[Now Playing: Goodbye - Secondhand Serenade (A Naked Twist In My Story)]
Kahit na nakakapangselos yung fact na namimiss pa din ni chen yung ex girlfriend nya, parang nasasaktan din ako para kay Chen. Hindi ko alam kung ano yung nafeel nya dun sa babae na tipong para lang don sa babae pinangarap nya na maging singer. Syempre matatanong ko din at some point yung ‘Gaano kaya kaganda yung babae?’, ‘Bakit kaya super nagustuhan nya yon?’ pero yung fact na super nagustuhan nya yung babaeng yon at yun yung first love nya at yun yung first girlfriend nya (lol not sure who knows pangatlo nya na pala yon hahaha chos), there is really something about that girl.
Feeling ko nasaktan si Chen ng sobra. Tipong mahal na mahal nya yung babae tapos biglang lilipat sa ibang school, bigla syang iiwan. Lahat ng plano nila, wala na. Wala lang. Kung yung dwegsters nga nadepress ako nung nalaman kong hindi kami magkakaklase eh. Si Chen pa kaya, sa sitwasyong iniwan sya ng girlfriend nya tapos hindi na sila ulit magkikita.
Bakit kaya kung kailang mahal na mahal mo na yung isang tao tsaka biglang lalayo or aalis or what.
Chen, don’t worry. We are here for you.
No comments:
Post a Comment