Ipinakikilala ko sa inyo ang pinakamatinong tropa ng taon. From left to right: Cj, Ako (sa taas), Ellen (sa baba), Cheska.
Joke lang. Para sakin hindi talaga ito matino. Ewan ko. De, actually, kami lang talaga ni Cj ang besprends dyaan. Simula ng nakisali sila Cheska, hindi ko alam kung anong nanyari. (Gusto kong ipaalam sa inyo na ikikwento ko ang history ng aming pagkakaibigan. Kung interesado kayo, gora lang. Kung wala kayong pake, bahala na kayo sa buhay nyo.)
Actually kami lang talaga noon. Best friends kasi kami simula grade 3. Dabest talaga ang friendship namin. Sya lang yung kaibigan ko na wala akong kinaiinisan, yung hindi ko pinagsasawaang kasama/kausap, yung kaisa isang good influence sa akin.
Dabest sya.
Tapos biglang nasali si Cheska sa amin. Kami yung C3. Sabay kami palagi kumain, magkakasama palagi. Pero tropa tropa lang. Kami yung pinakamatinong tropa noon. Matatalino (ehem), pinakamabait tsaka.. basta hindi ko madescribe. Matino lang talaga kami. Wow ha.Tapos bigla ding napasama si Ellen sa amin. Eh kasi naman, iniwan sya sa ere nung mga kaibigan nya. Tapos sa amin sya nagbuhos ng sama ng loob. Eh naaawa din kami. Tapos nasabihan sya ni Cheska ng "Samin ka na lang sumama. Tamo, hindi makakalaban yang mga kaibigan mo kapag naging kakampi mo kami" kasi nadala din kami doon sa mga kwento nya. Tapos ayun, sumama sya samin. Ayos lang naman.. medyo.
Hanggang sa nag3rd Grading. Hindi na kami palagi magkatabi ni Cj, si Cheska na palagi kong katabi kasi magkalapit lang yung surnames namin. Mas naging close kami ni Cheska. Tsaka may nalaman akong di kanais nais kay Cj kaya feeling ko nalayo yung loob ko sa kanya. Si Cheska, sya lang yung kasama ko palagi. Pero hindi ko sya best friend kasi may kinaiinisan din naman kasi ako sa kanya. Mayabang kasi sya tsaka nasa loob yung kulo. Pero ayos lang. Sya lang yung nasabihan ko about dun sa friendship namin na nasisira. Tapos sa sobrang close namin ni Cheska, si Cj parang nagselos. Syempre, sino ba namang baliw yung hindi magtatampo kapag bigla ka na lang iniwan ng kaibigan mo dahil sa bago nyang kaibigan diba? Tas ayun, sumama si Cj kay Ellen tapos parang nagseperate na yung tropa.
Tapos nung nawala si Cheska dahil sa bulutong, tas nagalit si Ellen kay Cj kasi akala nya galit sa kanya si Cj, narealize ni Cj na mali yung ginawa nya kasi hindi nya inintindi yung side ko (nabasa nya kasi yung mga posts ko sa tumblr) Tapos ayun nagbati kami.
In short: Wala na kaming tropa. Back to normal ulit. Kami pa din ni Cj yung bestfriends. Wow ha. :)
No comments:
Post a Comment