Thursday, January 19, 2012

First traumatic event.

Kanina kasi nag-papractice kami para bukas. No choice na, sa plaza na kami nagpractice kasi sayang sa oras tsaka rush na masyado. So ayun, tawanan pa kami ng tawanan kasi nga ang saya lang. Haha. May napapansin kaming parang bata na nakadilaw, nadaan sa harap ng mga bag namin. Pero di namin pinapansin kasi akala nga namin, bata na naglalaro lang. Pabalik-balik sya pero di namin pinapansin kasi busy kami.


Madilim na non, mga 6:30. Pauwi na kami, pinaguusapan na lang namin yung tungkol sa costume para bukas. Tawanan pa kami ni Mika non kasi trying hard namin mag-dougie. Maya-maya, sumigaw na yung kaklase ko. “Huy huy! Magnanakaw!”
Nagulat ako kasi tumatakbo na yung batang nakadilaw, may hawak na bag. Na-snatchan kami ng bag. Hindi ako makagalaw kasi tinitignan ko kung kaninong bag yon, natatakot ako kasi akala ko akin. Yun pala kay Mika. Pagtingin ko kay Mika, natawa pa sya kasi nakikitili lang sila kahit hindi nila alam kung anong nanyayari. Nagulat sya kasi nanakaw bag nya. Tinry naming habulin nila Ivan kaso hindi na namin makita kasi madilim na. Sabi nung mga tao, sumakaw daw sa motor. May kasabwat. 
Nandoon yung cellphone, wallet, costume (Php400) tapos ibang notebooks or papers na importante. Walang natira sa kanya ni isa. Nireport namin sa police station, kung saan harap lang ng pinangyarihan. (Lakas ng loob ng mga snatcher diba?) Sabi nila matagal na yung wanted. Kung mahuhuli daw yon, baka abutin pa ng 2 days or more. Buti na lang walang nasugatan sa amin or napahamak man. Meron daw kasing dalang parang baril or kahit anong armas sa may waist nya eh. Grabe ha, nakabantay na kami don sa mga bag tapos najokwat pa! Hindi kami makarecover, pramis. 
Sobrang delikado na talaga sa panahon ngayon. Magingat kayo ha. Wag kayong magpapagabi lalo na’t kapag mag-isa lang or as in delikado talaga sa place nyo. Be alert, everytime. And most of all, always pray. Ingat po kayo lagi.

No comments:

Post a Comment