuffle ko yung playlist ko at sinabi ko sa isip ko na kung ano yung sunod na kanta ay nagsisymbolize sa sarili ko. Lonely ng 2ne1. Yung sunod, may kinalaman kay Chen. Pero hindi ko alam kung kay Chen ba o sa isang tao sa room na winiwish ko na nakakapansin sa nafifeel ko ngayon (sya din ata yung nakapansin nung last time na umiyak ako ng patago, tho im not sure). Siguro parehas. Kasi yung sumunod, Hate To See Your Heart Break ng Paramore. Tapos yung sumunod, nothing lasts forever. Hindi ko maintindihan kung bakit. Inisip ko na siguro, if nothing lasts forever, ibig sabihin maski itong bad vibes na to, mawawala din someday. Siguro pati ang taal maglalaho din. Kaya ninext ko na. Sabi ko, yung sunod yung sinasabi sakin ni Chen ngayon. My Lady.
Mahilig ako sa ganon. Medyo gumaan yung pakiramdam ko pero maya maya bumalik na naman. Super hinahanap ko sila Gen, nagwiwish ako na sana isave nila ako, pumunta sila sa room at kunin ako. Gusto ko silang kasama. Ayoko na sa taal. Pero di naman sila pumunta, hindi ko din sila mahanap kahit paulit ulit akong lumalabas ng room. Pero ok lang. Nung mga oras naman na malapit na magAfrica, nakita ko sila tapos sumama na ko sa kanila. Kinwento ko sa kanila lahat. Namiss ko sila dahil don. At kung gaano ko sila ka-kailangan at ka-mahal, something na hindi ko mafeel feel sa mga taong araw araw kong nakakasama sa school. Sabi pa nga nila, “Bakit ganon yang mga yan? Kami ngang mga kaibigan mo hindi ka namin ginaganyan eh.”. Sa lahat ng tao sila lang yung nakakaappreciate sakin. Sila lang yung taong nakakaintindi sakin kahit hindi ko na ikwento. Sila lang yung nakakapansin ng mga small details, nakakapagpalabas ng totoong sarili ko, nakakaappreciate ng mga bagay na akala ko ang pangit sakin. Sila lang yung tumatawag saking maknae, sinasabi na mukha daw akong bata kapag nakaipit, super cute at ewan hahaha maganda ew. Pero pag sila nagsasabi super naaappreciate ko talaga. Feeling ko ang loved ko. Ayon.
Thankful pa din ako kasi kahit ang tutupangina ng ibang tao sa buhay ko, may konti pa ding nagiistay at totoo. At never ko silang iiwan. Really.
Kanina sa Mcdo, naglakas loob akong sabihin na yung susunod na kanta sa We Are Never Getting Back Together ni Taylor Swift, para samin ni Chen. Tapos ang sumunod, Home ni Phillip Phillips. At feeling ko may something talaga yon. Kasi ewan ko kung kailan ba yon, feeling ko kanina. Naisip ko na si Chen, of all people, yung macoconsider ko as home. Someone na palagi kong babalik-balikan. Sabi ko nga sa tweet ko kahapon, kahit anong kaekekan mang mangyari, babalik at babalik pa din ako kay Chen.
Settle down, it'll all be clear Don't pay no mind to the demons They fill you with fear The trouble it might drag you down If you get lost, you can always be found Just know you’re not alone Cause I’m going to make this place your home
Yan din yung sinabi mo Chen nung dkfc eh. “Laging isiping may makakasama”. Tama ka. Kahit na sa oras na to feeling ko magisa ako, at kahit wala ka sa mga araw na to, kailangan kong isipin na ang dami ko pang natitira sa buhay ko. Andyan pa si God, ang dwegsters, at yung mga pangarap ko. Magkikita pa tayo. Ayokong magfret masyado sa mga bagay na hindi din naman magmamatter after 2 years. At yung mga nagdadown sakin? Wala, mga demons lang yon. Kailangan kong sundan yung right way. I will always smile, because I know you will like it that way. I will always smile, because I deserve to be happy.
Thanks. I love you bby.
No comments:
Post a Comment