Saturday, September 14, 2013


Ayoko pa magboypren boypren chuchu. Maski MU MU ew. Char. Kala mo ang ganda eh no. De. Ewan. Feeling ko super super super bata ko pa para sa ganyan. Kahit naman love na love ko si chen tinatamad pa ko magboypren eh. Ewan. Feeling ko ang saya kapag may love akong tao pero hindi ko sya boypren, I mean, ang saya talaga non. Para sa ibang tao ang painful ng ganon, pero para sakin masaya na ako don. Masarap magkaroon ng inspiration okay. Masarap magkaroon ng rason para maging masaya. Hindi naman porket gusto mo yung isang tao, kailangan kayo agad. 
Gusto ko magboypren kapag meron na kong nafeel na karapat dapat, tsaka nasa timing, nasa magandang situation. Ayoko kasi isabay sa school days ko. Gusto ko pa hanapin ang sarili ko. Char. Basta.
Ang bata ko pa. Mukha na kong 31 pero pramis ang bata ko pa.
This week has been really, really stressful. Depressing, it also was. I hate the fact that September came up with a terrible news, which is not winning for something you expected in weeks. I hate the fact that I have a great book lost and still not found, including that stupid, depressing notebook in Social that is terribly needed for clearance. I hate the fact that dwegsters is not okay… or maybe it is only me who suffers the pain. I hate feeling alone, unappreciated, an outcast. That feeling when people are only asking for you when they need you. When people are looking down on you, as if you are the muddy ground they’re playfully standing at. I’m sick of being not enough. The one who tried but never got on top. The one who smiled but felt ignored. 
I don’t want these things. But I have to take these.
God, be with me. Don’t leave me.
Ok lang sakin na makilala ako ni Chen. Actually hindi lang okay eh, sobra sobra sobra sobra sobrang (more than sobra pa) na okay. Medyo pangarap ko nga yon, kaso hindi ko alam kung tama ba syang pangarapin. Ewan. Sa oras na to mas hinahangad kong makilala ako ni Chen, o magkakilala kami. Gusto ko nga syang maging kaibigan eh, gusto ko syang maging best friend. Kasi feeling ko magkakasundo kami. Hindi man kami magkatuluyan balang araw, magpapasalamat pa din ako ng limpak limpak kay Lord kasi tinupad nya yung pangarap kong makilala si Chen. 
Ayoko munang maging kami ni Chen. Hindi sa pahard to get okay. Hindi sa feeling pretty. Kahit na sinasabi ko minsan na boypren ko si chen, joke lang talaga yon. Hindi pa ko ready me haehaehahehehhehe ang landi. De. Ewan. Gusto ko munang kilalanin si Chen. Hindi lang naman kasi puro looks, talents, ‘known’ personality yung hinahanap ko eh. Gusto ko din naman ng loyal, yung para sakin talaga, yung mamahalin ako. Malay mo hindi pala nya trip yung mga trip ko, malay mo mahirapan kami sa isa’t isa. Mamahalin ko pa din sya kung ganon pero hindi ko ipagpipilitan sarili ko sa taong hindi ako mahal. Naks naman.
Hindi ko maintindihan talaga yung mga tao ngayon, yung mga babae. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon sila lumandi. Although iba iba naman tayo ng style sa paglandi. Meron pa din talagang mga taong nakakaimbyerna pagdating sa kalandian.
Isa ka na don at yang feeling cute mong mukha. Hindi yun joke. Seryoso ako don.

(September 9, 2013 - late post)

At sa tingin ko isa sa mga highlight ng araw na ‘to eh yung zipline. Seriously, takot talaga ako sa heights okay. Paakyat pa lang kinakabahan na ko kasi parang walang katapusan yung stairs. Chura ko nga non eh, hindi ko alam na nakikita nga pala ako sa baba. Pero yaan mo sila dyan. 
Masarap lang yung feeling ng zipline. Pero mas masarap, yung maiisip mo na sana sa sarap na nafifeel mong yon, kasama mo yung taong hinahanap hanap mo. Naks. Basta. Parang nag slow-mo buong mundo ko, at hindi ko alam kung bakit. Ang sarap lang kasi ng hangin. Ang sarap ni sehun chos ew. De, ang sarap ng feeling na ang laya mo. Walang stress, enjoy lang.
At sa mga oras na yon, napasabi ako ng mataimtim, as softly as I could,
I love you, Chen
At hindi yon pasigaw. Binulong ko lang sa hangin, sa lubid, sa mga diwatang maaring nanonood sakin habang naglalandi sa kawalan, sa sarili ko - at sa buong mundo, kahit na bulong lang yon. At siguro, sa lahat ng I love you na nasabi ko para kay Chen, yon yung pinakasincere. Hindi ako sincere kapag nagi-I love you ako kay Chen ng pasigaw, dahil chura bakit pasigaw. Ginagawa ko yon hindi dahil sa mahal ko si Chen, pero para lang ipaalam sa madaming tao na mahal ko sya - at may malaking pagkakaiba sa dalawang binanggit ko. 
Ang sarap magblog. Hay.
Pero masakit din minsan sa ilalim ng dibdib kapag feeling mo walang nakakaappreciate sa’yo. Okay. Alam kong ang papansin ng dating nito, pero lahat naman siguro tayo once in a while gustong masabihan ng magagandang bagay. Actually, gusto nating magandahan satin yung ibang to, kahit sa ibang paraan.
Pero wala. 
Naisip ko lang na… wala namang nagkakagusto sa isang tao na mabait pero pangit hindi ba? Maganda pero malandi, madami. Maganda pero bobo, pwede pa. Maganda pero masama ugali, may iilan. Pero yung mabait pero pangit? Matalino pero mukhang ulo ulo? May nakakapansin ba kung gaano ka ka-tatag sa mga bagay bagay? Kung panong lahat ng babae, umiiyak segu-segundo para sa maliliit na bagay pero ikaw lang yung bukod tanging hindi nila nakikitang umiiyak kahit nasasaktan ka? Kung pano mo nagugustuhan ang mga simpleng bagay at simpleng lugar ng walang kaarte arte, at kahit alam mong ang loser mo tignan sa bagay na yon, ginugusto mo pa din kasi masaya ka don? Na hindi ka humihingi ng kahit anong materyal na bagay para lang maging spesyal sayo yung tao? 
May makakaalala kayang pumansin ng mga bagay na yon kahit wala ka nung sinasabi nilang ‘kaakit akit na kagandahan’ na meron ang iba? 
Ano daw. 
Bakit ba ko ganito.
Pagod lang ang dami nang pinagsasabe.
And maybe they are now looking down at me because they think I’m just some lazy, always-late student who never give a shit on her grades. Maybe they are getting disappointed with their wrong decision of voting me as their class president. Maybe they think I’m not someone who they should keep their eyes on.
Just because I always say ‘ano daw di ko nagets english kasi’ doesn’t mean it’s true. Same goes whenever they ask me if I have already studied for the exams and I say “HINDI PA O.O”. Or the fact that I always say “di pa, tinatamad ako” with almost everything in my life. I just don’t like disappointing people. I don’t want them to look up to me but end up turning their backs away because I failed. 
But that doesn’t mean they should already take me for granted.
Because sometimes, it hurts too.