Friday, November 29, 2013

Bigla kong narealize na hindi ako obsessed. Hindi ako in love. At hindi ko kayang ibigay yung lahat ko para kay Chen. Narealize ko na hindi din ako mapapangasawa ni Chen at hindi na dapat ako umasa. Narealize ko na kailangan kong maging masaya kapag nakahanap si Chen ng babaeng magpapasaya sa kanya, at sa araw na yon magiging proud ako sa kanya pati sa babaeng papakasalan nya. Magiging proud ako sa babaeng yon, kahit na hindi ako yung babaeng tinutukoy ko, kasi sa lahat ng babae sa mundo sya yung nagpafeel kay Chen ng pagmamahal na kailangan nya, na hinahanap hanap nya. Gusto kong mahalin nila yung isa’t isa. Gusto kong alagaan nila at wag nilang iiwan yung isa’t isa. Gusto ko si Chen pero mas gugugustuhin kong mahanap nya yung totoong magpapasaya sa kanya kesa isiksik ko sarili ko sa kanya.
Susuportahan kita Chen sa kahit anong magpapasaya sayo at ikabubuti mo.
Ayoko talaga yung iiwan ako tapos bigla biglang babalik na kala mo walang nangyari. Ayokong saktan ako pagkatapos kong ibigay yung tiwala ko sa kanya. Dahil kung mangyari man yon, hinding hindi ko yon makakalimutan. Hindi ko din yon fully mapapatawad. Unless mahal na mahal na mahal ko talaga yung tao. Pero kung nasaktan mo ko ng sobra, magmamark yon. 
Wag mo kong basta basta iiwan dahil lang sa isang araw mong pagiinarte. Wag mo kong iiwan dahil lang sa mga simple mong rason. Kung hindi mo ko kayang ipaglaban, hindi din kita kayang pagbigyan. (Waht hahaha gusto rhyme amputek) 
Hindi to tungkol sa boypren boypren ok ew
Hindi kasi ako yung tipo ng taong nangiiwan lang basta basta. Kahit naiinis ako or nasasaktan, kapag mahalaga sakin yung tao, hindi ako basta basta lumalayo. Iniintindi ko sila in some ways. Pero minsan kahit hindi ko sila magets at hindi ko talaga makita yung point nila, hindi ako tong mageeksena or basta basta magagalit directly. Kaya kapag may mga taong nangiiwan sakin emotionally, ganon ako masaktan. Ok lang sakin kung hindi nila ako samahan or iwanan nila ako magisa kung place yung paguusapan, kaya ko namang magisa. Pero emotionally? Yung feeling na inaasahan mo sila, na binigay mo yung trust mo sa kanila na palagi silang andyan para sayo tapos kapag kailangan mo sila hindi mo sila makita? Ang sakit non. 
Ang dami kong gustong tanggaling tao sa buhay ko. Hindi ko lang alam kung paano.

Crappy Monday Morning



Dahil yon sa sinabi mo eh. Tinatanong mo sakin kung ano yung nafifeel ko kay Chen. Binigyan kita ng example. Nabasa mo yung “I’m waiting for him” na line ng favorite page ko sa favorite novel kong TTTW. Nagmamagaling ka, sabi mo mali yung hintayin ko si Chen kasi alam ko namang imposibleng dumating si Chen. Sabi mo nagsasayang lang ako ng oras, na lahat ng feelings ko para sa kanya eh waste of time lang. Don siguro ako nahurt masyado. Kasi hindi mo alam yung totoong nafifeel ko para kay Chen. Yung nakikita mo na ginagawa ko? Wala yan, pinapakita ko lang yan kasi gusto kong iportray yung pagiging fangirl ko. Hindi mo alam kung gano ko sya kagusto, kung gano ko sya ka-dream. Hindi mo alam kung feeling na wala kang ibang gugustuhin pa kundi yung isang lalaking nagbibigay sayo ng pagasa at ng mga bagay na hindi madedescribe ng basta letra’t salita lang. Hindi mo alam yung feeling na sobrang paglolong sa isang tao, na kahit few feet lang na distance nyo eh parang miracle na para sayo. Hindi mo alam yung feeling na nagkakagusto sa isang tao kahit ayon nga, alam mong imposibleng magustuhan ka nya pabalik. Pero naniniwala ka pa din sa tanging hope na walang imposible kung kasama mo si God. Naniniwala ka na sa mundong to, lahat ng bagay ay pwedeng mangyari kung mananalig ka. At yung tanging hope na lang na yon yung kinakapitan mo amidst all dramas, pain, insecurities, distance, age, language barriers, millions of fans and girls way better than you.

Naiinis ako kasi yung tanging hope na kinakapitan ko eh nilalayo mo sakin. Ganyan ka. Maski sa mga pangarap kong iba, palagi mo kong dinadown. Ayaw mong magkaron ako ng madaming pangarap na iba’t iba kasi hindi mo alam kung saan mo ko tutulungan. Well, hindi ko naman kailangan ng tulong mo eh. In fact, never mo naman ako natulungan. Yung pagiging president ko, puro ka lang naman pansin sa mga kakulangan ko. Palagi mong sinusumbat sakin yung pagiging late ko sa lahat ng oras, di ko pagpasa ng project (as if naman hindi ako nagpapasa, duh haha sa mga minor lang ako di nagpapasa and by the word minor, minsan namimili pa ko kung anong minor sub yung di ko papasahan. It doesn’t mean na wala na kong pinasang project sa lahat ng subject.) Nakakainis kapag pinapansin mo yung pagpepetiks ko. Hindi mo naman kasi ako kilala. Akala mo lang na porket close tayo at some point, kilala mo na ko. Hindi mo alam na mas magaling ako sa cramming. Hindi mo alam kung ano strategy ko sa pag-aaral para hindi bumagsak kahit petiks ng petiks. Hindi mo alam kung ano yung punto ko kasi wala ka namang ibang ginawa kundi magjudge lang. Sinusumbat mo sakin na kaya ka naiirita kasi pinapabayaan ko yung studies ko tapos tatamad tamad ako, at nagwoworry sya kasi feeling mo responsibility mo ko kasi kaklase mo ko. Bakit? Sa iba ba ganyan ka din mangialam ng buhay? Tsaka nakakahiya naman teh, mas mataas pa grades ko sayo sa card nung mga oras na sinabi mo yan sakin. Nakakahiya naman sa “pinapabayaan yung studies” thingy mo. Imbyerna.

Sa araw na to grabe yung pagkakaturned off ko sayo.

Leche.


Someday, pagsisisihan mong sinabi mo yan. Kasi makikilala ko si Chen at makikilala nya din ako. At kapag nalaman mo yon, magsisisi ka na sinabi mong naghihintay ako sa wala nung mga highschool days ko. Magsisisi ka na minaliit mo lang yung mga pangarap ko at minaliit mo lang yung sarili ko at yung pagmamahal ko para sa taong hinahangaan ko.

Bala ka dyan.
Gusto kong umiyak ng umiyak ng umiyak. Nung sinabi mo yon sakin, hindi ko napigilan yung feels ko deep inside. Hindi naman talaga ako yung taong umiiyak sa harap ng tao. Kadalasan tinatago ko, halimbawa pupunta sa banyo ng magisa tapos iiyak sa cubicle (nakuha ko lang sa movies tapos ginaya ko oh m g) o iiyak sa gabi kapag tulog na yung lahat. Pero yung kanina, iba eh. Hindi ko yon napigilan. Yun yung oras na hindi naman sobrang laki nung dinadamdam ko pero dahil sa sinabi nya, nagrush na pati yung ibang mga stress at dinadamdam ko these past days kaya iyak lang ako ng iyak. Nung una nagwawater lang yung mata ko, tapos pinikit ko tapos di na ko makabukas kasi basang basa na mata ko ngluha. Tapos nagecho yung mga sinabi nya sa utak ko ng paulit ulit at the more na kinakausap nya ko at naalala ko yung sinabi nya, lalo akong naiiyak. Naalaala ko lahat ng paghihirap ko kay Chen, lahat ng feels, lahat ng sleepless nights - na nasabihang waste of time lang. Gustong gusto kong ipabasa sayo to dahil hindi mo alam kung gano kasakit nung ginawa mo. Tapos nung pinilit kong maging okay para sa sarili ko at nung kinausap kita gaya ng normal kong pakikipagusap sayo, parang nalimutan mo na lahat.