Sunday, May 26, 2013

Ate: Puro kasi koreano inaatupag. 
Nauurat ako sa mga tao dito sa bahay. Akala kasi nila puro koreano lang yung nagustuhan ko sa kpop. Para bang ang lantod ko, yung ganon. Hahaha. Tapos sa way ng pagsasalita nila parang sinasabi nila sakin na nagustuhan ko lang yung mga koreanong yon dahil ang gwapo nila. Tapos lahat na lang ng koreano feeling nila gusto ko. Kapag nanonood ng showtime yung ate ko sisigaw pa sya tapos sasabihin nyang crush ko daw si Ryan Bang chuchu. Tapos nung nagswimming kami puro sila “Uy mga koreano oh blah blah” (Ewan ko ang daming koreano don sa sinwimingan namin hahaha koreano ata may ari ewan). Tapos nung niyayaya ko yung ate ko pumunta don sa may 5’6 na part ng pool tapos ayaw nya, sabi nya “Neh gusto mo lang magpasagip sa mga koreano eh”. Like, how kitid her utak is?
Unang una sa lahat, hindi ko nagustuhan yung kpop dahil lang sa mga koreano. At hindi ako obsessed sa mga koreano. Hindi porket may nagustuhan akong koreano eh lahat na ng koreano gusto ko. Hindi ko gusto yung mga taong yon dahil korean sila, gusto ko ang korean dahil korean yung karamihan sa mga idols/role models ko. Bale wala akong interes sa mga koreano, at wala akong gusto sa kahit kaninong koreano at wala akong balak na pagpantasyahan sila or boyprenin someday unless si chen sya o si gyu o si key, basta bias ko at gusto ko for deep reasons. 
Hindi ko nagustuhan ang kpop dahil ang gwapo ng mga idols. Gusto ko yung mga idols kasi naiinspire ako sa story nila. Like Gyu, yung journey nya para matupad yung pangarap nya. Meron syang pangarap na simula palang tinutupad nya na. Meron syang banda sa school nila. At sa sobrang pagkakain love sa music, nagdecide syang magstop muna ng pagaaral para pumunta sa Seoul ng magisa (he took different jobs just to earn money and survive) kahit na alam nyang itatakwil sya ng mga magulang nya kung ipagpapatuloy nya yung dream nyang maging musician/singer. He tried a lot of auditions. Nagaudition sya ng dalawang beses sa SMent pero nareject sya ng ganun ding beses. Hindi sya nagstop don dahil lang sa nareject sya sa lahat ng beses na nagtry sya. Tapos nagkaroon sya ng chance para magaudition sa woolim and he got in. Nagtitraining sila for 10 hours a day, and some days inaabot pa sila ng 15-18 hours. At yung natitirang oras eh pinagkakasya na lang nila sa kain, tulog at pahinga. Hindi sila gumigive up kahit mahirap, kasi yun yung dream nila at alam nilang andon yung kasayahan nila - sa pagiging artists. At kung iniisip nyong walang kwenta ang kpop at kaya lang nagkakandarapa ang mga fans nito dahil sa mga looks ng idols, nagkakamali kayo. There are so much to learn in kpop. Hindi tulad ng mga ina-idolize ng iba katulad ni Daniel Padilla na napunta lang sa showbiz industry dahil related sya sa isang sikat na artista. Hindi katulad ng mga artist na sumikat lang dahil pinanganak na silang maganda’t gwapo o kaya mayaman o kaya sosyal. 
Natuto akong mangarap katulad ng mga idols ko. Natuto akong magset ng goal at gawin yung best ko para tuparin yon. Natuto akong magappreciate ng mga bagay bagay, natuto akong maging kuntento. Na tipong kahit alam mong hindi ka mapapansin ng idol mo, patuloy mo pa din syang sinusuportahan. At makita mo lang na ngumiti yung taong nagsilbing inspirasyon sayo para sa araw araw, pawing pawi na lahat ng pagod mo. 
Matuwa na kayo na imbis na pagbibilang ng boypren at pangungupit ng pera para makagimik eh nagkakagusto ako sa mga taong alam kong kagusto-gusto at nagiipon para sa pangarap na gusto kong tuparin balang araw.

No comments:

Post a Comment