Thursday, December 17, 2015

This was my week.

Written @ December 11, 2015 - 2:27PM

It’s still Friday and my week hasn’t ended yet but I’m pretty much enjoying it.The highlights of my week would be the exams I took and how I cooperated so much in school. I’m really in the mood. Makakarinig na lang ako mula sa mga kaklase ko na “Bakit ang talino mo?” o kaya ituturo nila ako bilang isa sa mga “matatalino”. Ewan ko kung paano nangyari yun.

Ang pinaka-naenjoy kong subject ngayon ay yung chemistry. Una, masaya ako kasi kilala na ako ni Mam at minessage nya pa ko sa facebook nung linggo para maginform sa mga groupmates ko na kailangan namin ng tatlong saucer plates.

Ako lang kasi yung friend nya sa facebook saming mga irreg. Nung Monday, hindi pumasok si Macky sa ITEC kasi nasira daw zipper nya. Nagquiz pa naman kami. May nadiscover akong new guy sa room, at ewan ko kung guy ba talaga sya. Ang amazing nya kasi ang galing nya magreport (sya reporter namin sa group at nakaasa lang kami sa kanya). Sobrang sassy nya tapos hindi ko ineexpect na ganun sya kagaling kasi nung nagmi-meeting yung group para syang “meh” tapos ang tahimik nya lang. Nagulat ako na pagkareport nya tuloy tuloy yung english nya tapos ang dami nyang shineshare na information na never ko nalaman sa pagreresearch. Tapos naka-perfect pa sya sa quiz! Pero ang astig din kasi kaya nun ko lang sya napansin kasi hindi pala sya palapasok. Matalino daw talaga sya pero tamad at tamad pumasok.

So ang kasama ko nung break ay si Natalie. Ang weird ni Natalie talaga pero I guess she’s just being real. Nun ko lang nalaman na nag-theater pala sya nung first sem sa perpetual at yung director nila ay isa sa mga assistant directors ng AlDub. Pinakita nya pa sakin yung notebook nyang maliit at madaming notes dun like kung ano yung mga vocalizations nila, warm ups, reminders. I was interested dahil I’ve always wanted to be a director (though I don’t have the acting skills… directing skills lang maioffer ko). I told her I’m a member of a leading choir pero hindi sya sobrang bothered doon. Ayun. Hanggang sa nagusap na kami tungkol sa mga phobias, sa mga dreams, kung bakit gusto naming maging psychologists. Nalaman ko din na may mga weird similarities kami tulad ng eye-contact problem na akala ko ako lang meron. Sinabi nya sakin na na-amazed din sya sakin kasi nung una kaming magmeet sa CL1, hindi nya ineexpect na lalapitan nya ko at makikipagkwentuhan sya sakin. Siguro daw nafeel nya lang na magko-connect kami. Medyo ayaw ko na sinabi nya agad sakin yun, although gusto ko (what) pero napressure ako kasi parang acknowledgement nya yun na gusto nya ako bilang kaibigan at hindi pa ako ready dahil paano kung sa umpisa lang ako fun kausapin. I can be boring, you know.

Pumunta kami library. Ang dami naming napagusapan at ang dami nyang shinare saking trivias. Nagpicture lang ako ng mga natatagong magagandang libro sa library. Medyo ayaw ko na sya kausapin nun kasi busy ako kaka-picture pero sya share ng share ng mga trivia lol. Pero sige, pinakinggan ko pa din sya.

Nung magtu-two na, umalis na ko ng library at naiwan sya dun. Paglabas ko, buti nakasalubong ko sila Marie at Nelle. They were like, “San ka nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap! Akala namin hindi ka na papasok!”. Hinahanap daw ako ni Macky kasi may dala daw syang isang platito at sya lang nagdala (sya lang kasi tinext ko wahah eh kaso hindi naman sya nagreply). Ineexpect nila magdadala din ako kaso kulang pa kami ng isa kasi kami lang dalawa ni Macky nagdala. Pero nung sinabi ko na tatlo yung dinala ko kasi akala ko hindi nabasa ni Macky, relieved na relieved sila. That feeling though! Feeling mo sinave mo yung buong group hehehe.

Nagexperiment kami at sobrang active namin ni Macky. Kami lang dalawa nagsagot nung computations sa experiment at nauna kaming natapos. Sure naman kami sa mga sagot namin. Comparing to the others’ mas may tiwala ako sa sagot namin. Syempre during the breaks tinuturuan ko din mga kagroup ko. It’s so nice in the feeling. Hehe.

Nagpunta din kami sa fashionology. First after-school na hindi ako umuwi agad. Kasama ko si Macky and Renzo. That adds to our first bonding sessions.

Nung Tuesday, may group presentations na pinagawa si Mam. Kahit ano, basta maipromote mo yung Philippines musically and information-ally. Sobrang walang kwenta nung presentation namin kasi ewan, hindi kami tight nung mga kagroup ko tsaka more on typical and seriousness sila. Ang ginawa ko, tutal parang ang hirap nila iplease, nagsarili na lang ako ng presentation lol. Hindi naman sa nagsarili talaga. Ayaw ko lang maki-deal dun sa mga kapartners ko sa group kasi yung isang babae parang si Danica na hindi friendly tapos yung isa, irreg din na parang hindi willing magshare ng ideas. Halos lahat ng suggestion nagmula sakin kasi walang gustong magspeak up. Ang ginawa ko, kumanta na lang ako ng “silent night” na ang lyrics ay about sa resources at geographic aspects ng Pilipinas. Sobrang walang kwenta ng lyrics kasi mema lang. Dapat naman talaga mema lang yung lyrics kasi you have to entertain tsaka hindi naman pagandahan ng message yun, pagandahan ng presentation (joke parehas talaga yun). So kumanta ako ng naka-choir voice at pinuno ko ng vibratto at sa umpisa narinig ko si mam na bumulong sa mga nasa likod ng “kinikilabutan ako!” tapos wala lang. Ang pangit ko magperform. I was so awkward with my hands. Ayun. Tapos wala ding kwenta mga kagroup ko hehehe joke pare-parehas lang kami. Pero it’s still a highlight kasi first time kong kumanta ng naka-choir voice sa harap ng mga kaklase ko in my entire life. Sabi nung mga friends ko ang galing ko daw kumanta pero I’m not sure kung sinabi lang nila yun kasi friend nila ako o mabilis lang sila makaappreciate. After all sila lang naman din yung pumuri sakin lol.

Pagdating ng itec sa hapon, hindi ako nakinig kay Mam. Pero medyo close kami kasi palaging computer namin yung ginagamit ni mam sa pagdedemo. Nakakairita si Mam pero nakakapagtimpi pa naman ako. Nag typing games lang ako sa computer at bilib na bilib sakin mga kaklase ko kasi ang bilis ko daw magtype. Maski mga lalaki napapatingin sa monitor ko habang nagtatype. Okay??? Tapos may isa dung lalaki na tingin ng tingin sakin. Pero nakakainis kasi ang pangit pangit ko nun kasi yung hairstyle ko emphasized yung ulo kong malaki at mga tigyawat ko sa noo. Pero ayun. Tingin lang talaga sya ng tingin sakin. What’s with him.

Paguwi namin, ayun nga, nakita namin si Danielle. Oops, nielle na lang pala. Tinanong ko nga pala sa kanya kahapon kung ano nickname nya. Close na kami yes!

Nung wednesday, ako na sana yung highest sa Problem Set #1 kasi naka-32 ako. Ewan ko kung yung ibang regular mataas din pero sa aming mga masisipag na irreg ako yung highest. So namangha na naman sila tapos sabi nila ang talino ko daw. Tapos ang active ko din sa lecture ni Mam kasi nagtatanong ako in behalf of the irregs (hahahaha) tapos nakikicooperate na ko sa pagca-calculate ng mga sinusulat ni Mam sa board (samantalang nung highschool never akong nakicooperate kasi wala akong scical at hindi ko nakikita yung mga nakasulat sa board). Ayun. Pero later on hindi na ako pinakamataas kasi may pahabol na check si Mam sa isang part don na worth 5 points tapos 1 lang kaming mga irreg. Hindi namin alam kung bakit mali eh sure naman kami sa sagot namin. 33 lang ako. Eh sakto may naka +5 sa mga regular. Bagsak pa din ata ako kasi yung passing ay 34. Tignan mo nga naman.

Nagreport kami sa Litt nung hapon. Hindi ako nakicooperate pero parang ako kanang kamay nung leader-leaderan samin habang nagtataas ng mga puppet. Pero sayang kasi kung pinaghandaan ko yun magiging maganda sana yung report. Although maganda naman, pero epic fail yung idea nila na magkaroon ng puppet kasi hindi naman nila pinagaralan kung paano namin itataas. Tapos yung pagbabasa pa ng mga narrators hindi maayos. Sana ako na lang nagbasa. Pero okay lang. Natatawa ako kay Christeine nun kasi nahihilo sya tapos hinang hina na sya, tapos ang dilim pa sa room kasi pinapatay yung ilaw para sa videos na papanoorin tapos sobrang init dahil walang latoy yung aircon sa room. Pinapaypayan ko lang sya. Magaan talaga loob ko kay Christeine. Ayun. Kaklase ko na pala si Danielle dito. Nasa likod ko sya, as in saktong likod ko. Sobrang uncomfortable kasi naka-crop top ako tapos yung pants ko low waist na masikip. Yung panty ko pa naman nun yung tipong huma-high waist. Nakakaloka kasi baka makita nya kuyukot ko. Lol. Pero ok naman kasi hinarangan ko ng bag ko yung likod ko. Nafifeel kong gusto nyang sumama saming circle of friends at gusto nya tumabi samin kaso yung upuan namin alphabetical at fixed na kaya wala na syang maupuan sa row namin. Tapos bago pa kami pumasok sa room wala syang friend at wala syang kasama at nagtatago lang sya sa may gilid ng tinatambayan namin tapos sisilip silip. Kunwari hindi ko sya nakikita. Ayun. Alam kong alam nya pangalan ko pero hindi nya siguro alam kung alin sa Keanna at Chloe yung itatawag nya sakin or kung ano pronunciation (lol) kaya ang tawag nya sakin “Teh”. Sobrang jeje.

Hindi ko na sya nakita nung dismissal.

Nung Thursday, nauna ako kay Nielle pumasok sa government. Nagsulat lang ako sa binder ng mga notes sa chem habang wala pa si Sir Casas. Yung isa naming friend na hanggang ngayon hindi ko pa alam yung pangalan yung tinabihan ko, pero nagleave ako ng isang space between samin para dun uupo si nielle. Nasa unahan yung isang irreg na hindi nakikigroup samin. Sya lang magisa dun. Maya maya dumating na si nielle tapos ang dami nyang sinasabi. Natatawa ako sa kanya kasi puro sya “Nakapagreview ka na teh?”, “Matatawag na ko mamaya…”, hanggang sa nagkukwento na sya ng mga ginagawa nila sa genpsyc (yan topic namin kasi psych yung course ko)(at sya yung nagoopen ng mga topic na sa tingin nya makakarelate ako)(that’s so good!). Nakakatawa yung mga kwento nya. Tinanong ko sya kung gusto nya ba talaga mag IT. Sabi nya hindi, gusto nya daw magcriminology kaso ayaw daw ng nanay nya. “Sabi ni Mama mamamatay daw ako maaga pag nagpulis ako” tapos nakakatawa yung pagkakasabi nya. So ayun nga. Ang witty nya at ang funny nya. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa politics, sa mga maganda iboto at sa mga issues ng mga kandidato. Natulog pa sya nun kasi ang tagal talaga ni Sir dumating. Tapos nagulat kami kasi bigla syang gumising at sumigaw tapos tawa kami ng tawa kasi sabi nya akala nya daw mahuhulog na sya sa building. Pero feeling ko hindi sya nakatulog nun. Feeling ko nagpapatawa lang sya. Sabi sa kanya nung kaibigan namin, alis na daw kami, pero dahil sa pagkukwentuhan namin sabi nya “Mamaya na..”. Sakto dumating si Sir mga 8, one hour late sya. Sabi nung mga umalis na napabalik nang wala sa oras, maghanda daw ng ¼ at may quiz daw. Nakakatawa si Nielle kasi sabi nya habang nasa unahan si sir “casas wag ka na magpaquiz” tapos paulit ulit na parang nagoorasyon. Kaso nagpaquiz. Pinakita ni sir mga scores namin nung quiz last week. Ako highest. Yung isang irreg dun na palaging nasa unahan, alam ko matalino yun, pero mas mataas ako sa kanya. Nung nagquiz kami kahapon, ako pa din highest. May isa sana akong mali pero nakaperfect ako kasi may bonus question. Si Nielle, 3 lang. Dapat 2 lang sya pero pinalitan ko yung sagot nya sa bonus question para 3 sya.

Tumabi sa amin yung irreg habang nagchecheck ng mga papers kasi sya nga lang magisa sa unahan at wala syang ka-palitan ng paper. So ayun, katabi ko sya. Dalawa mali nya. Ang cool nya nga pala at halatang matalino sya academically. Ang ganda pa ng boses nya. Ang sophisticated. Ang bait bait nya pa. Kamukha nya yung isang artista sa primetime bida (ewan ko kung may tv show pa sya ngayon) na kulot at black-haired. Ang bait bait nya sakin pero kay Nielle ang sungit nya. Uy! Tapos may sparks akong nafeel nung dismissal kasi nagusap kami for the last time nung irreg. Nakalimutan ko na kung anong sabi nya, basta may ganito:

Sya: Anong name mo?

Ako: Chloe

Sya: Ah…

Ako: Ikaw?

Sya: *Nagisip sya* Noel *Nagpacute sya* *De joke*

Ako: Noel… ang ganda. *in an astig tone*

Sya: *Tumawa* *tumalikod* *nagisip*

Sya: *Humarap ulit sakin* Mas maganda nga yung iyo eh, Chloe.

Syempre hindi mo mafi-feel yung sparks sa pagkakakwento ko. Pero para kaming nasa isang romantic Filipino movie na hindi corny. Kulang na lang ng background music na “This could be the start of something new ♫”. Tapos umalis na ko nun kasi pagtingin ko sa labas andun na sila Macky kakagaling ng genpsyc nila.

Sunod kong subject nun ay genpsyc. Ang gusto ko sa mga friends ko sa genpsyc, tinatanggap nila ko bilang friends nila. Hindi ko kasi sila palaging nakikita kasi ang daming tao pero iwawagayway pa nila ung kamay nila para magtabi tabi kami. May isa dun, katabi ko sya last time at kasabay ko din umuwi kasi taga-SM Molino sya, hindi ko na matandaan pangalan pero parang “Shen” ata. Feeling ko crush nya ko. Jusko lorde. Palagi nya kasi akong pinapansin tapos gusto naiinis sya kasi sya yung pinalipat ni Renzo ng upuan eh magkatabi na sana kami. Tapos sabi nya pa “Chloe, perfect ka na naman sa quiz mamaya…” umpisa palang ng klase (tama sya nakaperfect nga ako lol). Ayun.

Last week, nung pababa na ko sa prima, sabi nya sakin “Bye.. next week ulit ha!” kaya kahapon sinabihan ko na sya na “Uy hindi ako makakasabay sayo kasi pupunta pa ko ng robinson”. Bibili kasi dapat ako ng mga Christmas Cards. Tapos sabi nya “Sige samahan na kita”. Eh alam ko napakakuripot nun tapos weird kasi sasamahan nya pa ko sa rob eh wala naman syang gagawin dun. Mamamasahe pa sya. Di ko naman sya malibre kasi baka kulangin ako sa budget. Sabi ko na lang sa SM Molino na lang ako pupunta. Ang meant ko dun ay para matupad yung sabay naming paguwi pero di na nya ko sasamahan kasi bababa na sya sa may Pag-asa. Pero hindi sya nagpatumpit tumpit pa kasi tinanong kami ni Trixie kung saan kami sasakay, tapos sabi nya “Sa SM Molino, may date pa kami” tapos jusko lorde!!!!! Hindi ko sya type. Tinignan ko lang sya ng “really??? wth!” look pero di ko na pinansin. Syempre nagreact si Trixie tapos sabi nya kay Trixie “Ito talaga oh tamang hinala” tapos…. …. . gusto ko na magpalamon sa lupa. Ni hindi ko na nga maalala pangalan nya.

Ayaw ko talaga nang may duma-the moves sa akin na hindi ko type lalo na kapag ang bilis nyang dumamubs kasi hindi nya pa ko kilala! Mamaya akala nya mahinhin type ako na sobrang daming virtues sa buhay (lol parang ganun naman talaga ako) basta. Baka mafail ko sya. Tsaka hindi ko sya type huhuhu.

Ayun nga sinamahan nya ko sa SM tapos pagkabiling pagkabili ko ng christmas cards sabi ko sa kanya uuwi na ko kasi dami ko pang gagawin. Tapos ayun naghiwalay na kami. Thank goodness.

Sana friends pa din kami next week pero sana hindi na sya ganun lol! Pero sana talaga walang pasok next week.

Kahapon sa rehearsal, binigay sakin yung solo ng Enjoy the Silence. Ang totoo nyan, inspired talaga ako magchoir kasi nga nung tuesday kumanta ako ng silent night sa harap ng mga kaklase ko. Don’t know what’s with that reason pero bago umalis nag vocalize ako konti tapos habang nasa CR tinry ko yung solo sa bandang huli ng ETS. Pero hindi ko naman ineexpect na ipapatry yun sakin. Mahilig lang talaga ako magtry kung kaya kong abutin yung pinakamatataas na tono sa mga kanta. Tapos ayun. Soloista feels ko kahapon kasi 8:30 pa dumating si Ate Jiselle. Masaya kasi feeling ko me against the world. Pagdating ni Ate Jiselle, ayun nga, tinry nya yung solo nya sa umpisa. Nabati ata ni sir kasi nung una sabi nya “Uy parang naperfect mo yun” tapos yung mga sumunod palya na. Nung mga oras na yun sabi ko “Para kay Ate Jiselle na talaga to. Siguro meant na to kasi sya din naman closest sa riverside.” tapos bigla akong pinagtry ni sir. Hindi ako kinakabahan. Sabi ko “Bahala na kung pumalya fuck yeah” sa isip ko tapos nung tinry ko sabi ni sir mas gusto nya daw yung akin. What the!!! Syempre kilig masyado tapos nakakahiya kasi hindi ko matago yung kilig ko pero… huhu ayoko… Charing. Arte ko. Feeling ko lang kasi nachambahan ko lang yun kahapon kasi ang dami kong confidence kasi wala si Kuya Ju, si Ate Joy. Madaming wala. Bukas pag andyan na silang lahat wala na.

Pero sobrang sarap sa feeling kasi sabi nila sakin ang galing ko daw. Lalo na si Ate Judelle, pumalakpak pa sya lol. Tapos vinideo pa ni Nricho, wala lang. Matagal nya na kasing trip na ako magsolo kasi mas gusto nya ko kesa kay Ate Jiselle personally hahahaha. Ayun nga. Wala namang sinabi si Sir na negative. Parang naamazed pa sya tapos napasabi sya ng “Good” ng mahina pero mataimtim. Sa totoo lang sobrang sarap talaga sa feeling na tipong all I want for Christmas na yung kanta at gusto ko pa din ngumiti ng maigi. Hindi na ko makakanta ng maayos kasi yung focus ko nasa Enjoy the Silence pa din.

Pero sana talaga magawa ko ng maayos at magimprove pa sa susunod kasi hindi ko talaga mate-take na magkalat sa CCP. Pero okay lang din na si Ate Jiselle na lang pagsolo-hin. Basta nangyari na yung passage ko kahapon at na-good na ako ni sir.

Yung mga ganitong satisfaction, nakakatakot. Kasi alam mong one day kukunin sayo to tapos may ipapalit na kabaliktaran.

Thank You pa din po, Lord!

What a great week.

Sunday, December 6, 2015

When you’re trying to look good and people assume you’re doing it to impress your crush when actually you’re doing it just to impress yourself. Sometimes what people say to you tells a lot about what they are and what they think inside their head. I don’t know if they’re the one judging me for putting make up on my face or I’m the one judging them by their reactions.


Now I could really say that I’m having fun with my school. And by this, I really mean that I’m having fun. Being an irregular student doesn’t mean being alone. It somehow feels like you’re also regular, but your schedule is more fun and your classmates aren’t limited to certain faces. Having new friends is also very exciting for me since it’s been so long since I have widened my circle. I like my new friends, although the bond isn’t very comparable with my friends in highschool. They help me focus more on my studies. I also like most of my professors, and I find it good because naturally I’m a professor-complainant. When someone asks me how’s me in my school world, I’m thankful to reply that so far, so good.


But last night.. i don’t know. Maybe I was just off mood the whole day because of our nakakabugnot shopping experience. I was tired when I got home but I needed to prepare already for rehearsals, and I came late to our rehearsal, and I... i don’t know. My mood just becomes unexplainable when I’m with them, especially with the set of members who attended yesterday.


I find it hard to have two worlds: choir and school. I’m trying to recover the parts that I have lost in myself after suffocating myself with the choir world yet when everything goes better, one day or another I’ll find myself doubting again because I don’t feel like I’m improving when I’m with them. I sometimes think that maybe the problem is me, but I’ve thought of that enough and I just want to free myself from always being the wrong one. I just want to feel right about myself. Being with the choir or being with the wrong persons clearly doesn’t help.


I know someday everything will be a whole lot better. I will get comfortable. The members will change. I will change. I guess, this is not our time.


I don’t know.