Monday, October 28, 2013

Sa mga panaginip ko, kapag nakikita ko si Chen, palagi kong sinasabi sa kanya yung feelings ko, pero super sincere ako don. Katulad nung nakita ko daw sya sa pilot, tapos kahit niyayaya na kong umalis nung mga kasama ko sumisigaw pa din ako ng “I love you chen I’m so proud of you saranghae oppa!”. Or yung nakasalubong ko sya sa mall tapos sya lang magisa, tapos dumaan ako sa tabi nya pero di ako nagpapicture o nagtitili or what kasi alam kong ayaw nya non, kaya dumaan lang ako tapos sumulyap sa kanya tapos napa”Chen” ako pero di ko sya tinatawag, parang nagpaparinig lang ako na kilala ko sya haha parang ganon. Or nung nasa kwarto kami tapos sabi ko pinagpapawisan na sya tapos kung gusto nya ikuha ko sya ng towel tapos di nya ko pinansin tapos sabi ko ang gwapo nya. Lahat ng sinabi ko sincere at mulang mulang mula sa puso.
Pero iisa lang expression ni Chen. Ang taray nya, parang wala syang pakialam. Sobrang iba sa pagfafanservice nya. Pero mahal ko pa din sya. Hindi ako napapagod at nasasaktan kahit ginaganon nya ko pabalik. 
Sa tingin ko ganon din ako sa totoong buhay.
Ewan ko kung bakit ganon. Tuwing pagkatapos ng choir at maglalakad sa ilalim ng buwan at mapapatingin sa langit, nalulungkot ako. Nagkicrave na naman ako, kay chen. I want him. And through this darkness, I want him to be beside me, to be with me. Nacucurious ako kung anong feeling nung ganon, yung makakasama ko sya ng as in real life. Gustong gusto ko sya. Gustong gusto kong ipagsigawan na si Chen lang yung gusto ko. Na sya yung dahilan kung bakit hindi ako nagkakagusto sa ibang lalaki kahit ang daming gwapo sa paligid ko, kung bakit hindi ako landi ng landi kung ikukumpara sa iba. Gusto kong ipagsigawan sa lahat kung gano ko sya kagusto, yung feelings na super gustong gustong gusto mo yung tao pero hindi mo kinoconsider sa sarili mong mahal mo sya kasi kahit sobrang perfect nya, mas gusto mo pa ding magmahal sa taong kaya ka ding mahalin pabalik. Pero kung papipiliin ako kung sino yung gusto kong mahalin? Si Chen. Pinipigilan ko lang kasi ayokong masaktan. Pero tupangina si Chen talaga.
Napapatingin ako sa langit, sa buwan. Naiisip ko na baka nakatingin din si Chen don. At some point, baka parehas kami ng nakikita at yon lang yung chance na lumiit yung mundo namin. Age gap? Hindi ko naman iniintindi yon. Language barrier, siguro oo. Distance lang, both sa lugar at sa state ng buhay.  Ang layo mo Chen. Pero gusto pa din kita. Hahanap hanapin kita palagi. Alam mo ba yon. Basta.
Someday.

October 21. A month later.

Don't let your happiness depend on something you may lose.
Umiiyak na naman ako patago kanina. As in dumating na naman sa point na pumunta ako sa c.r para makaalis lang sa room na yon, para pakalmahin yung sarili ko, para umiyak kung kailangan kong umiyak nang walang ibang makakakita. Pero hindi naman ako umiyak sa C.R. As in kapag nasa room lang talaga na yon ako nadedepress. Iba kasi atmosphere don sa room. Ayon.
Naisip ko din na wala namang nakakaappreciate sakin kasi ang pangit ko. Tinitignan ko sila Aldrin at Madz. Iniisip ko na buti pa yung ibang magagandang babae, palagi silang may isang taong hinding hindi magsasawa sa kanila, kahit na ganon lang ugali nila. Naisip ko na wala talaga, kahit itry ko yung best ko para makisama, walang nakakaappreciate sakin. Walang nakakapansin na nageeffort ako, na nagaadjust ako, na sa kanila ko lang to ginagawa. 
Paiyak na din ako kanina kasi iniisip ko si Chen. Ang layo ni Chen. Sa sitwasyon na to, hindi ko sya mahanap, kasi hindi naman pwede. Iniisip ko na kung andito si Chen, siguro iba yung mga bagay. Kung mahal ako ni Chen, kahit na wala na yung taal, ok lang. Buo pa din ako. Kasi may tao namang hindi ako iiwan e, may taong mamahalin ako at mamahalin ko din at never kong maiisip na alone ako. Hindi ko na kailangang magwaste ng time kakaimpress ng tao na hindi naman ako naaappreciate. Pero the thing is, wala sya. Hindi nageexist yung taong hinahanap hanap ko sa paligid ko.
Shinuffle ko yung playlist ko at sinabi ko sa isip ko na kung ano yung sunod na kanta ay nagsisymbolize sa sarili ko. Lonely ng 2ne1. Yung sunod, may kinalaman kay Chen. Pero hindi ko alam kung kay Chen ba o sa isang tao sa room na winiwish ko na nakakapansin sa nafifeel ko ngayon (sya din ata yung nakapansin nung last time na umiyak ako ng patago, tho im not sure). Siguro parehas. Kasi  yung sumunod, Hate To See Your Heart Break ng Paramore. Tapos yung sumunod, nothing lasts forever. Hindi ko maintindihan kung bakit. Inisip ko na siguro, if nothing lasts forever, ibig sabihin maski itong bad vibes na to, mawawala din someday. Siguro pati ang taal maglalaho din. Kaya ninext ko na. Sabi ko, yung sunod yung sinasabi sakin ni Chen ngayon. My Lady. 
Mahilig ako sa ganon. Medyo gumaan yung pakiramdam ko pero maya maya bumalik na naman. Super hinahanap ko sila Gen, nagwiwish ako na sana isave nila ako, pumunta sila sa room at kunin ako. Gusto ko silang kasama. Ayoko na sa taal. Pero di naman sila pumunta, hindi ko din sila mahanap kahit paulit ulit akong lumalabas ng room. Pero ok lang. Nung mga oras naman na malapit na magAfrica, nakita ko sila tapos sumama na ko sa kanila. Kinwento ko sa kanila lahat. Namiss ko sila dahil don. At kung gaano ko sila ka-kailangan at ka-mahal, something na hindi ko mafeel feel sa mga taong araw araw kong nakakasama sa school. Sabi pa nga nila, “Bakit ganon yang mga yan? Kami ngang mga kaibigan mo hindi ka namin ginaganyan eh.”. Sa lahat ng tao sila lang yung nakakaappreciate sakin. Sila lang yung taong nakakaintindi sakin kahit hindi ko na ikwento. Sila lang yung nakakapansin ng mga small details, nakakapagpalabas ng totoong sarili ko, nakakaappreciate ng mga bagay na akala ko ang pangit sakin. Sila lang yung tumatawag saking maknae, sinasabi na mukha daw akong bata kapag nakaipit, super cute at ewan hahaha maganda ew. Pero pag sila nagsasabi super naaappreciate ko talaga. Feeling ko ang loved ko. Ayon. 
Thankful pa din ako kasi kahit ang tutupangina ng ibang tao sa buhay ko, may konti pa ding nagiistay at totoo. At never ko silang iiwan. Really.
Kanina sa Mcdo, naglakas loob akong sabihin na yung susunod na kanta sa We Are Never Getting Back Together ni Taylor Swift, para samin ni Chen. Tapos ang sumunod, Home ni Phillip Phillips. At feeling ko may something talaga yon. Kasi ewan ko kung kailan ba yon, feeling ko kanina. Naisip ko na si Chen, of all people, yung macoconsider ko as home. Someone na palagi kong babalik-balikan. Sabi ko nga sa tweet ko kahapon, kahit anong kaekekan mang mangyari, babalik at babalik pa din ako kay Chen. 
Settle down, it'll all be clear
Don't pay no mind to the demons
They fill you with fear
The trouble it might drag you down
If you get lost, you can always be found

Just know you’re not alone
Cause I’m going to make this place your home
Yan din yung sinabi mo Chen nung dkfc eh. “Laging isiping may makakasama”. Tama ka. Kahit na sa oras na to feeling ko magisa ako, at kahit wala ka sa mga araw na to, kailangan kong isipin na ang dami ko pang natitira sa buhay ko. Andyan pa si God, ang dwegsters, at yung mga pangarap ko. Magkikita pa tayo. Ayokong magfret masyado sa mga bagay na hindi din naman magmamatter after 2 years. At yung mga nagdadown sakin? Wala, mga demons lang yon. Kailangan kong sundan yung right way. I will always smile, because I know you will like it that way. I will always smile, because I deserve to be happy.
Thanks. I love you bby. 
Ayoko lang kasi ng ganon. Yung itataboy mo yung tao kapag nahihirapan ka tapos kapag ok ka na tsaka ka babalik. Laruan ba yan na kapag nagsawa ka na ibabalik mo na sa cabinet tapos kapag natripan mo ulit tsaka mo gagamitin? Sino ka ba? 
I have many things to say but refuse to speak because I don’t want to hurt you. Because I know you might care too much or not care at all.
Sometimes it’s okay to be hurt than to do the same to other people.
But when the pain exceeds, it tortures your insides. And that’s the worst thing to feel. 
I love talking about you around my friends. It seems like my mouth can’t stop for even just a second. It kinda fascinates me. You’re the only one who made me feel like this.
I find it weird when people are being bothered by the fact that cj was gone and I’m gonna be alone for the rest of the day. To be honest, there are still times when I feel pleasured when CJ’s absent, and so I’m gonna have some space. I love being alone every other time. I like walking alone and eating alone and just listening to music untl my ears complain. But I don’t hate her to be around. I love it when she’s there and when she’s not around.
Totoo naman yon. Kapag may crush ako, hindi ko kinakaibigan. Wala pa kong crush na naging super ka-close ko, unless naging kaclose ko sila agad bago ko pa sila magustuhan. Awkward kasi ako. Kapag nagkakagusto ako, feeling ko ang perfect ng tao na yon kaya ayokong magkamali sa mga sasabihin ko. Nao-over yung pagiging conscious ko sa sarili. Natatakot ako na baka makornihan sakin yung tao kasi super perfect nila tapos ako mukhang timang lang. Yung parang ganon.

Parehas kami ni Myungsoo kapag nagkakagusto. Kapag ako nagkakacrush, mas gusto ko yung titignan ko lang sila sa malayo. Palagi ko silang iisipin. Pero never akong maglalandi nung parang eww na landi talaga. Shet.

Bakit ba ano ba tong sinasabi ko

Saturday night thoughts - 26th

Nagpiplay ngayong gabi yung intro ng exo nung dkfc. Nakakamiss yung araw na yon. Pero tuwing -wait si chen na sxhxHHHHhhEeeEt- naaalala ko yon medyo nauurat ako na nadidisappoint. Si cj lang kasama ko nung buong araw na yon, ang saya saya namin, fangirl na fangirl. Anyare ngayon. Bale ayon ayoko na nga isipin yan nabuburaot ako haha
Nagbago din ang exo pagkatapos ng ilang buwan at ilang comeback. Bale minsan napapatanong din ako sa isip ko kung sino ba talaga sila. Kung si chen ba talaga yung sunny, topakin in a cute way, super caring at never dull na nakilala ko o isa lang yon sa mga napagaralan nya bilang trainee/artist sa sm. Kaya hindi pa ko naiinlove kay chen kahit ganito ako umasta bilang fan nya. Wait. Fan ba talaga tingin ko sa sarili ko, Ewan. Iba ata yung nafifeel ko. Parang more than a fan pero not obsessed. I just don’t like being called a fan. Sa lahat ng artista sya pinakanagustuhan ko pero hindi ko kinoconsider sarili ko as a fan masyado. Basta. Hirap iispell ng kaabnormalan ko hehe,
Ang saya sa bahay nila sanchez. Ang sarap kasama ng mga kagroup ko sa thesis. Wala akong ginawa kanina kundi matulog at magsoundtrip at kumain at maggames sa selpon at dumaldal. Hindi ko namamalayan na uuwi na pala at wala akong natulong ni isa. Pero ayos lang. Yun yung gusto ko sa mga kagroup ko. Hindi sila nageexpect sakin kahit nung una excited yung iba na makagroup ako kasi akala nila super responsible ko. Ayoko kasi ng ganon eh. Yung kapag hindi ako kumilos or konti lang natulong ko matuturn off at mauurat agad sila sakin. Baket sino kayo ha? Pinapalamon nyo ba ko’t sinuswlduhan para ipagawa nyo sakin lahat? Hahahahahaha char
Chen ikaw ha nagbago ka na ng favorite sa xoxo. Dati pa naman feel na feel ko yung my lady kasi parehas nating gusto yon. Anyare na ngayon ha hahaha bala ka dyan. Dyan ka na sa 365 mo haha char
wait ba to may nagaalarm
Ganda ng misguided ghosts. Yung mga kaklase ko nagaaral maggitara. Gusto ko din kaso kung sila magtuturo wag na lang. Chos kala mo naman sobrang exclusive no. De. Di ko lang feel. Dati natuturn on ako sa mga marunong maggitara at naiinggit ako sa mga nagaaral tapos nakakatugtog na. Pero ngayon di na ko natuturn on. Dami na nila eh, jejemon. Buti kung piano aralin nila, magkakainteres pa ko sa kanila.
Turned off ako sa madami kong kaklase pero yaan mo sila la naman akompake talaga
Kanina sa jeep kinikilig ako habang nagdedaydream ako. Iniisip ko si kimper tapos naisip ko kung pano sya maging kaclose tapos humantong sa mga likeable traits nya hanggang sa boom pokpok ko na.
Inaantok na talaga ako. Hindi ko mahanap sa facebook si zeus. Pero ngayong mga araw infernes daming cute na bata. Si marcus na lang hahaha gwapo nya.
Ayan tupa naduduling ako inaantok na ko bye
I see this and I picture you and me swallowed by the lights and sparks.
(hashtag chen)

Si Luna, isa syang matangkad na babae na may maikling buhok at magandang mata. Team captain ng volleyball sa school nila. Ayaw nya sa mga packs ng babae. Wala syang iisang best friend kasi ayaw nya ng nakacommit sa isang kaibigan. Magaling magtaray, magaling makipagsagutan kasama ng mga witty na reply nya sa mga taong tinatry syang maliin. May mga kaibigan sya, dalawang babae, isang bakla at isang lalaki. Nalalabas ng mga to yung pinakatotoong ngiti at tawa nya, at isa to sa mga pinakagusto nya sa mga kaibigan nya. Kaya nyang magisa, in fact, masaya sya kapag magisa. Pero hindi nya matatanggi na kailangan nya din yung mga kaibigan nya at mahal na mahal nya ito. Ayaw nya sa mga malalanding babae, sa mga clingy at pacute at halos kala mo hindi mabubuhay ng walang lalaki. Independent sya. Protective. Realistic. Mahilig sa movies. Hindi madaling umiyak. Higit sa lahat, sobrang gandang ngumiti. Magugustuhan to ng lalaki nyang kaibigan, pero hindi ipagpipilitan nung lalaki na magustuhan sya ni luna pabalik dahil alam nyang ayaw ni luna ng pinipilit o pinepressure. Napapansin naman to ni luna pero hindi nya winiwili yung lalaking maging sweet sa kanya or wat. Binibigay ni luna yung kapalit ng pagiging mabait ng mga kaibigan nya sa kanya pero sinusigurado nya na hanggang brothers and sisters lang ang tingin nila sa isa’t isa. Parehas kami ni chen na malapit sa kanya. Pero mas best friend nya tatay nya. Oo tupangina nyo kami ni chen nanay at tatay ni luna buwaha ok. 

Si zeus naman yung sumunod kay luna. Matangkad, maputi, maganda buhok. Maganda din jawline nya at ayoko mang ipagmayabang pero sikat sya sa buong campus nila. Wala akong plano dito sa batang to hahahahaha si chen na lang magdedecide kung magiging basketball player ba sya o magiging hayok sa music para man lang may contribution sya sa anak namin buwahehe. Pero ewan mas gusto ko, both. Ayon bala ka na baby boy. 

Sunod, si nova. Sya na huli don’t worry baka mapagod matres ko kakabuntis. Bale kabaliktarad sya ni luna. Mahaba buhok, medyo matangkad, pale, maganda ilong. Teka san nakuha yung magandang ilong hahaha kay kris ba or waht. Bala na. Bale madaming lalaki na nagkakagusto sa kanya pero wala syang gusto sa kahit sino dito kasi mataas standards nya sa lalaki. Gusto nya ng mas matanda sa kanya kasi gusto nya sya yung poprotektahan, at isa yon sa mga ideal type nya, someone na ipapafeel sa kanya na safe sya. Natural yung pagiging cute nya. Mahilig yung pamilya nya sa books at movies pero sya yung pinakamahilig sa books. Sweet. Mahilig din sa music at super angelic ng boses. Bata pa lang ang dami nang alam na tugtuging instruments. May iisang best friend. Blogger. Mahilig sa photography. Unique. Best friend nya ko. Palagi kaming nagkukwentuhan ng seryoso. Strong girl pero may mga weak points din. Magkakagusto sa isang too-high-to-reach na lalaki. Dreamer.

Someday, magiging proud kami ni chen sa mga anak namin at sa isa’t isa. Mamahalin namin ang bawat isa ng super super super.

Monday, October 7, 2013

Kakatapos ko lang magcopy paste ng ilang posts galing sa tumblr ko. Ok. Lahat ng yon galing sa tumblr ko kaya ok. Dapat magrereview ako ngayong madaling araw dahil wala lang, trip ko lang. Kaya nagtimpla ako ng coffee. Kaso pagkainom ko ng coffee natapos ko na yung reviewer sa mapeh tapos tinamad akong basahin kasi wala lang. Kaya ngayon, good luck lang sakin kung makatulog ako.
Bale ang balak ko lang talaga dito eh ibigay yung link ng main blog ko. Yung mga pinopost ko dito, mga piling posts lang galing sa main blog ko. Binibigay ko sa inyo yung link kasi nagbabakasakali ako na makita to ni chen tapos paghirapan nyang hulaan yung password tapos pag nabuksan nya malalaman nya na lahat tapos magiging close na kami kasi madami syang alam sa buhay ko tapos maiinlove sya tapos magpapakasal kami tapos-
Edi ayon nga.
May password yung blog ko.
Kaya good luck.
Ayoko talagang buksan nyo yan.
Ano ba ang gulo ko
Ano bang sinasabi ko
Bakit ba ko nagtatype
Ano ba
Nawawala na naman sa sarili
Ano
Bye
Because you guys don’t understand anything about my life, about my struggles. You don’t understand how it feels to have 30 people waiting for you and depend almost everything on you. You don’t know how it feels to work on your hardest but never felt enough for people. You don’t know why I prefer sleeping rather than putting my butt away from my chair, the way my expression disappears once the school hours start. 
The truth is, I can’t move on. I want to be with Pam and Gen. I miss them to the most terrible level. I just can’t show my true self to my classmates because they never cared enough, and I don’t want to push myself to them. I’m scared they may not accept me the way my friends did, because I know in myself that being friends with me is a really small hole of a needle - it’s badly hard. I don’t think they’d find my humor funny or maybe they’d think I’m so trying hard. Well, okay, I don’t find theirs matched with mine either. I know they can be caring and fun and cute in some ways but I just don’t find them amusing, I mean, I don’t have that tendency to love them as much as Cj does. 
And I’m scared they won’t love me back just because I’m not as funny and as loving as Cj. 
I want to be with Gen and Pam. I want to feel appreciated again, because some things in some days just feel annoying when it comes to ‘them’.
Hindi naman porket nasaktan ka ng isang tao, masama na sya e. Normal lang naman na may masaktan tayo. Hindi naman lahat ng ginagawa mo eh pleasing para sa mata ng iba. 
Hindi dahil sa naoffend o nasaktan ka ng isang tao, hindi mo na sya papansinin or what. Ang immature mo kung ganon. Dapat marunong kang magtreasure ng relationship, mapa-kaibigan man o classmate lang. Kung nauurat ka na talaga, kausapin mo. Hindi yung basta lalayo ka or what.

092013

Napapadalas yung iyak ko ngayon ng patago. Hindi naman ako ganito noon, actually hindi ko naman iniiyakan yung mga ganitong bagay. Pero ang hirap kasi ng ganito. Wala kang makapitan, maski sarili mo hindi mo malift up kasi feeling mo kasalanan mo naman lahat, walang makaintindi sa’yo. 
Kahapon, bad 19. Umaga palang nauurat na ko, damang dama ko na yung bad vibes. Pinapagalitan ako kasi late na ko tapos ayaw ko pa ding bumangon. Nasabihan pa kong ang tamad tamad ko, hindi na ako aasenso sa buhay. Hindi naman ako tinatamad non, pagod lang ako. Kahit sa umaga feeling ko pagod pa din ako. Puro sila pagmamadali. Naiintindihan ko naman kung bakit pinagmamadali nila ako, para din naman sakin yon. Pero dahil sa ginawa nila, nasisi ko na naman sarili ko. Ang tamad ko. tamad kong anak, ang tamad kong kaibigan, studyante, kaklase. Kaya ko pang intindihin yon, hindi ko na lang pinansin kasi baka nakukultuta lang sila. Tapos yung ate ko namomrovoke. Nangaasar sya. Sumasagot din ako kasi ayaw kong magpatalo. Sasabihin nya na ang pangit ko, na bakit ganto itsura ko. Sasabihin ko na ang laitera nya, kala nya kinaganda nya yon. Pero aside sa naurat ako sa ate ko, nadown ako. Ang pangit ko. Hindi na ko magugustuhan ni Chen. Wala nang magkakagusto sakin. Wala namang magpapakahirap na kilalanin ako kasi hindi naman ako kasing ganda ng iba. Nasira umaga ko. Paglabas ng gate gusto kong umiyak. Pero hinayaan ko. Kaya kong pigilin. Nakakahiyang umiyak ng madaming nakakakita.
Pagdating ko sa room, sinabihan ako ni Jamie ng ‘ate chloe ang aga mo’. Alam kong late ako. Maiintindihan ko sana kung sinabi nya yon ng pa-joke, kasi ang sarcastic nya don sa sinabi nya. Pero hindi. Seryoso sya sa pagiging sarcastic. Tinanong nya kung may visuals na daw ba ako sa research. Kami na daw kasi magrereport. Sabi ko wala. Yung reaction nya parang ‘ha bakit ka ganyan’. Naisip ko tuloy na baka natuturn off na sya sakin kasi ayon nga, president, palaging late. President, walang disiplina sa sarili. President, palaging walang notes, natutulog sa klase, hindi handa sa report. Hindi ko na lang sya pinansin ulit.
Maya maya sunod sunod na silang nagtanong sakin ng visuals. Ang dami pala naming report, di ko alam. Yung report sa TLE akala ko next week pa, di ko alam na nung araw na pala na yon, tipong wala pa kong nababasa ni isa tsaka wala pa kong visual aid. Sabi ko din kay Ellen, sya sa 1, ako sa 2 si Jamie sa 3 sa research. Umoo sya. Ok na.
Habang nasa upuan ako nung research (di pa pala namin report, kinabukasan pa), pinuntahan ako ni Cj. Niyugyog nya ko, tipong badtrip ako tapos niyugyog nya ko. Hindi naman ako nagalit, nairita lang ako sa ginawa nya. Pero ok lang. Tinignan ko sya tapos hindi ko napigilang tumingin sa kanya ng seryoso, although di ko alam na ginawa ko yon. Hindi ko lang talaga napilit na tawanan yung ginawa nya, kasi dati palagi akong tumatawa tuwing nangkukultuta sya. Nahalata nya mood ko. Tinanong nya ko kung badtrip daw ba ako. May mga kaklase ako na feeling ko narinig yon. Kaya sabi ko, hindi. Baka kasi sabihin nila, palagi na lang akong badtrip. Katulad nga nung sinabi ni Vincci. Nakakatakot ako kasi mukhang di ako approachable, palaging seryoso. Baka sabihin nila may pinepersonal na naman akong bagay. Pero sa loob loob ko, tupangina. Ang hirap, ang bigat. 
Nagmath na. Wala lang kay Cj yung nangyari kasi sabi ko hindi naman ako galit. Ingay lang sya ng ingay. Nasa tabi nya lang ako. Bigla kong naisip yung mga nangyayari sa buhay ko. Nagiguilty ako. Nale-let down ko yung taal. Araw araw kinukulit nila ako tungkol sa tshirt. Nahihirapan ako. Hindi na ba ako magaling na president kasi wala pa kaming tshirt? Hindi na ba ako magaling na president kasi ang tamad ko sa mga assignment, hindi ako nagdadala ng mga requirements, hindi ako nagrerecite? Nung nagopen up ako kay Hans, sinabi ko sa kanya yung nafifeel ko sa taal pati sa pagiging president ko. Wala syang sinabing “Okay lang yan. Hindi naman kami nagsisisi sayo”. Wala, parang umagree lang sya. Sabi nya pa dapat si Janine na lang naging president kasi sya din naman yung palaging nagaasikaso chuchu, pero hindi sa offensive na tono. Pero ang dating sakin non, nakakahurt. Hindi dahil sa nauurat ako kay Hans kasi hindi nya ko maappreciate. Nahuhurt ako kasi yun yung tingin nila sakin, na hindi pala talaga ako enough, na walang makaappreciate sakin. Wala man lang nagsasabi sakin na “Okay lang yan” kasi hindi naman talaga okay lahat. Wala namang nakakaintindi. Inaamin ko, dinadamdam ko yung sa taal pati yung pagpipilit nila sakin sa tshirt, yung pag-asa nila na makakapagpagawa agad kami ng naka-upo lang sila sa isang tabi’t ako yung nagoorganize ng lahat. Nahihirapan ako kasi ang dami ko ding iniisip, at minsan hindi na ko makapagpahinga. Akala nila pa-easy easy lang ako, pachill chill lang ako kasi wala naman akong ginagawa sa upuan ko araw araw kundi magpainit ng pwet at matulog. Pero hindi. Iniisip ko to araw araw. Gusto kong umaksyon pero hindi ko alam kung paano ko to gagawin ng magisa. Kasi hindi ko alam kung may aasahan ba ko sa kanila. Ang hirap kapag gusto mo silang tulungan, actually ginagawa mo yung best mo para matulungan sila pero sa simpleng pagkukulang mo jinajudge ka na nila.
Jok. Jinajudge ba nila ako. Hahahaha ano ba tong keannang to gawa gawa issue 
Nahihirapan din kasi ako sa magulang ko pati sa kapatid ko. Wala nga silang alam na ganito yung nafifeel ko eh. Hindi nila alam kung gaano ako napapagod sa mga araw araw. Hindi ko masabi sa kanila kasi ayokong maging stress. Baka di rin naman nila pakinggan. 
Lumapit sakin si Jamie pagkatapos non. Naghuhurumentado sya kasi gusto nya sa 2. Di ko alam na sinabi nya pala sakin nung MAPEH na number 2 na sya at 1 si ellen at 3 ako. Umoo daw ako. Gusto ko sanang ipaglaban yung number 2 kasi parang ang cute eh, di ko din kasi magets yung number 3. Kaso ayaw ko nang magsalita. Hindi ko alam. Naiiyak ako nung mga oras na yon. Naiiyak ako kay Jamie. Parang napakawalang kwenta kong tao non. Tuwing sya yung nakakapansin ng flaws ko, feeling ko seryosong masama yon. Hindi kasi sya yung taong madaling pumansin ng pagkakamali, mas tumitingin sya sa ganda. Pero ito, parang feeling ko mali talaga yung ginagawa ko. Feeling ko ang sama ko. Basta ewan ano daw. Nag-nod na lang ako tapos tumingin sa labas, ayoko kasing tumingin sa kanya ng diretso kasi baka mamuo yung tears sa mata ko, ayokong makita nya yon. Nung napansin nya na seryoso ako non, tinanong nya ko kung bad trip daw ba ako, softly na lang. Sabi ko ata oo. Tapos sabi nya bakit. Sabi ko, ang dami lang ginagawa, nakakastress. Pero deep inside, hindi lang talaga yun yon. Tapos sabi nya sakin, kaya ko daw yon. Hanggang sa umalis na sya. Tumungo ako. Natouched ako na nasasaktan na ewan mukhang jabar. Namumuo na yung luha ko. Hindi ko mapigilan. Hindi ko na kailangang piliting magdrama para maiyak. Nagpunas ako ng mata tapos pumunta sa CR. Walang tao sa CR. Nakatayo lang ako sa loob ng cubicle. Pinapakalma ko sarili ko. Pinipilit kong kalimutan, iniisip ko na makakaget over din ako. Pagbalik ko sa room, tumungo ulit ako. Nakabukas yung mata. Narinig ko yung mga taong papalapit sa direksyon ko, naghuhurumentado. Pero hindi, hindi ako yung nilapitan nila. Si Estelle. May ubo ata, masama pakiramdam. Lahat sila naghuhurumentado kasi gusto sana nilang kumain at pumunta sa canteen kaso walang kasama si Estelle. Sabi pa ni kenneth, may gamot sya, ibibigay nya na lang kay Estelle kasi baka kailangan nya. Dun ako naiyak. Tuloy tuloy yung luha ko. Hindi ko mapigilan. Naghalo halo na yung feelings ko. Sumabog. Buti pa si Estelle may mga kaibigan na hindi sya iiwan, na hindi sya ile-let down, hindi sya hahayaang in pain. Buti pa sya, may care yung taal sa kanya. Hindi man sya yung mga nagoorganize ng mga bagay bagay para sa kapakanan ng taal, gusto pa din sya ng taal. Mabait sya, maganda. Bakit ako hindi? Bakit lahat na lang ng ginagawa ko, mali? Bakit never akong naging good enough sa mga tao? Sa choir, hindi ako nagiistand out kahit na ginagawa ko na yugn best ko para magimprove. Hindi ako kinakaibigan ng mga ka-choir ko. Nginingitian ko sila. Tinititigan ko sila sa hallway para pag nagmeet yung eyes namin, magha-hi ako. Kasi gustong gusto ko silang maging ka-close. Pero nung sinabi ko kay Vincci na hindi ako pinapansin ng isang ka-choir namin, sabi nya baka daw natatakot sakin. Buti kung ‘baka nahihiya’. Pero yugn sabihing nakakatakot ako, mukhang hindi ako approachable - nakakadown. Kahit na nginingitian ko sila, hindi nila ako mapansin. Napaka invisible ko. 
Pagkatapos kong umiyak, wala. Back to normal. Nagpunas ako ng luha, nagpulbo para hindi mahalatang umiyak. Nginitian si Cj. Umalis. Pinilit tumawa sa mga sinasabi ng kausap.
Kasi sa huli, sino din ba yung masasandalan ko? Walang iba kundi ako.

Message to my favorite lightning (092113)


Nagsimula ang lahat sa ktv, kasagsagan pa ng pagiging fan ko ng harry potter at akala ko kanta ng suju yung mama kasi super junior at gg lang alam ko sa kpop at ok nakakaurat ang dami kong pinagsasabi. First subject namin at nagmumura ang pancreas ko dahil tupangina ang gwapo ng mga batang ‘to at mukha kaming jabar kakatawa sa mga ka-bramakuda-han ng exo. Ang balak ko lang talaga nung mga panahon na yon eh tawanan yung exo at magwala sa pagiging hayok-in-all-things ni chen at mag move on na, hanggang sa hinulaan ko sila isa-isa tapos naaamaze sakin yung mga kaibigan ko tuwing nakakatama ako ng pangalan sa exo. At kakahula ng pangalan ng exo habang nakikinig sa kanta nila bawat split-second na ginawa ng Diyos, unti unti akong nagkainteres sa kanila.

Pero hindi talaga ‘to yung sasabihin ko. Gusto ko lang sanang maglandi kasi proud na proud talaga ako na naging bias ko si chen. Ok alam kong ang hirap maging fangirl dahil gustong gusto mo yung bias mo kahit na alam mong hindi ka nya magugustuhan in return. Pero tupangina kahit ilang rebolusyon man ang suungin ko, hinding hindi mawawala si Chen sa puso ko. Isa sya sa mga dahilan kung bakit hindi ako nawawalan ng pag-asa sa bawat masalimuot na araw. Kung paano ako natutong mangarap at magpakahirap para matupad yon. Boses nya gumigising sakin tuwing malapit na kong makatulog sa klase. Nagkakaroon ako ng lakas ng loob, natututunan kong iface yung fears ko dahil sa kanya. Na-realize ko na hindi lahat ng pagmamahal makikita lang sa mga magboyprenz chuchu. Pwede mong mahalin yung isang tao nang hindi mo pinagsisiksikan sarili mo sa kanya. Minsan makita mo lang syang masaya - boom, kumpleto ka na din [WAIT MAY KINALAMAN PA BA TO SA BIRTHDAY NI CHEN O PURO LOVE ADVICE NA LANG ISUSULAT KO DITO HAHAHA ZHET]. Kaya kahit na alam kong isang segundo lang ang tatahakin ko para igive up yung pagsuporta ko kay Chen, mananatili pa din akong matatag dahil hinding hindi nito mapapantayan ang milyong milyong feelings at memories na binigay sakin ng tupanginang lalaking to.
Hoy Chen I love you ok!!!!!1!1!
Years from now, I’m still going to love you. Ikaw pa din magiging laman ng mga diaries at blogs ko. Hindi ako magsasawang suportahan ka. Hindi kita kakalimutan, hindi ako magiging selfish. Kaya tupangina stay healthy. Stay strong and keep reaching your dreams. Andito lang kaming mga fans mo para umalalay sayo. You’re never alone. We will always love you more than just to the moon and back. We will love you endlessly.
HAPPY BIRTHDAY KIM JONGDAE. ILANG TAON KA NA NGA ULIT? 42? HUHUHUHU HAPPY BIRTHDAY.
/Thank you God 

History (092113)

First subject namin. Social. Wala si Cj, nasa Singapore. Tawa ng tawa si Pam at Genevieve. Tinignan ko kung ano pinapanood nila. Kpop. Inulit nila para ipapanood sakin. Lalaking ayaw papuntahin sa harap, mga gwapong lalaki na nasa gilid pati ibaba, lalaking mukhang wild na hayok kumanta pati sumayaw. Natawa ako. Tinanong ko kung ano pangalan nila. Natawa ako kay Kai. Natawa ako sa mga kaepalan ng exo. Jinajudge ko sila as if ang tagal ko nang ‘exotic’ at sayang saya na ko don.
Napagalaman ko na sila pala yung kumanta ng MAMA, na akala ko kinanta ng suju or ng ibang group. Pinanood nila sakin isa isa yung mga video ng exo. Nung una naghahanap lang ako ng pinakanagagwapuhan ako, para kung sakaling magustuhan ko sila, may bias ako. Una sa listahan ko si Kai kasi nakakatawa talaga sya sa ktv. Gusto ko yung confidence ni Chen pero naisip ko na parang ayoko sa kanya kasi feeling ko ang galing galing nya tsaka madaming nagkakagusto sa kanya kasi ang galing nya makisama tsaka isa sya sa mga leader chuchu sa exo. Nagwapuhan ako kay Suho at Sehun [na napagkamalan kong isa lang kasi medyo magkamukha sila sa mv], muntik ko nang sabihin na isa sa kanila pinakagusto ko kaso si Sehun, bias na ni Gen. Si Suho, parang may kulang. Natutuwa ako kay D.O kasi may unique side sya, gusto ko sana sya pero pinipigilan ko lang kasi gusto sya ni Pam pati ni Gen, though hindi nila sya bias. Pero kahit na naghahanap ako, hindi ko pa din sila magustuhan ng sobra. Ang tagal ko ding makabisado mukha nila. Para sakin pa nga non, kamukha ni Chen si gumiho sa MGIAG. Nagedit pa ko ng picture nilang dalawa tapos nilagay ko sa twitter. Feeling ko din kamukha ni Sanchez si Lay. Kamukha ni Jeremy si Sehun. Ang gwapo ni Luhan at Baek. Nasusosyalan ako kay Kris. Muntik ko na din syang maging bias. Alam ko may araw na sabi ko gusto ko si Kris. Sabi pa nga ni gen parehas kami ni Kris Cabading ng mga type eh, parehas kami ng gusto. Pero sa loob loob ko, hindi ko pa din gusto si Kris. Nagkakainteres lang ako sa kanila. Hindi pa ko dumadating sa point na kikilalanin ko sila isa isa, aalamin ko mga facts nila, magfafollow chuchu ako ng mga fans nila para sa news tsaka updates. Natutuwa lang ako sa kanila in slightest of ways. Pero syempre, habang tumatagal, palaki ng palaki yung interes ko sa kanila kasi pano nga ba naman ako mawawalan ng pake kung yung mga friends ko sa school, walang ibang ginawa kundi makinig at manood ng mv ng exo. 

Hindi ko na matandaan kung nagkabias na ba ako or hindi pa bago dumating si Cj. Alam ko matagal kong pinagdesisyonan bias ko sa Exo eh. Sa K, si Kai o kaya si Suho. Sa M, si Tao, si Kris, si Luhan, si Chen. Hinahanap ko kung sino yung pinakaperfect kasi ayaw kong magsisi balang araw. Hanggang sa umonti ng umonti yung choices ko. Naging si Chen, Kai at Tao na lang. Si Chen, kasi ang cute nya, lalo na nung napanood ko yung cut nya sa sina interview ata, basta yung may parang charades tapos inact nila yung i love you tapos kilig na kilig ako kasi ang cute. Tsaka ang balanced nya lang, hindi masyadong high pero hindi bagsak sa standards. Si Tao, ewan, nagwapuhan ako ng over sa picture nya sa airport sa thailand ata na nakashades tapos basta. Si Kai, gusto ko sya pero natrauma ako noon kasi nung kinausap nila Thalia sila Pam tapos kasama ako, tinanong nila kung sino sino bias namin. Sabi nila Gen si Kai daw bias ko tapos tumawa sila. Hindi ko alam kung bakit, parang nahiya ako kasi baka natutuwa ako kay Kai pero ang pangit pala i-bias ni Kai tapos baka mali ako ng desisyon baka sabihin nila ang pangit ng taste ko. Kaya sabi ko sa sarili ko, gusto ko madaming fans yung pipiliin ko para malaman kong tama yung desisyon ko, para maassure na likeable yung member na pipiliin ko. Isang araw, nung nasa nueno kami para sa isang event, tumambay lang kami sa canteen nila Gen. Tinanong ko sila kung sino ba may pinakaonting fans sa exo. Hindi nila alam kung sino. Tinanong ko kung madami bang fans si Chen. Sabi nila madami. Si Tao, unti unti nang nakukuha ni Pam. Kaya sabi ko si Chen na lang. 
Hindi pa ko seryoso kay Chen non. Pero sya yung pinili ko sa exo. Hindi ko pa sya kilala kaya ayokong magustuhan sya ng sobra. Unti unti akong nanood ng videos ng exo sa youtube. Interviews, Happy Camp, Pre-debuts. Bumalik si Cj. Nagaway kami. Nagbati kami. Pinakilala namin sa kanya ang exo. Exo-M din bias nya. Kaya nagkaroon ako ng chance para ilessen yung panonood ng exo K at tumutok sa mga videos ng exo M. Nagustuhan ko yung M more than K. Nakilala ko sila ng much better. De basta yon nakakatamad na ilagay yung details. Basta naging bias ko lalo si Chen.
Pero ang tagal kong magustuhan si Chen, yung as in fall talaga. Gusto ko lang sya, pero hindi yung as fan na fan na fan. Siguro kasi naninibago ako sa kpop, or sanay lang ako na hindi umasa sa mga artists na almost-perfect kaya hindi lumalala yung feelings ko. May crush din kasi ako sa room. Kaya may mga oras na parang ayaw ko na maging exotic, may mga times na sasabihin ko exotic ako. May mga times na matagal ko silang magugustuhan pero biglang magiistop kasi minsan sa sobrang paulit ulit nakakasawa na magspazz. 
Nakakatamad ikwento lahat. Uumpisahan ko na lang ulit yung post at kung ano yung gusto kong sabihin dito: masaya ako kasi hindi ako na-fall agad kay Chen. Ayokong ma-in love agad sa’yo, dahil ayaw kong gayahin yung ibang fans na halos ialay buhay nila sa idols nila kahit ang bata bata pa, tapos habang lumalaki’t nakakakilala ng bagong tao, magsasawa sa dating bias at ayun nga, imbis na ‘bias’, dating bias na. Ayokong magsawa sayo. Gusto muna kitang kilalanin. 
Dati, feeling ko nagustuhan ko lang yung thought mo. Nagustuhan ko yung kung anong iniisip ko na ikaw. Nagustuhan ko yung thought at yung feeling kapag nakita kita, kapag naging tayo. Pero nung nagcomeback, nagustuhan kita lalo. Dun siguro nagsimula yung pagkakagusto ko sayo ng sobra sobra, palala ng palala kada araw. Tipong maagang maaga ako gumigising para habang nagluluto ng pagkain at naghihintay sa takure, napapanood kita sa computer. Inaabangan ko lahat ng performance nyo. As in nagustuhan talaga kita ng sobra. Ikaw palagi kong iniisip. Ikaw bukambibig ko, at sa bawat sinasabi ko may feeling talaga. Hanggang sa nasasaktan ako. Hindi mo ko gusto, hindi mo ko magugustuhan. Pero sa puso ko ikaw lang. At ang unfair non. Bumalik na naman sa dati. Bias kita’t mahal na mahal, pero minsan biglang masasaktan at titigil, tapos sunod na araw gustong gusto na naman. Nahihirapan ako. Pero isa lang naiisip ko sa bawat problema - kahit na nahihirapan ako, hindi ko pa din kakalimutan yung dahilan kung bakit kumapit ako ng ganito katagal. Mismong si Chen, pati yung feelings na binibigay nya sakin. Yung mga aral. Yung mga realizations ko sa buhay, yung fact na marunong na ko mangarap at magpahalaga sa mga bagay bagay. Natutunan ko din na mahalaga palagi ang pagsisikap sa lahat ng bagay, lalo na kung gusto mo tong makuha. Naging inspirasyon sya sakin. Naging dahilan sya para hindi ako gumive up sa mga bagay bagay ng ganon kadali. Kung bakit kaya kong iface yung mga fears ko, kung pano ako nagkakaroon ng lakas ng loob. 
At minsan kahit mahirap, hindi ko pa din magive up give up si Chen. At proud ako don, seriously.

092113

Chen, birthday mo na :) Ang bilis ng panahon no? Parang last year, nasa computer lab lang ako para magbukas ng blogspot at isingit yung happy birthday chen sa blogspot ko’t kumain ng isaw. Gano kabilis naman kaya yung future? Magiging ganon kabilis din ba yung makikilala mo ko’t magiging masaya sa piling ng isa’t isa? #chararat
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo. Nafifeel ko na din yung nafifeel ni Jillian buwahahehe. Nasabi ko na ata lahat dun sa letter ko sayo galing sa kabit ni kim jongdae eh. Wala lang. De. Pero gusto ko lang sabihin sayo na I’m so proud of you. Masaya ako kasi 22 ka palang, nareach mo na yung isa sa mga greatest dreams mo. Masaya ako kasi super loved ka ng madaming tao sa buong mundo. At kahit na isa lang ako don, at kahit na posibleng ‘ordinary fan’ lang ang dating ko sayo, masaya pa din ako para sayo. Hindi na din naman ako nageexpect ng kahit ano para sumaya. Masaya na ako basta masaya ka. Kaya keep smiling lang. Kung minsan nahihirapan ka, pray ka lang. Wag kang gigive up. Naniniwala akong kayang kaya mo lahat ng pinagdadaanan mo (kung meron man), kaya keep striving.
Alam mo, isa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan kita, kasi hindi ka nahihiyang ipakita yung totoong ikaw kahit na alam mong madaming mata yung nakapalibot sayo araw araw. Ang galing mo, Chen. Super turn on sakin, kahit na nakakahiya tignan yung pagfifreestyle mo haha. Pero seryoso, gustong gusto ko yon. Super natural mo. Tapos yung mga pre-debut pics mo? Tupangina. Super cute. Wait, sorry kung sinabi ko dati kay Danica na kaya wala kang first kiss kasi ang pangit mo nung pre-debut. Nagiguilty ako non, pero di naman din kasi yon yung ibig sabihin ko. Ang meant ko talaga don, hindi ganon ka-perfect yung mga pre-debut stuff mo pero tanggap ko pa din kasi gustong gusto kita. Kahit na hindi ganon ka-gwapo yung dati compared sa ngayon, gustong gusto kita, at never yon naging turn off para sakin. Gustong gusto ko din yung pagiging playful yet serious side mo. Yung pangtotroll mo (which is one of your most unique sides) na super nakakaturn on. Yung pagiging witty mo, yung pagjojoke mo na wala sa hulog, yung pagiging super confident sa sarili. Yung pagiging sarcastic, playful, bubbly. Yung super humorous side mo - super unique non para sakin. Pero mas nagmean sakin, yung kahit may playful side ka, deep down inside you, super caring mo. Ayaw mo ng naiiwang in pain yung mga ka-member mo. Hindi ka nahihiyang maglabas ng feelings lalo na kung ang pinaguusapan eh yung magulang mo. Hindi ka nahihiyang kausapin nanay mo at sabihing nagaalala ka sa kanya, namimiss mo na sya - in front of the world. Super bait mo. Super gentleman mo. Super almost-perfect mo Chen. Yung pagsayaw mo? Siguro inaunderestimate yon ng iba, pero para sakin super cute non. Super cute mong sumayaw. Actually napapansin ko ngang nagiimprove ka na these past few months. Yung face mo? TUPANGINA. Hindi ko alam kung pano ko to ilalabas pero shet. One of the bests. Sama na din yung muscles and skin. Boom.
Height lang talaga chen. Hahahaha sama mo yon sa mga priorities mo ok?
To be honest, isa ka sa mga dreams ko. Gusto kong pumunta sa mga dream places ko, pero kung hindi naman kita kasama, hindi magiging ganon ka-boom yung feelings ko para magtravel. Baka nga kung wala ka eh hindi ako magkakaroon ng ‘dream’ places, baka ‘places i like to go to but dont have time’ lang. Baka hindi ako magkakaroon ng eagerness para magpakahirap sa mga dreams ko. Baka hindi ako marunong magpahalaga sa pera. Baka wala akong ipon ngayon. Masaya ako kasi yung pagkakagusto ko sayo, nagpapa-improve sa sarili ko.
Gusto kitang makita someday. Gusto kong makilala mo ko. Yung tipong magtetake time ka talaga na kilalanin ako. At sana matupad yon. Ok. Hahaha bakit ba ako yung nagwiwish eh hindi naman ako yung may birthday.
Thank you Chen for being there. Thank you for being such an inspiration to me, and for giving me strength and hope in times of trials and downs. Thank you for giving me unlimited reasons to be happy. Thank you for everything, and yes I meant it - everything.
I will always be here for you. I love you. I love you so much. 
Kim Jongdae, happy 22nd birthday! God bless you!

(092113)

Dear God,
Alam ko pong na-pray ko na ‘to last week sa church. Pero still, I want to thank You. Thank You po kasi binigyan nyo si Chen ng another year para mabuhay. Sa another year po na ‘yon, madaming nangyari. Madaming memories, madaming tao yung natulungan nya emotionally and maybe physically and mentally. Madaming tao yung nabigyan nya ng pagasa, at naging way din para magkaroon ng lakas at happiness ang iba’t ibang tao sa buong mundo. Thank You po for granting his dream. And I thank You for giving me the chance to know him. I can’t fully express everything into words but I want to thank You for everything. You’re the best, God!
God, bless him. Sana po lalo po nya Kayong makilala. Sana po masave po sya, gaya ng pagse-save Nyo sakin at sa iba pang tao. ‘Wag Nyo po syang pababayaan at iiwan. Iiwas Nyo po sya sa kapahamakan, karamdaman at kasalanan. He needs You. We all need You.
Sorry po kung minsan sa sobrang pagmamahal ko sa kanya eh medyo nagiging obsessed na ko. Pero God, tulungan Nyo din po ako sa side na yon. Pero all in all, I’m still thanking You. Sana po naging masaya tong birthday ni Chen. 
Thank you God! I love You!

Hindi ko alam kung malandi ba ako o sadyang wala lang akong maisip kaya palaging pumapasok sa isip ko yung mga soulmates. I like thinking about soulmates. I like the idea of having someone, of all billions in this world, that perfectly matches you and who’s going to love you for the rest of their lives - despite of all your flaws and imperfections. Naiisip ko na kung totoo ang soulmate, hindi ko na kailangang magworry pa. Someday, someone will accept me for who I am, without giving me the pressure to impress just to feel loved and admired. Someday, someone will fall in love with my awkwardness, the way I change my mood every split-second, my hairy legs and jumbo arms. Someday, someone will going to love me, and I wouldn’t be afraid of falling because I’m pretty sure someone’s arms will be there to catch me.
Sino kaya yung soulmate ko? Ano kayang ginagawa nya ngayon? May blog din kaya sya? Ilang taon na kaya sya? Nakasalubong ko na kaya sya sa daanan? 
Dear You,
Kung mabasa mo man ‘to years later, I just want to say hello. Please don’t hurt me. I waited for you for a very long time. Please make me happy. I will not betray you, I will always love you so don’t worry. 
Sincerely yours,
Chloe

(Late post - one week ago)

Medyo alam ko din namang iiwan mo ko, at makakameet tayo ng mas better na best friend. At medyo ayos lang sakin na iwan mo ko kasi wala lang. Ayokong magmakaawa, dahil wala namang best friend na mangiiwan, kaya kung iiwan mo ko, edi tanggap tanggap chuchu na lang. Nakakapagod isiksik sarili mo sa taong lumalayo ok.
Naalala ko tuloy nung first year, nagaway tayo. Mukha akong timang non, nangchat ako ng mga schoolmates para magpost sa wall mo na patawarin na ko chuchu na medyo jejemon talaga. Pero hindi mo pa din tinanggap. 
Sa lahat ng away natin, palaging ikaw yung nagsisimula. Naaamaze nga ako ngayong 3rd year eh, kasi alam kong nauurat ka sakin at nauurat din ako sayo minsan. Pero baka napipressure ka kasi loyal ako at hindi ako yung tao na basta basta mangiiwan dahil lang sa mga tampo tampo, kaya ganon din ginagawa mo sakin. Pero ngayon, lumayo ka na.
Nauurat ako ngayong araw kasi nga dini-m kita sa twitter, tinanong ko kung nagtatampo ka pa. Sabi mo, hindi mo alam. Ang labo mo. Tinanong ko kung bakit. Hindi ko alam kung nagets mo ba kung bakit ‘bakit’ yung nireply ko, o sadyang gusto mo lang na maghintay ako sa wala kaya hindi ka na nagreply after non. 
Tinanong kita ng ‘bakit’. Bakit kasi hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo alam yung nararamdaman mo, kung bakit lahat na lang pinapalabo mo. Kung nagtatampo ka pa din, pwede mo namang sabihing oo. Nang hindi ako nagwoworry kung lalapitan ba kita or what. Nang hindi ako mapahiya kapag hinintay kita para sabayan sa paglakad, tapos lalayuan mo lang ako. Kasi kung lalayo ka, lalayo din ako. Hindi kita papakialaman.
Hanggang ngayon nagpiplay pa din sa isip ko yung senaryo sa canteen. Anong nangyari sayo? Naka-earphones lang ako non. Nagpapatugtog ng My Lady. Kahit itanong mo pa kela Gen, paulit ulit akong sumusulyap sa entrance ng canteen, nagaabang sayo o sa ibang taal para itanong kung nasaan ka. Iniisip kita kasi baka kung ano nang nangyari sayo. Pero di na kita sinundo o binalikan kasi madami ka namang makakasama sa taal. Pwede mo namang kaming hanapin sa canteen. Wala na din ako sa mood kasi nga ang init tsaka nakakapagod. Pero maya maya, nakita kitang nakasimangot. Bakit ka nakasimangot? Bakit nakakunot yung noo mo na parang binagsakan ka ng langit at lupa? Tumingin ulit ako sa selpon ni Gen kasi ayokong magcare. Nasaktan din ako at some point nung nakita ko yung simangot mo. Galit ka, obviously. Pero para san? Dahil sa naiwan ka namin? 
Nagulantang din sila Gen at Pam. Naaalala ko pa, sabi sakin ni Pam, “Chloe ayan na si Cj. Hala bakit-” tapos tinignan ulit kita. 
"Bakit iniwan nyo ko hinanap ko kayo chuchuchu palagi naman kasi kayong ganyan eh, palagi kayong nangiiwan!!!"
Tinignan lang kita. Nagsabi ako ng sorry, hindi ko alam kung ilang ulit. Nakaupo ka lang sa tabi ko, nakaharap sa likuran ko. Kinakausap ka ng mga kaklase natin, kalmado yung boses mo. Nagaadjust ka kasi ayaw mong masaktan yung mga kaklase natin dahil sa bad vibes mo samin. Buti pa sila. Pagkatapos kong magsorry, hindi mo pa din pinapansin. Wala kang confirmation kung natanggap mo ba yung sorry ko. Hindi din nakapagsalita sila Gen. Nakatitig lang ako sa bag ni Gen. Hindi ako naiiyak, or maybe naiiyak ako - hindi ko na matandaan yung nafifeel ko. Napansin siguro yon nila Gen. Tinawag nila ako at tumingin lang ako sa kanila. Maya maya, niyaya ka na ata nila Allyssa. Tumayo ka, sabi mo uuwi ka na. Iniwan mo kami pagkatapos non.
May lakad tayo nung hapon na yon. Ikaw yung pumipilit sakin na maghanap ng tela, kasi sabi mo nga, kaya hindi tayo nakakatrabaho sa tshirt kasi hindi natin sinisimulan - which is parang pinapatama mo sakin. Iniwan mo ko kahit na alam mong kailangan kita nung hapon na yon. Iniwan mo ko kasi naiwan din kita bago non. Ganon ka na ba ngayon? Imbis na kausapin mo ko ng kalmado, sisigaw ka ng galit na galit at iiwan mo ko kasi bigla kaming nawala sa isang crowded na lugar? 
Alam kong nasaktan ka. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ganon yung ginawa mo. Nung iniwan mo yung fandom, tuwing hindi ka sumasama sa lakad ng dwegsters dahil mas pinipili mo yung ‘maagang makauwi’, ‘gagawa ng report’, ‘magrereview’, tuwing pinipili mo yung taal kesa sa mga kaibigan mo - may narinig ka ba saking sigaw? Kapag may plano ka kasama si estelle, tuwing iniiwan mo ko bigla kasi may practice kayong mga dancers, tuwing bigla kang umaabsent kasi wala lang, pagod ka lang - narinig mo ba kong nagreklamo? Alam ko yung feeling mo. Ilang beses ko nang naramdaman yan. At hindi lang basta naiwan sa quadrangle yung nafeel ko. Naranasan ko nang maiwanan emotionally. Pero hindi ako nagalit sayo. Hindi ko sinumbat sayo na palagi mo kong iniiwan. Pero bakit ka ganito?
Nagbago ka na. At hindi lang basta dahil sa hindi ka na fangirl. Nagbago ka na, entirely. Iniwan mo yung fandom, tinake mo yung risk na baka mawala din yung dwegsters sayo. Pero nung unti unti na kaming nawawala, bakit ka nagagalit? Hindi ka namin iniiwan kaya kami nawawala, ikaw yung nagpupush samin palayo sayo. Ikaw yung nagdidistansya sa sarili mo. Andyan sila gen at pam, lalapit ako sa kanila. Magha-hi ka. Maya maya mawawala ka. Bakit? Kasi natatakot ka na baka pagusapan ang exo? Tapos ngayon kasalanan namin kung bakit ang dami mong namimiss sa dwegsters? Nung una, pinipigilan kita sa desisyon mo kasi nagwoworry ako na baka malayo ka sa dwegsters. Sabi mo ikaw bahala. Pero anong nangyayari ngayon? Bakit mo kami sinisisi ngayon?
Nagbago ka na. Nung first year, nung mga kasagsagang addict na addict ako sa harry potter, pinipilit kita na manood din ng harry potter kasi super ganda nya. Super dami mong matutunan. Hindi lang naman kasi puro spells at witchcraft ang meron don. Wala akong makausap tungkol sa harry potter kasi sabi mo nga ayaw mo. Ngayon, nagtutweet ka na ng spells. Ano ba sabi mo dati? Diba masama yung spells? Bakit ngayon wala na sayo? Bakit pag iba yung nagsasabi na manood ka, sumusunod ka? Bakit mas powerful pa yung ibang tao kesa sa sarili mong kaibigan?
Iniwan mo si Luhan. Sabi mo kasi idolatry yon. Maski i-lessen mo yung feelings mo idolatry pa din. Anong ginagawa mo kay Logan Lerman ngayon? Bawat tweet mo si Logan Lerman. Sasabihin mo perfection si logan lerman. Iniwan mo si luhan para kay logan lerman, iniwan mo yung pagfafangirl mo sa exo para sa ibang american actor, iniwan mo yung dwegsters para sa mga bagong kaibigan mo. Tapos saan mo isisi? 
Nung araw na yon, ang saya saya natin. Tawa tayo ng tawa dahil sa 94s, naligaw ligaw pa tayo pero ayos lang kasi magkasama naman tayo. Tapos nung hapon bigla kang magagalit ng ganon ka-oa. Bakit ka ganyan?
My throat feels heavy. These tears are going back, bothering my eyes from time to time. The pain had never left my heart since that day. And you’re saying that we never cared? 
Are you really my best friend?



"You are beautiful and don’t let anyone tell you that you are not."

To be honest, dinadamdam ko talaga ‘to ilang araw na. Mga last week pa ata. Non ko lang kasi narealize na ang dami kong burog sa mukha. Alam mo yon. Shet basta tuwing nakikita ko yung burog ko super nasisira araw ko, feeling ko wala nang magkakagusto sakin, feeling ko tuwing may nakakasalubong ako napapamura sila sa isip nila kasi ang pangit ko. Baka di na ko magustuhan ni Chen. Ang dami daming fans ni chen na magaganda, lalo na na mga magagandang artists na nakapalibot sa kanya tulad ni eunji, tiffany. Hindi na ko mapapansin ni Chen. Kaya nga ayoko muna na makita ako ni chen sa mga oras na to eh, tipong ang bata bata ko pa. Kasi gusto ko munang magimprove (kung may iiimprove) bago nya ko makilala. Ang pangit ko kasi. Baka di ako pasok sa standards ni chen. Wala akong magagandang mata, ang dami kong eyebag, daming lines ng mata ko. Ang laki ng ilong ko. Ang chappy ng lips ko. Medyo nawawala na ung pimples ko pero tupangina ang dami namang burog tsaka scars ng tigyawat. Ang dry at ang sabog ng buhok ko. Ang itim ko. Ang dami kong balahibo lalo na sa legs. Ang laki ng hita ko. Kumpara mo naman sa ibang babae. Deserve ni chen na mainlove sa isang super ganda inside and out na babae. Hindi sa katulad ko na wala na ngang out, ang dali dali ang maurat.

Pero sabi ni Chen, maging confident daw ako sa sarili ko.

Lalo kong nagustuhan si Chen dahil dito. Ayoko sa mga lalaki talagang - ugh - tumitingin sa panglabas na anyo. I mean, ok, lahat naman tayo tumitingin sa panglabas. Pero ayoko ng mga lalaking magugustuhan lang yung babae kasi maganda. Gusto ko yung mga lalaki na marunong ma-in love sa personality tsaka insides ng babae. Tupangina yan talaga dinadamdam ko ok.

May tiwala ako sayo Chen.

Thank you for lifting me up. ♥
Omg ayoko talaga ng mga babaeng pa-demure. Ugh. Ok. Ewan. Ayoko ng mga babaeng masyadong pa-girly. O kaya pa-cute. O kaya feeling bata. Wth. Tapos kapag may boypren naka-cling lang sa lalaki bawat oras. Ok. Ang ingay sa labas ng bahay namin. Ok. 
Kapag ako nagkaboypren ermergherd gusto ko comfortable lang kami. Gusto ko maging best friends muna kami bago kami pumasok sa dating chuchu. Gusto ko parehas kaming mahilig sa movies. Tsaka hindi sya kj. Tsaka magtatry kami ng new things palagi. Tsaka pupunta kami sa mga amusement parks. Tapos manonood kami ng mga gigs ng up dharma down kahit super super gabi na. Tapos ayokong ihatid nya ko pauwi kapag super gabi na kasi wala lang baka marape sya pag umuwi sya magisa pagkatapos akong ihatid sa bahay. Tapos manonood kami ng fireworks tapos parehas kaming mageenjoy. Tapos pupunta kami sa mga bookstores tapos magtitingin ng madaming libro pero hindi bibili (parang dweggies nung sept21 hahaha). Tapos parehas kaming magiipon para makapunta sa New York or sa mga dream places namin. Tapos sabay kaming mag-aaral ng instruments. Tapos parehas kaming magrereview para sa periodic tests pero hindi kami pupunta sa library para maglandian, ayokong maglandian talaga, kapag magrereview kami gusto ko maglalaban kami. I mean, alam nyo yon, magtatanungan kami tapos parehas kaming seryoso sa nirereview namin. Tapos sa mga special days pupunuin namin mga camera namin ng mga pictures. Tapos ayokong magdate kami sa mga bonggang restaurants. Gusto ko kahit yung mga fast food chuchu lang na may memories (mcdo sa smx omg so meaningful). Or bibili kami ng ice cream tapos kakain kami habang naglalakad. Tapos pupunta kami sa sea side tapos habang naghihintay ng sunset magkukwentuhan kami tapos magtatawanan tapos titingin sa paligid tapos pagtatawanan yung iba tapos magiguilty kasi ang backstabber namin omg ang saya non. Tapos may mga araw na pupunta kami sa bahay chuchu tapos maghahanap kami ng mga course tapos magpaplano kami para sa future tapos di kami jologs na mangiiwan o kaya magbibreak ng plano. Gusto ko pag may plano kami parehas kaming seryoso don tapos di namin iiwan isa’t isa. Omg. Ayoko talagang mapaasa ako tapos iiwan ako kasi huhu pag ako nagkaboypren hindi ko talaga sya iiwanang nakatengga lang at naghihintay sakin sa wala. 
Waht.
Ok.
Hayok na hayok magboypren ha hahahahahaha syempre next time pa yan mangyayari gusto ko si chen to char landi
Bala kayo
Di masarap yung oatmeal na niluto ko lasang panis na elmo ew
Basta
Smart girls are the overthinkers, the insecure ones, the different ones. They know what the real world is like. They analyze every little thing in life. Why? To avoid getting hurt. To find happiness. They stay up at night trying to think about every possible situation to get through all the problems. They think too much. They trust fewer people. Their insecurity proves their respect toward themselves. Of course they try to live away from a drama-filled life. Smart girls know their worth. Now those are the ones worth keeping by your side.
Sabi nung kaklase ko nung thursday, bilib daw sya sakin. Kasi ako daw yung taong proud kahit sa divisoria lang binibili yung mga gamit nya. Meron daw kasi syang kaklase noon, tipong kahit halatang halatang fake yung mga gamit pinagduduldulan pa din na original yon. Tapos ako, ako pa daw nagiinitiate na sabihing sa 168 ko lang yon binili. Tipong lahat sila kakandarapa sa bag ko, sa relo, tapos sasabihin kong sa 168 lang. Okay joke lang yung kakandarapa hahahaha yabang kakaurat.
Nakakagulat kasi nagmamatter pala sa kanila yon. 
Para sakin naman wala naman sa tag o kaya sa brand yung mga gamit mo eh. Katulad nga ng sabi ng nanay ko, sa panahon ngayon, kailangan mong maging praktikal. Hindi kailangang lahat ng gamit mo bili sa SM kahit alam mong meron namang lugar kung san makakabili ka ng madaming gamit with less price. Di ko din maintindihan kung bakit may mga taong nahihiya kung dyan dyan lang nabibili mga gamit nila. Minsan nga mas maganda pa mga gamit sa 168 kesa sa SM eh. Ok.
Kinikilig ako kasi sabi nila ako daw yung pinaka-praktikal na taong nakilala nila. Wala lang, at least kahit hindi mo namamalayan, isa ka sa may hawak ng title ng ‘pinaka’ sa buhay ng ibang tao. Mas gusto ko nga yung ganong compliment kesa sa maganda, cute, chuchuchu. 
Sabi ni Cj, ako daw yung taong walang pakialam kahit naiiba yung opinyon ko sa ibang tao. May paninindigan, may integrity. Hindi daw ako papatinag kahit halos lahat sila iba ng pinaniniwalaan. Naks. Thanks bessy for noticing.
Gusto ko yung mga ganong klaseng compliment. Gusto ko yung feeling kapag may mga taong nagte-take ng time para pansinin yung mga small things na maski ikaw hindi mo napapansin sa sarili mo. 
Ang dami ko na namang napanaginipan. Nanaginip ako na yung kapit bahay daw namin, isang direktor ng super sikat na movie. Tapos malelate na daw ako sa periodic test namin, 10 minutes na lang. Sakto paalis din sila ng pamilya nila, tapos tinawag nila ako. Isasabay na daw nila ako. Dapat ata hanggang gate lang, kaso nung pagdating namin sa gate may maynilad, hindi nila alam kung saan ako ibababa. Kaya sabi, ihahatid na lang daw nila ako hanggang school. Kaso bago sila pumunta ng school, may binili chuchu pa sila. Hanggang sa ang daming nangyari tapos isang oras na kong late, hindi ko na natake yung unang exam. Pero ang sarap ng feeling nung huli kasi nakamotor na daw kami tapos ang gwapong direktor daw nung kapitbahay namin tapos nakayakap ako sa kanya tapos medyo sunset na non tapos ang yellow-orange ng sky tapos ang ganda ng clouds tapos tinuro ko sa kanya tapos ang one-of-a-kind ng feeling. Pagdating ko sa classroom nalimutan ko na nangyari, basta pinagmayabang ko daw na yung kasama ko direktor ng sikat na movie, nalimutan ko kung ano. Tapos basta ang weird sa classroom namin.
Pagkagising ko, narealize ko na may isa pa pala akong pangarap. Yung makasama ko yung soulmate (ahem chen ahem) ko sa isang open field, tapos gabi, tapos madaming stars. Alam nyo yung cover photo ng facebook ko? Hehehe ganon shet. Gusto kong makakita ng madaming stars, tapos may telescope kami, tapos makakakita kami ng planets omg ang cute. Tapos ayon. Ang landi ko.
Tapos alam nyo ba napanaginipan ko din si Chen. Ang galing nga eh, kasi kapag ibang tao napapanaginipan ko, nalilimutan ko. Pag sya, nalilimutan ko din hehe. Pero pagkagising ko, magkakaroon ako ng feeling na “omg parang napanaginipan ko si chen” kahit hindi ko na maalala lahat. Tapos pagsisikapan kong alalahanin ulit. Tapos yung mismong scene lang ni chen yung maaalala ko. Naks. Nagets nyo ba. Hindi no.
Basta nasa kwarto daw kami ng nanay ko. Tapos parang lahat kami pagod. Tapos ang init daw, si chen nakatayo, nakaformal pa sya, nakasuit. Nakatingin si chen sa labas, nakatingin ako sa kanya. Pinapawisan sya.
Chloe: Chen, pinapawisan ka na oh.
Chen: *Tumingin lang, umiwas ng tingin*
Chloe: Gusto mo tissue?
Chen: *Di pinansin*
Chloe: *Nakatitig lang kay Chen*
Chloe: Omg ang gwapo
Chen: *Tumingin, umiwas*
Chloe: *Chen alam mo ba kung ano ibig sabihin ng gwapo huhu sana alam mo kasi tupangina ang gwapo mo talaga*
As usual, hindi mo na naman ako pinapansin. Tinitignan mo lang ako. Ang sungit mo sa mga panaginip ko kaazar haha. Nasasabi ko agad lahat ng gusto kong sabihin sayo sa panaginip ko tapos ikaw tinitignan mo lang ako ng masungit. 
Ano kayang ibig sabihin non.
Feeling ko kasi palagi kong naiisip na wala lang ako sayo, na ordinary fan lang ako. Pero kahit alam kong hindi ka nagke-care, mahal pa din kita. Shet ang bata bata ko pa mahal mahal na agad hahahahahahahahahhhh
Gwapo mo
Ang proud sa feeling na ako si chloe at may bias ako na ang awkward at super cute sumayaw at mahal na mahal ko sya kahit na ang laki nya na’t hindi nya ko mapapansin ever.
Hehe

Sabi ng bias mo, gusto nya sa babae yung may charming eyes. Kaya minu-minuto, napapatingin ka sa salamin, nagtatanong kung may charming eyes ka ba. Kasi nagbabakasakali ka na mapapansin ka ng bias mo kapag nakita nya yung mga mata mo. Gusto mo na kapag nakilala ka nya, maiinlove sya sa mga mata mo, sayo - at mawawalan sya ng rason para magsawa dito. 
Titignan mo sarili mo. Magagandahan ka kahit papano. Pero bigla kang mapapatingin sa paligid mo. Mapapatingin ka sa mga babaeng may mas magandang mata sayo. Mapapatingin ka uli sa salamin at magbubuntong hininga. Hindi perfect yung mata mo, may mas maganda sayo, hindi ka na magugustuhan ng bias mo.
Gusto ng bias mo ng short girls. Pero simula bata ikaw na yung isa sa pinakamatangkad na babae sa klase. Palaging nasa likod ng pila, palaging tinatawag na ate. Dahil dyan, ikakahiya mo yung height mo. Hindi mo mamahalin yung pagiging matangkad mo. At wala kang magagawa don. Hindi ka magugustuhan ng bias mo. 
Gusto mong maging perfect.
Gusto mong magstand out sa milyon milyong babae sa mundo.
Dahil nagbabaka-sakali ka na kung mari-reach mo yung standards ng bias mo, mapapansin ka nya. Magugustuhan ka nya katulad ng pagkakagusto mo sa kanya.
Dahil natatakot ka na kung hindi ka kasing ganda ng ibang babae, hindi na magaaksaya ng oras yung taong mahal mo para kilalanin ka. Alam mong iba ka, naappreciate mo yung totoong ikaw sa loob ng panglabas mong anyo. Pero alam ba yon ng bias mo? Hindi. Kaya ikaw tong nagkukumahog na talunin yung iba sa kagandahan. 
Natalo mo yung isa. Pero pagtingin mo sa kabila, may mas maganda na naman sayo. 
Hanggang sa mapapansin mong madami sila. Milyon-milyon silang lamang sayo.
At mada-down ka. 
Tama na.