Sunday, January 29, 2012

Masakit pala yung ganoon.

This would be one of my greatest secret ever: I sometimes open my number 1 BFF's facebook account to see their conversations with our schoolmates. Selosa kasi ako. Madamot ako pagdating sa kaibigan. I make sure na hindi ako mapapalitan ng kung sino sino lang. We are known for being best "bestfriends" on 1st year kasi kahit anong manyari, kami lagi magkasama, tsaka we treat each other like bubble gums, sisters. Anyways, I checked their (her and her "uh-nee"/alina) convo some time and I discovered her crush! Which is never nyang sinabi sa akin. At first nalungkot ako kasi I thought, she doesn't trust me like I trust her for my entire life. Never nyang sinabi sa akin, AKO na best friend nya since Grade 3. Sinabi nya kay Alina na naging katext lang nya several days ago. Sa lahat ng oras na magkasama kami, all I ever knew is wala syang crush. Syempre sobrang nalungkot ako non. Pero I always keep this in my mind : kasalanan ko din naman tong pain na ito kasi pinili kong pakialaman yung account nya eh. Tsaka choice nya naman yun kung hindi sabihin sa akin eh. She's my BFF after all. And this thing won't end our friendship.
Kanina, viniew ko naman yung convo nila nung crush nya. They had 5000 pages of messages! While 1000 lang yung sa amin! Pero ayos lang, kinilig din naman ako kasi ang sweet nila kahit papaano. And then, binasa ko yun lahat. Hindi ko lang matanggap yung nabasa ko sa middle, it was on October 2011. When we were creating so much happy memories and enjoy ourselves with each other. My best friend asked him who are his Top 3 bestfriends. He answered, Nell, Taks and my best friend. Well, I don't really believe that kasi syempre, hindi naman pwedeng hindi isali si best friend ko kasi tinuturing na best friend ni best friend ko si crush nya. And then when he asked her back, she answered, "UNA, SI GOD. SUNOD, YUNG BFF KO SA CHURCH. PANGATLO, IKAW." Nagulat ako. Sobra. Wala ako? Samantalang tinuturing nya akong BFF for ages? Samantalang sya ang naging first BFF ko and for all this time, sya pa din ang pinipili kong best friend? Ganon din naman yung sinasabi nya sa akin eh. She loves me because Im her BFF. Pero kapag pala kausap nya yung crush nya, Im her ordinary friend na lang? Napalitan na pala ako ng crush nya? WOW HA, nakakalungkot lang.

Wednesday, January 25, 2012

Mahirap kapag madaming best friend yung best friend mo.

Samantalang sya lang naman yung nagiisang best friend mo. Yung feeling na parang nakikibest friend ka lang. Yung parang akala mo ikaw lang special sa kanya, yun pala ganon sya sa lahat ng tao. Yung parang nagiging codename na lang yung "best friend" sa inyong dalawa. Nakakainis yung ganon. Hay.

Thursday, January 19, 2012

Friday The 13th 2012

Naglalakad ako sa subdivision namin, gabi na non. Natatakot takot pa ko ng onti pero syempre iniisip ko na lang na nasa isang Harry Potter movie ako at any minute na may isang Death Eater na susulpot eh ready na ready akong sabihin ang “Avada Kedavra!”. Bigla kong naisip na dumaan sa street nila Mikko, kasi mas maliwanag doon tsaka ang gaganda ng bahay tsaka baka masilip ko si Mikko sa bahay nila ng hindi nya alam! HAHAHA. Kaso, malayo pa lang may nakikita na kong parang babae sa harap ng bahay nila! Hala baka mahalata ako! Tapos palapit ako ng palapit, lalaki pala yon! Nung sobrang lapit ko na, TATAY NI MIKKO YON kausap yung nanay nya! Sabi nya, “Ui taga-II pala to oh. Neng, SCIENCE ka?” Sabi ko, “Hindi,

Math.

business po.” Pero syempre naglalakad pa ako non kasi pag nagstop ako sa tapat nila, makikita ako ni Mikko! Anak ng leopard naman kasi, open na open yung bahay nila. Nakikita ko pa sila nila Kimbo tsaka nila Kyle sa loob! HAHAHAHA. Tapos nung medyo nakalagpas na ako, tinawag ako ule. Sabi, “Ay neng, 2nd year ka na ba?” sabi ko, “Ay hindi po, 1st year lang po.” Sabi nya, “Ay, akala ko kasi magkaklase kayo nung anak ko.”


Ako naman tumatakbo na medyo tapos hindi makahinga tapos kilig na kilig. GRABEEE! Destiny! WAHIHIHIHI!

Best friends

May mga taong kakakilala palang sayo tapos nakausap mo ng matagal, best friend na ang tawag sayo. Yung iba naman, porket katabi mo lang sa klase at close kayo, best friend na din ang tawag sayo. Minsan naiinis ako pag ganon, lalo na kapag may best friend na agad yung kaibigan ko kahit mas kilala ko pa sya kesa doon sa sinasabing best friend nya. Para sa akin, bago mo masabing best friend mo ang isang tao, kilalanin mo muna sya ng lubusan. Yung as in pati kulay ng favorite underwear nya, alam mo. O yung favorite ulam nya, kung ano yung mga gusto nya. Kung ano sya kapag nagagalit, kapag masaya, kapag malungkot. Kung ano nagpapaiyak sa kanya, nagpapatawa.


Para sakin, ang best friend din yung taong hinding hindi ka pinagsasawaan kausap o kasama kahit yung iba tinatamad na sayo. It’s the one who accepts you no matter who you are and believes in you deeply. Yung palaging nandyaan kapag kailangan mo ng kasama. Yung sasamahan ka o dadamayan ka sa lahat ng challenges na bumibisita sa buhay mo. Best friend isn’t just a word. It’s the one who will take your world upside down.

First traumatic event.

Kanina kasi nag-papractice kami para bukas. No choice na, sa plaza na kami nagpractice kasi sayang sa oras tsaka rush na masyado. So ayun, tawanan pa kami ng tawanan kasi nga ang saya lang. Haha. May napapansin kaming parang bata na nakadilaw, nadaan sa harap ng mga bag namin. Pero di namin pinapansin kasi akala nga namin, bata na naglalaro lang. Pabalik-balik sya pero di namin pinapansin kasi busy kami.


Madilim na non, mga 6:30. Pauwi na kami, pinaguusapan na lang namin yung tungkol sa costume para bukas. Tawanan pa kami ni Mika non kasi trying hard namin mag-dougie. Maya-maya, sumigaw na yung kaklase ko. “Huy huy! Magnanakaw!”
Nagulat ako kasi tumatakbo na yung batang nakadilaw, may hawak na bag. Na-snatchan kami ng bag. Hindi ako makagalaw kasi tinitignan ko kung kaninong bag yon, natatakot ako kasi akala ko akin. Yun pala kay Mika. Pagtingin ko kay Mika, natawa pa sya kasi nakikitili lang sila kahit hindi nila alam kung anong nanyayari. Nagulat sya kasi nanakaw bag nya. Tinry naming habulin nila Ivan kaso hindi na namin makita kasi madilim na. Sabi nung mga tao, sumakaw daw sa motor. May kasabwat. 
Nandoon yung cellphone, wallet, costume (Php400) tapos ibang notebooks or papers na importante. Walang natira sa kanya ni isa. Nireport namin sa police station, kung saan harap lang ng pinangyarihan. (Lakas ng loob ng mga snatcher diba?) Sabi nila matagal na yung wanted. Kung mahuhuli daw yon, baka abutin pa ng 2 days or more. Buti na lang walang nasugatan sa amin or napahamak man. Meron daw kasing dalang parang baril or kahit anong armas sa may waist nya eh. Grabe ha, nakabantay na kami don sa mga bag tapos najokwat pa! Hindi kami makarecover, pramis. 
Sobrang delikado na talaga sa panahon ngayon. Magingat kayo ha. Wag kayong magpapagabi lalo na’t kapag mag-isa lang or as in delikado talaga sa place nyo. Be alert, everytime. And most of all, always pray. Ingat po kayo lagi.

Ang buhay ng may crush noong Foundation Day.

Day 1: Magkasama sila Karlotta at Crush buong araw. Nakakaselos ng onte pero nakakatawa kasi nga nagseselos ako. Eh? Grabe naman kasi. Dadaan ako tapos makikita ko sila ni Karlotta magkasama. Babalik ako sa room. Lalabas ako. Sila na naman makikita ko. Pupunta ako sa mga kaibigan ko, magha-HI sa akin si Karlotta tapos pupunta kaila Kimper. Hanggang sa paguwi, akala ko nakauwi na sila kaya bumalik kami para magpractice. Pupunta kami sa may SciBuilding. Nakita ko sila Kimper at Karlotta nasa sulok. Okay the end.


Day 2: Hindi na sila magkasama. Ewan ko lang, kasi baka sadyang hindi ko lang sila hinahanap at iniiwasan ko sila. Nandun kami sa may mga booth most of the time kasi nandoon si Mikko tsaka trip na trip namin yung mga nanyayari doon. Nakita ko si Kimper palapit sa amin kasama si Leandro! Tapos nagstop kami. Eh dapat pupunta kami sa pinanggalingan nya. Bumalik sya tapos nakasmile tapos lumingon sa akin si Leandro tapos ngumiti din. Ewan ko ba kung anong nanyayari nun. Nung uwian, hinahanap ko sila Ellen. Sobrang naiistress na ako non tapos sabi ni Ivan, “Likod.” Edi tumalikod ako. Tapos kinilig ako. Hahaha landi ko lang. Nakita ko kasi si Kimper nasa likod ko tapos.. eeeh nakakakilig. Sabi pa nga ni Ivan, “Narinig mo yon? Sabi nung lalaki kay Kimper, ‘Pano kayo ni Karlotta?’” Ewan ko kung anong ibig sabihin non. Kaso mukhang maganda eh, so kinilig na din ako. Haha.


Day 3: Nafifeel kong makikita ako nung crush ko na nakacostume sa sayaw namin. Tapos ayun nga, nakita nga ako. Nakita ko sila palapit na naman sa amin. Nagstay sila sa tabi namin tapos kinakausap nila yung katabi ko. OMG. Hahahaha ano ba kinikilig ako.


Day 4: Ayaw ko nang maalala. Ayaw ko ng Day 4. Sana hindi nya kami nakita. HAHA.

Monday, January 2, 2012

Nakakaloka.

Kagabi, sobrang hindi ako makatulog. Ang naiisip ko lang,
  • Sya.
  • Harry Potter: Deathly Hallows
  • Lahat ng Harry Potter.
  • Sya.
  • Sya.
Naiisip ko yung mga ginawa nya sakin noon. Lalo ko syang nagugustuhan. Hindi dahil sa pogi sya. Nagustuhan ko sya kasi sya lang ang nakakapansin ng mga bagay na hindi napapansin ng iba. I mean, naniniwala sya sa mga abilidad ko. Naniniwala sya sa akin. May time na pati best friend ko kumokontra sa akin, pero sya pinapanigan ako. Sya lang yung nakakagets ng mga point ko. Iiiih basta, nakakakilig lang sya.

Naalala ko nung hinawakan nya yung kamay ko. Wahihihi. Not literally hinawakan talaga. Kasi nung time na yon, may kasama kaming maliit yung kamay. Tapos pinapatong namin yung kamay nya sa kamay nila Sir. Tawanan kami non kasi parang mushroom lang yung kamay nya. Maya-maya, inoffer niya yung kamay nya sa akin para tignan kung kanino yung mas malaki. Para nga syang nahihiya eh. Edi binigay ko naman. Eh abnormal kasi, right at right hand. After 10 seconds nya lang napansin na magkaparehas palang right. Eneveeee tinititigan nya kasi eh. Wahihihihihi. Tapos nung okay na, ang tagal nyang alisin. WAHIHIHI anoo ba. Kinikiligs ako.