So bali nakilala ko si Justin sa seminar. Una non, ang tagal ibigay sakin nung shape ko. Pentagon pala kami. Wala akong kagroup sa mga 2nd year. Shet lang ibig sabihin non. (Wait teka may nagta-tao po.)
So ayon nga. Sabi na nga ba. Ibang year yung mga ka-team namin kasi iba iba kami ng shape ng mga kaibigan ko. Wala akong kaclose sa ibang year kaya mukha akong tanga don. Bale naghahanap kami ni Spencer sa ibang year ng mga kaparehas naming shape. Then I saw Justin. Yee! De, hindi ko talaga alam pangalan nya non. Nakita ko lang sya tapos nagwapuhan ako. Unang pumasok sa isip ko, "Shocks sana hindi ko kateam yan. Ayoko ng may pogi sa team namin kasi wala lang hahaha taena.". Pero pentagon din sya, it means kateam ko sya. Gulo ko ba? HAHAHAHAHA. Grade 7 sila, tapos feel na feel kong makiclose kasi mas matanda ako. HAHAHA. Okay landita. Next.
Race yon. Unang step, paunahan makahanap ng mga kateam tapos kelangan sama sama kayo pumunta sa garden. Bale hahanapin nyo dun yung envelope nyo, tapos may puzzle don, tapos bubuuin nyo, tapos pupunta kayo canteen, tapos maghahawak hawak kamay kayo, tapos pupunta kayo sa AVR nang parang mga ulol na nagsisigaw sigaw ng pangalan ng team nyo.
So yun nga. Hindi ko alam kung bakit ang onti naming magkakateam. Bagal kasi dumating nung mga fourth year. Medyo iritang irita na ako kasi ang bagal nila tapos ayaw pa nila mamansin eh kami nga itong natataranta na kasi yung ibang team magkakasama na, kami hindi pa, eh pabilisan yon. Nu kaya yon diba. So kami yung huling nakapunta sa garden para hanapin yung envelope namin, obviously. Tawa lang ng tawa yung ibang grade 7 kasi ang weak daw namin. Yung mga 4th year, OA maghanap. Naiiyak na daw yung isa kasi di daw nya mahanap. Taena nya kamo. Haha dyok. Tapos ako, tawa din ng tawa kasi ang korni nung race, tapos di ko din mahanap. Pinahanap namin kay Sir Rodriguez kasi walang kwenta yung mentor namin, si Sir Poli. HAHAHAHA. Tae. Then yun, isang hanapan lang ni Sir nakita nya na agad. Tae. Nasa taas ng puno. ANONG KLASE YON.
Then binuo namin yung puzzle. Bale kami lang tatlo nung mga 4th year yung may effort tapos yung iba naming kateam nanonood lang. Wow diba. Team mapagmahal kami. Naks.
Then yun, pumunta kami ng canteen. Walangkwenta kasi ayaw makipaghawak kamay nung mga lalaking grade 7. Kasama na don si Justin. Sayang nga si Edward katabi ko non eh -_- Sayang tuloy moment. HAHAHA. Tapos ako tawa lang ako ng tawa kasi ang corny corny talaga. Para bang ginagago na lang kami ng SG kasi sa dami dami ng larong ipapagawa nila samin, ganong klase pa.
Tapos ayon. Last na naman kami. Nung pinapagawa yung mga voices ng mga animals bawat team, (cat kami), hindi kami umimik. HAHAHAHA. Muntimang talaga. Di kasi namin narinig yung team namin. Tapos mukha daw kaming lantang halaman na naliligaw sa gubat haha. Sarap lang sapukin eh.
Pinasayaw pa kami nung guest speaker. Kajirits lang eh. Tapos shet. Shet talaga. Tinignan ako ni Justin kung nasayaw ako. Tapos nung di na sya nakatingin, ako naman tumingin sa kanya. HAHAHAHA shet yon. Para syang nagdo-dougie na ewan. Basta kilig.
Tapos ang pogi pogi nya talaga.
Then nung lunch, magisa lang ako don sa hilera namin kasi nagbabasa ako ng Harry Potter. Tumingin sya sakin ng medyo matagal. Tapos maya maya umupo sya sa likod ko. As in sobrang likod ko talaga. Halos magkadikit na yun ulo namin. Naguusap sila nung teacher nilang malandi. Nung una nakafocus pa ko dun sa Harry Potter. Pero after a while medyo di na ko makaconcentrate kaya nakinig ako sa usapan nila. Tae. Nililipat nung teacher nila yung usapan sa love life nun. Playboy pala yong mokong na yon. Walang kwenta. Bale ang lakas ng boses nya nung una tapos nung tinanong na sya kung ilan chix nya, humina boses nya. HAHAHA. Takte. Tapos ayon, may sinabi pa nga kung crush daw ba nya yung Kyla (I dunno who that is) tapos hinaan nya na naman. Ewan. Sabi nung teacher, "Baket? Ahh.. Kasi panget? Ahaha."
Naturn off na ko sa kanya.
Basta ayon ang gulo ko magkwento.
Nung hapon, I realized, sya yung kinikwento sakin ni Cheska nung 1st year. Buti narealize ko to kundi hindi ko masesearch fb nya at hindi ko malalaman pangalan nya. HAHAHAHA. Landita. Basta. Nakita ko sya non dati nung first year, nakasalubong namin sa sa hallway. Tapos nakita ko din sya sa labas ng room namin, nakapila for entrance exam. Nakatingin sya sakin non eh, nakatingin din ako sa kanya. Okay. So what a coincidence.
Hindi ko talaga sya crush eh. Parang panakip butas lang. Ginawa ko lang syang crush para makalimutan ko si Nell. I don't know if that'll work. Parang hindi naman.
Well I don't like Nell anymore because of his ERICA.
Magsama sila.
I'm gonna be happy alone.
Alone.
Alone.
Forever Alone.
No comments:
Post a Comment